Ang Pagdating ng isang Mulawin

1.1K 35 5
                                    

Si Lakan ay isang Mulawin na nakilala ni Hara Danaya habang hinahanap ang kanyang daan papuntang Encantadia kasama ang kanyang hadia na si Lira sa mundo ng mga tao.

Panahon na muli upang gamitin ni Hara Danaya ang plauta na ibinigay sa kanya ng kanyang Ado.

"Hara, para saan ito?" Tanong ni Alena.

"Ito ay magbibigay ng mensahe para sa aking nakatagpo sa mundo ng mga tao," Ginamit ni Hara Danaya ang plauta at magandang musika ang kanilang narinig.

-

"Avisala, mahal na Sang'gre Danaya" Ngiting pagbati ni Lakan.

"Avisala Lakan, ikinagagalak ko ang iyong pagpunta dito sa Lireo" Pasasalamat ni Danaya.

"Ano aking maiipag lingkod sa iyo Mahal na Sang'gre?" Tanong ni Lakan.

Pagkatanong ni Lakan, "Mahal na Reyna, paumanhin.. Ngunit kailangan ka na ng buong konseho" Sabi ni Mashna Muros.

"Sige Muros, susunod na kami" Sabi ni Danaya.

"Agape ave, Sang'gre Danaya, ikaw na pala ang Reyna ng mga diwata. Ito ay aking ikinatutuwa aking kaibigan" Pagbati ni Lakan.

Hindi alam ni Lakan, sa pagkat na hindi suot ni Danaya ang kanyang korona, at naka simpleng kasuotan laman siya, "Maraming Salamat, Lakan. Tayo na"

-

Binati ng lahat si Danaya, silang lahat ay nagtataka kung bakit siya ay may kasamang Mulawin, "Avisala sa inyong lahat, siya ay si Lakan. Umaasa ako na makakatulong siya sa ating mga suliranin dito sa Encantadia"

"Avisala sa inyong lahat" Binati ni Lakan ang mga konseho.

-

"Muros, bakit kinailangan pa niyang imbitahin ang mulawin na iyan?" Tanong ni Aquil kay Muros.

"Ikaw ba ay nagseselos sa kanya? Pagkat siya ay nandito upang tulungan tayo" Sabi ni Muros.

"Hindi na ba sapat ang tulong nating mga kawal sa kanya?" Inis na sagot ni Aquil kay Muros.

"Wala akong maisasagot sa iyo kaibigan, pagkat ang ating Hara ang dapat mong kausapin tungkol sa iyong pagseselos" Sabi ni Muros.

"Sinong may sabi na ako ay nagseselos sa Mulawin na iyan?" Tanong ni Aquil pero napa-ngiti na lamang si Muros sa reaksyon ng kanyang kaibigan.

-

"Poltre. Hara Danaya, pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Aquil habang kasama ni Danaya si Lakan.

"Kayo ay aking maiiwan muna, lilibutin ko muna ang iyong palasyo mahal kong Reyna" Sabi ni Lakan at ngumiti naman si Danaya sa kanya.

"Ano ang ating dapat pagusapan?" Tanong ni Danaya.

"Ako ay nagtataka lamang kung bakit kailangan ng isang Mulawin na mag lingkod dito sa atin sa Encantadia?"

"Aquil, pinagdududahan mo ba ang aking pamumuno?"

"Hindi naman Hara, ngunit ako ay nagtataka lamang. Hindi pa ba kami sapat?"

"Ang dahilan ng aking pagtawag kay Lakan ay upang maging espiya siya sa Etheria, dahil sa kakayahan nitong lumipad at kaya niyang ipagligtas ang kanyang sarili sa sino mang kalaban na kanyang makakasagupa sa Etheria, na sana ay hindi mangyari" Paliwanag ni Danaya.

"Avisala Eshma, Mahal kong Reyna"

"Aquil, hindi na dapat ako nagpapaliwanag sa iyo. At dapat mo lamang sundin ang aking utos sa iyo" Sabi ni Danaya.

"Poltre, ngunit baka tama nga ang sinabi sa akin ni Muros kanina" Pabulong ni Aquil.

"Anong sinabi sa iyo ni Muros?"

"Wala iyon Hara. Avisala Meiste, mukhang nagbabalik na muli sa iyong tabi ang iyong kaibigan" Sabi ni Aquil.

DanQuilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon