"Ate Danaya, hinahanap po kayo ni Kuya Aquil" Sabi ni Paopao sa mahal na Sanggre.
"Alam mo ba kung bakit Paopao? Bakit ka pa niya inutusan at hindi siya mismo ang humanap sa akin?" Tanong ng Sanggre.
"Hindi ko po alam, Ate"
-
Habang papunta sa kanyang silid si Sanggre Danaya, nakasalubong niya si Abog, "Abog, nasaan ang iyong Mashna?"
"Paumanhin Mahal na Sanggre, hindi ko alam kung san naroroon ang aking Mashna. May utos po ba kayo na dapat naming gawin mahal na Sanggre?"
"Wala, kayo ay magpahinga na. Avisala Meiste"
"Avisala Meiste, mahal na Sanggre"
Pagkaalis ni Abog, patuloy ng pumunta ang Mahal na Sanggre sa kanyang silid.
Ngunit bago siya tumuloy sa kanyang silid may bumati sa kanya, "Avisala Sanggre Danaya, may kailangan daw tayong paguusapan?" Tanong ni Aquil.
"Aquil"
"Ano ang aking maipaglilingkod sa iyo Mahal na Sanggre?" Tanong ni Aquil na ikinagulat ng Sanggre.
"Akala ko ay may kailangan ka sa akin?"
"Sino ang may sabi sa inyo na ako ay may kailangan sa iyo, Sanggre?"
"Ang batang ligaw, inulat niya sa akin na ako ay iyong hinahanap. Kanina pa kitang hinahanap, Aquil"
Napangiti si Aquil, iniisip niya siya ay hinahanap ng mahal na Sanggre.
"Paumanhin Sanggre, ngunit ang ulat sa akin ni Paopao ay intayin kita malapit sa iyong silid at doon mo ako inaantay"
"Pashnea"
"Ano iyon Mahal na Sanggre?" Tanong ni Aquil, ngunit alam na niya kung ano ang nangyari. Pinaglalaruan silang dalawa ng batang ligaw.
"Wala. I love you ka talaga Aquil. Kakausapin na lamang natin ang batang ligaw pag gising niya bukas"
"Mahal kong Sanggre"
"Ano iyon Aquil?"
"I love you ka rin" Nainis lalo ang Sanggre sa kanyang Mashna, hindi niya inakala na sasagutin siya ni Aquil.
"Aquil, bakit mo ako sinasagot?"
"I love you ka talaga"
"Avisala Meiste, Sanggre Danaya" Ngiting pag sabi ni Aquil sa kanyang Mahal na Sanggre.
"Avisala Meiste, Mashna" Tumuloy na si Sanggre Danaya sa kanyang silid at humiga sa kanyang kama.
Talagang pinaglalaruan kami ng batang ligaw ngayong araw na. Ngunit bakit niya ito ginagawa? Hindi ko nais na pinagsisinungalingan ako.
-
Pagkatapos ng almusal, inutusan ni Sanggre Danaya si Mashna Aquil na hanapin si Paopao upang silang tatlo ay mag usap.
"Ate Danaya, pinapatawag niyo daw po ako?" Tanong ng batang ligaw.
"May kasalanan ka sa aming dalawa ni Mashna Aquil, Paopao" Tinignan ni Danaya si Aquil.
Parehas silang lumuhod sa harap ni Paopao upang mas matino ang kanilang paguusap.
"Bakit ka nagsinungaling sa aming dalawa, Paopao?" Tanong ni Mashna Aquil.
Biglang sumimangot ang paslit at nagsimulang umiyak, "Paopao, bakit ka umiiyak?" Tanong ng Sanggre.
"Kasi po nagaaway po kayo ni Kuya Aquil kahapon, akala ko po hindi kayo maguusap ulit" Sabi ni Paopao sa dalawang nakakatanda.
"Paopao.. Wag ka ng umiyak. Maayos kaming dalawa ni Mashna Aquil, minsan nagaaway kami dahil hindi kami nagkakaintindihan" Paliwanag ni Danaya.
"Paopao, kahit magaway kami ni Sanggre Danaya.. lagi kaming magkakabati kasi magkaibigan kaming dalawa" Patuloy na pagliwanag ni Aquil.
"Okay po. Sorry po Ate Danaya at Kuya Aquil" Patawad ni Paopao.
"Sorry?" Tanong ni Mashna.
"Ibig pong sabihin, patawad o paumanhin po kasi sa ginawa kong mali" Paliwanag ni Paopao.
"Pinapatawad ka na namin ni Mashna Aquil, sa susunod kausapin mo na lamang kaming dalawa ni Aquil" Ngumiti ng muli si Paopao.
"Salamat po Ate at Kuya. Sigurado po ba kayo na bati na po kayong dalawa?"
"Oo Paopao, sigurado kami" Ngumiti si Mashna Aquil at Sanggre Danaya sa batang ligaw.
"Paano po ako makakasigurado na bati na kayo?"
"Anong ibig mong sabihin?" Biglang tanong ni Danaya.
"Sabi po ng mga Papa at Mama ko, bati ang dalawang tao kung magyayakapan sila" kwento ng batang ligaw.
"Sanggre.." Niyakap ni Aquil at Danaya ang isa't isa, "Mukhang naiibigan no ang pagyayakapan natin Aquil" bulong ni Danaya.
"Sanggre, pinapaamo natin ang batang ligaw" Sagot ni Aquil.
"Yehey!" Tuwang tuwa si Paopao, nagawa niyang pagyakapin silang dalawa.
"Di ba sabi ko naman sa iyo na maayos na kaming dalawa?"
"Pero.."
"Pero ano Paopao?"
"Dapat po may kiss din!"
"Kiss?" Tanong ni Mashna.
"Kiss po, Kuya Aquil dapat halikan niyo po si Ate Danaya"
"Bakit?"
Kinuha ni Aquil ang kamay ng Mahal na Sanggre at hinalikan niya ito, "Maayos na maayos kami ni Danaya, Paopao"
"Yehey! Avisala Eshma po!"
"Walang anuman Paopao" Sabi ni Mashna.
Hinayaan ng magusap ni Paopao si Sanggre Danaya at Mashna Aquil.
"Aquil, kailangan nating maging maingat kapag tayo ay nagaaway"
"Tama ka Sanggre Danaya"
"Ayaw kong mangyari muli ang nangyari sa ngayon, Aquil"
"Hindi mo ba naibigan ang ating pagyakap? At paghalik ko sa iyong kamay?"
"Mashna!" Namumula na ang pisngi ni Danaya sa kilig.
"Avisala Meiste, Sanggre. Kung may kailangan ka sa akin, alam mo kung nasaan ako" Ngiting sabi ni Aquil.
"I love you ka talaga, Aquil!"
BINABASA MO ANG
DanQuil
RomanceHow I'll be writing the stories is they'll be in different situations between Sanggre Danaya and Mashna Aquil. I plan to do this also with Sanya Lopez and Rocco Nacino. I WILL GO DOWN WITH THIS SHIP.