Inaalala Ka

1.4K 45 10
                                    

Ang hatol sa Mahal na Sanggre ay lisanin ang Encantadia, nang malaman ito ni Aquil siya ay pumunta kaagad sa pinag kulungan kay Sanggre Danaya.

Ngunit sa pagdating niya doon ay wala na ang Sanggre, "Umalis na ba siya?"

"Oo Mashna,"

-

Pinuntahan ni Aquil ang silid ng Mahal na Reyna, "Mahal na Reyna, nasaan na si Sanggre Danaya?"

"Wala na siya, hinatid na siya ni Pirena sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao" Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Amihan.

"Hindi man lang ako nakapag paalam ng mabuti sa kanya" Sabi ni Aquil sa kanyang sarili.

"Aquil, bakit ganoon? Bakit parang mali ang pag parusa sa aking kapatid?"

"Ganoon din ang aking nararamdaman, mali ang lahat na nangyari kay Sanggre Danaya"

"Labis mong kilala ang aking kapatid Aquil, alam mong siya ang pinaka tama sa buong Encantadia, hindi siya magsisinungaling at hindi niya kayang labagin ang mga batas ng Lireo"

"Mahal na Reyna, nagkamali ba ang buong konseho? At hindi nila pinakinggan ang iyong mahal na kapatid?"

"Gusto kong maging mali ang buong konseho, sa ganoon alam ko na totoo ang sinabi sa atin ng aking kapatid"

"Alam mo at alam ko na hindi magagawa ang mga paratang sa kanya" Huling sabi ni Aquil bago siya umalis sa silid ng mahal na reyna.

-

"Mashna, ano ang iyong iniisip?" Tanong ni Alira Naswen.

"Ang mahal na Sanggre Danaya, bakit ganito?"

"Totoo nga na iniibig mo ang mahal na Sanggre"

"Ano na ngayon ang magagawa ng ang aking pagmamahal sa kanya? Kung ngayon ay napaka layo na niya sa akin?"

"Mashna, baka kailangan mo ng umibig ng iba"

"Hindi ko magagawa iyon dahil siya lamang ang tinitibok ng aking puso, Alira. At alam ko na makakabalik siyang muli dito sa Lireo" Aquil up and left to his room and slept.

-

Napansin ng mga kawal na lagi ng malungkot o galit ang kanilang Mashna, pinasabi na nila eto sa kanilang Mahal na Reyna.

Pinatawag ni Amihan si Aquil, "Ano ang ipaglilingkod ko sa inyo Mahal na Reyna?"

"Aquil, ikaw ay kakausapin ko bilang aking kaibigan. Hindi bilang heneral" Amihan starts, "Mga kawal, mga dama, iwanniyo muna kami"

"Ano ang iyong nais nating pagusapan?"

"Alam ko na naging problema na umalis ang aking kapatid, napapansin ito ng mga kawal at mga kasamahan natin dito"

"Paumanhin Amihan, pagbubutihin ko" Aquil answered shortly.

"Aquil, alam ko ang nararamdaman ninyong dalawa sa isa't isa. Nakikita ko at naririnig ko din ang mga nangyayari sa inyong dalawa noong nandito pa ang aking mahal na kapatid" Amihan says.

Aquil sighs, "Alam ko na iniibig mo ang aking kapatid, Aquil"

"Hindi ko na talaga ma-isikreto sa kahit na sino man ang pagtingin ko sa kanya" Aquil smiles to himself.

"Alam kong magbabalik muli ang aking kapatid, makakahanap siya ng paraan. Matalino ang aking kapatid, at hindi ba na ikaw ang nagturo sa aming lahat?" Amihan compliments him.

"Tama ang iyong sinasabi, ngunit siya ay hinahanap pa rin ng aking puso" Aquil admits.

"Parehas tayo Aquil, gustong gusto ko ng bumalik ang aking kapatid" Amihan agrees.

-

"Sanggre Danaya?" Ngiting pagsabi ni Aquil.

"Aquil" Ngiting abot sa magkabilang tenga ang pagbati ni Danaya kay Aquil.

Biglang bumangon si Aquil sa kanyang pagtulog, "Bathalang Emre, sana maging totoo na aking panaginip gabi gabi. Sana makita ko na ang mahal na Sanggre" dasal ni Aquil.

Sa mundo ng mga tao, nangingilala pa rin ang mahal na Sanggre sa kanyang kinapapaligiran.

Habang siya ay naglalakad, batid niya na naaalala niya si Aquil, "Hindi ko man nasabi kay Aquil ang tunay kong nararamdaman para sa kanya bago ako umalis ng Encantadia"

DanQuilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon