Ngayong araw na ito, tuturuan ni Mashna Aquil ang mga Diwani. Isang utos na pinapagawa ni Sang'gre Danaya.
"Iri! Due! Kaskil!"
Paulit ulit na sinasanay ni Mashna Aquil ang dalawang Diwani, "Kuya Aquil, pwedeng magpahinga muna tayo?" Tanong ni Lira.
"Pinunong Aquil, kung maari na iba naman ang ituro mo sa amin ni Lira?" Tanong ni Mira.
"Mga Diwani, hindi magugustuhan ng inyong Ashti Danaya kung hindi ko siya susundin. Kaya at bumalik na tayo sa pag-eensayo" Paliwanag ni Aquil.
"Mashna Aquil, totoo bang iniibig mo ang aming Ashti?" Tanong ni Mira.
"Sang'gre Mira, bakit mo naman naitanong yan?" Biglang namula ang mga pisngi ni Aquil sa kilig.
"Uuuy, alam naman namin ni Mira na in love ka kay Ashti Danaya!" Sabi ni Lira.
Biglang nagpakita si Sang're Danaya gamit ang kanyang ivictus, "Lira, Mira bakit kayo ay hindi nagsasanay?" Tanong ng mahal na Sang'gre.
"Ashti, may tinatanong lamang kami kay Mashna Aquil" Sabi ni Mira.
"At ano naman ang inyong punaguusapan at nauudlot ang inyong pagsasanay, Aquil?" Galit na tanong ni Sang'gre Danaya.
"Agape Avi, Mahal na Sang'gre--"
"Ashti! Tinatanong lang namin ni Mira kay Kuya Aquil kung paano niya kayo tinuruan nila Inay at Ashti Alena" Sagot ni Lira sa kanyang Ashti.
Mukhang naniwala naman ang Sang'gre sa sinabi ni Lira sa kanya, "Aquil, pagkatapos mong sanayin ang aking mga hadia, tayo naman ang magsasanay"
"Masusunod, Mahal na Sang'gre"
Naglaho na muli si Sang'gre Danaya, "Dahil sa pagsisinungaling niyo sa inyong Ashti, dadagdagan ko pa ng oras ang inyong pagsasanay" sabi ni Aquil.
"Pero Kuya Aquil--"
"Lira, Mira-- Estasectu!"
Nagsanay ng muli ang dalawang diwani ng isa pang oras.
-
"Mahal na Sang'gre, handa ka na ba sa ating pag-eensayo?" Tanong ni Aquil ng makita nito si Sang'gre Danaya.
"Aquil, bakit natagalan yata ang pagsasanay mo sa aking mga hadia?" Tanong ni Sang'gre Danaya.
"Tinupad ko lamang ang inyong utos, mahal na Sang'gre" Ngiti ni Aquil kay Danaya.
"Avisala Eshma, gusto ko lamang na maging mahusay sila gaya ng pagsasanay mo noon sa amin nung kami ay mga paslit pa lamang ng aking mga kapatid" Sabi ni Danaya.
"Ashti! Mashna Aquil!" Biglang pagkita ng dalawang diwani.
"Ano iyon?" Tanong ni Danaya.
"May nagaantay po sa inyo, Ashti!!! Bilisan niyo po!" Sabi ni Lira at nabahala sila Aquil at Danaya.
Naglaho na muli ang dalawang diwani, "Lira, Mira!" Tawag ni Danaya.
"Saan kaya nagsulpot ang inyong mga hadia, Sang'gre Danaya?" Tanong ni Aquil.
"Hindi ko alam, pero meron akong pakiramdam kung nasaan silang dalawa" sabi ni Danaya at sinundan siya ni Aquil.
-
"Lira, Mira--"
"Ashti!" Ngiting pagbati ni Mira at Lira.
"Anong kabuluhan ito?" Tanong ni Danaya.
"Mukhang pinaghanda ka ng magandang hapunan ng iyong mga hadia, Sang'gre Danaya" Natuwang sabi ni Mashna Aquil.
"Totoo ba ang sinasabi ni Aquil?"
"Ashti, Mashna Aquil, naghandog kami ni Lira para sa inyong dalawa lamang at pagsisilbihan namin kayo ni Lira" sabi ni Mira.
"Sang'gre Mira, sigurado ka ba sa iyong sinasabi?" Tanong ni Aquil.
"Oo, Mashna, ito ay aming pasasalamat sa inyong dalawa ng aming Ashti, sa pagtuturo sa aming dalawa" sabi ni Mira.
"At saka, isipin niyo lang na date niyo itong dalawa, ok? Waiter niyo lang kami ni bessie" sabi ni Lira na ikinalito nila Aquil at Danaya.
"Anong ibig mong sabihin, Lira?" Tanong ni Danaya.
"Huwag na po kayong magtanong, maupo na lamang kayong dalawa upang mapagsilbihan namin kayo" Sabi ni Lira.
Naupo na si Sang'gre Danaya habang inaalalayan ni Mashna Aquil, "Avisala Eshma aking mga hadia, napaka swerte ko na kayo ang aking mga hadia" pasasalamat ni Sang'gre Danaya.
"Avisala Eshma mga diwani, napaka ganda ng inyong handog. Hindi ko ito makakalimutan, inuulit ko, Avisala Eshma" pasasalamat naman ni Aquil.
Hinandog na nila Mira at Lira ang mga pagkain at inumin, "Ashti, Kuya Aquil, maiiwan niyo po muna kami"
-
"Ako ay talagang nagpapasalamat sa inyong mga hadia, mahal na Sang'gre" bigkas ni Aquil.
"Ako din Aquil"
"Ang tagal ko ring hinintay ito, Sang'gre Danaya"
"Ang alin Aquil?" Tanong Sang'gre Danaya.
"Huwag mo ng masyadong isipin, Sang'gre Danaya. Napakasaya ko lamang sa oras na naibigay mo sa akin. Yung hindi tayo nag eensayo o nagpupulong kasama ang konseho" ngiti ni Aquil.
"Nagustuhan ko rin ang gabing ito, Mashna" sabi ni Danaya.
"Agape Avi mahal na Sang'gre, sana ay meron akong bulaklak para sa iyo" sabi ni Aquil.
"Ako ay binigyan mo na ng bulaklak noong Pasko, Aquil" ngiti ni Sang'gre Danaya, "Ngunit, ako naman dapat ay merong regalo sa iyo"
Ginamit ni Sang'gre Danaya ang kanyang brilyante upang bigyan si Aquil ng magagandang bulaklak na kumikutitap, "Avisala Eshma, Sang'gre Danaya"
"Walang anuman, Mashna"
BINABASA MO ANG
DanQuil
RomanceHow I'll be writing the stories is they'll be in different situations between Sanggre Danaya and Mashna Aquil. I plan to do this also with Sanya Lopez and Rocco Nacino. I WILL GO DOWN WITH THIS SHIP.