"Avisala Mahal na Sanggre" Aquil greeted the Sanggre as she walked past him without any acknowledgement.
"Ano kaya ang nasa isip ni Sanggre Danaya?" Tanong ni Aquil sa kanyang sarili.
Napansin ni Aquil na dala dala ni Danaya ang kanyang armas, at ang kanyang mga mata ay nakatutok sa iisang direksyon lamang.
Sinundan ni Mashna Aquil ang Mahal na Sanggre, kung saan man patungo ito. Habang sinusundan niya si Sanggre Danaya, bigla itong tumigil.
"Mashna" She turned to face him, gripping tightly on her weapon, "Sinong nagsabi sa iyo na pwede mo akong sundan?" Tanong ni Danaya.
"Ang aking sarili Mahal na Sanggre" Matalinong sagot ni Aquil.
"Saan ka patungo Sanggre Danaya?"
"Huwag mo na akong sundan Aquil, kaya ko ang aking sarili" Danaya said, but Aquil stepped closer and reached for her hand.
"Mahal na Sanggre.. Andito ako para sa iyo, andito ako bilang kaibigan, Danaya" Pangako ni Aquil sa matigas na puso ni Sanggre Danaya.
Tumakbo si Danaya, na napaka bilis patungo sa gubat ng Lireo.
Danaya stopped and screamed, "Bakit ganito Emre?!"
"Bakit mo kinuha ang aking pinakamamahal na Inang Reyna?!" Sigaw ni Danaya sa langit.
"Sanggre Danaya?!" Aquil yelled for her name but she didn't answer.
Binuhos ng Sanggre ang kanyang lungkot sa pagiyak, nadurog ang kanyang puso sa pagkawala ng kanyang Ina.
Ginamit ng mahal na Sanggre ang kanyang armas upang labanan ang mga puno na pumapaligid sa kanya, inalabas niya ang kanyang lungkot at galit sa mga ito.
Finally, Aquil sees her, "Sanggre Danaya" she's on her knees. He ran to her side and consoled her, "Mahal na Sanggre"
"Aquil.." Biglang lumaha ang mga mata ng Sanggre, hindi niya ipinapakita ang kanyang kahinaan sa kahit na sino man. Ngunit sa mga taong mahal niya lamang. Gaya ng kanyang Inang Reyna at mga kapatid.
Niyakap ni Aquil ang kanyang Mahal na Sanggre, "Danaya.." He wiped the tears streaming down her cheeks, "Ang iyong Ina ay aking naging matalik na kaibigan at Mahal na Inang Reyna. Ngayon na ang panahon niya upang pumunta sa Devas, kasama si Emre. Hindi mawawala sa iyong puso at isipan ang iyong Inang Reyna, Danaya"
"Avisala Eshma, Aquil" Muling nakita ni Aquil ang nakakabighaning ngiti ng Mahal na Sanggre.
Danaya took his hands and says, "Aquil, mangako ka sa akin na hindi ka mamatay. Ayaw ko mang malaman na bigla kang napaslang habang nakikipaglaban"
"Hanggang sa makakaya ko, hindi ko aalis sa mundo ng Encantadia, Mahal na Sanggre" Pangako ni Aquil sa kanyang minamahal.
Naglakad sa kaloob-looban ng gubat ang Sanggre at Mashna, kung saan sila ay nag ensayo at nag usap.
BINABASA MO ANG
DanQuil
عاطفيةHow I'll be writing the stories is they'll be in different situations between Sanggre Danaya and Mashna Aquil. I plan to do this also with Sanya Lopez and Rocco Nacino. I WILL GO DOWN WITH THIS SHIP.