Ang Palihim Na Pagibig

1.1K 46 8
                                    

"Aquil, bakit hindi mo siya lapitan?" Tanong ni Sang'gre Alena sa dating Mashna.

"Sang'gre Alena, alam mo ang pagtingin ko sa iyong apwe. Ngunit hindi ako ang kanyang kailangan sa mga kanyang suliranin ngayon" Sabi ni Aquil.

Naaawa ang mahal na Sang'gre sa dating Mashna, at hindi niya matulungan ito upang magkabalikan ng muli ang kanyang apwe at dating Mashna.

-

Nagsasanay ng mag isa si Hara Danaya, ngunit siya ay nag iisa lamang. Ngunit may nagmamanman sa kanya.

"Alam ko na ako ay hindi nag iisa, magpakita ka!" Bagkis ni Hara Danaya.

"Poltre, mahal na Reyna. Ngunit kinakailangan ka ng buong konseho" Sabi ni Muros.

Akala ni Danaya na si Aquil, "Bakit Hara? May hinahanap ka ba?"

"Wala Muros, tayo na"

-

"Danaya, bilang iyong Edea.. May gusto akong ihandog para sa iyo" Sabi ni Sang'gre Alena sa kanyang apwe.

"Ano iyon, Edea Alena?" Napangiting tanong ni Danaya.

"Ipikit mo ang iyong mga mata" Sabi ni Alena, ginamit ni Alena ang kanyang brilyante.

"Buksan mo na ang iyong mga mata Danaya"

"Nasaan tayo?"

"Tayo ay nasa Lireo pa rin ngunit, walang sino man ang makakakita o makakarinig sa inyo" Bigkas ni Alena.

"Sa inyo? Ano ang ibig mong sabihin?"

Biglang lumisan si Alena, "Alena?"

Nagbalik ito at kasama na niya si Aquil, "Ginawa ko ito upang kayo ay makapag usap"

Lumisan ng muli si Alena ngunit hindi siya bumalik gaya ng ginawa niya kanina.

"Hara Danaya, kung ayaw mong makasama ako. Naiintindihan ko, gamitin mo na lamang ang iyong ivictus upang lumisan kagaya ni Alena. Kapag nakita ka ng iyong kapatid, maasahan ko na sana ay balikan niya ako sa ginawa niyang kalasag" Sabi ni Aquil.

"Sheda Aquil, bakit mo iisipin na gusto kong lumisan?" Tanong ni Danaya.

"Nasa batas ng Lireo na hindi pwedeng magmahal ang Reyna ng mga Diwata. Ito ay malaking pinagbabawal. Hanggang kailan man, hindi kita maiibig ng tama at wasto" Sabi ni Aquil.

"Hindi ako magiging Reyna habang buhay, magkakaroon din ako ng tagapagmana ng Lireo" Paliwanag ni Danaya.

"Matagal na akong namumuhay dito sa Encantadia, at ikaw lamang ang nagpatibok sa puso ko ng ganito Danaya. Kinakaya ko na intayin ang araw na hindi ka na Reyna"

"Alam ko mahal ko, pero isipin mo rin na hindi ko sinasa-una ang aking puso ngunit ang aking tungkulin para sa Encantadia at ikaka buti nito"

"Mahal kong Reyna, ako ay nandito lamang sa iyong tabi" Pangako ni Aquil, niyakap niya ang Mahal na Hara.

Hinalikan nila ang isa't isa, "E correi diu, Danaya"

"E correi diu, Aquil"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DanQuilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon