Napakalayo na niya sa akin. Paano ko masadabi sa kanya na siya ay aking ibiibig? Ako ay isa lamang Mashna, siya ay isang Mahal na Sanggre
Ang dami ng mga araw at mga linggo na wala si Sanggre Danaya dito sa mundo ng Encantadia.
Marami na ring mga gabi na iniisip ko siya, sa pagkat sa tuwing ako ay lilingon sa skin tabi, inaasam ko na siya nandiyan lamang, pero wala pa rin si Danaya. Nasa mundo pa rin siya ng mga tao.
-
Habang kami ay nagsasanay ni Alira Naswen, wala akong gana ngunit iba ang gusto kong ka ensayo.
"May problema ka ba Mashna?" Tanong sa akin ni Alira, pagkat napapansin niya ang aking mga kilos.
"Wala Alira, paumanhin dahil hindi ko nais magsanay ngayong araw na ito" Sana ay mapatawad niya ako.
"Magpahinga ka muna Mashna, pagkatapos tayo ay magsasanay na muli" sabi sa akin ni Mashna Alira.
Pagkatapos namin magpahinga, kami ay nagsanay ng muli at parehas naming tinuruan ang isa't isa tungkol sa paglalaban.
Kami ay bumalik na muli sa aming kuta upang makipagsalo sa aming mga kasamahan.
-
Pagbalik namin sa aming kuta, mukhang lahat ay nagpupulong.
Sa munti papalapit ni Alira sa puling, tinanong ko ang aking sarili? Siya nga ba? Ang pinaka nakakabighaning na Sanggre sa buong Encantadia..
"Danaya?"
"Aquil" siya nga, nagbalik na muli ang aking mahal na Sanggre.
"Avisala Sanggre Danaya, kay tagal kong inintay ang iyong pagbabalik, buti naman at nandito ka na muli sa aking tabi.. Ibig kong sabihin ay sa aming piling" labis ang aking tuwa.
"Aquil, ikinagagalak rin kitang makitang muli" Ako ay natutunaw sa kanyang mga tingin, napaka ganda pa rin niya.
"Sanggre Danaya, pwede ba kitang makausap? Na tayong dalawa lamang?" Sana ako ay pagbigyan mo Mahal na Sanggre.
"Oo naman Aquil"
"Avisala Eshma, Mahal na Sanggre"
"Mashna Aquil, pagkatapos ng inyong pulong, maari bang ibalik mo sa akin ang aking mahal na kapatid? At marami akong nais na sabihin sa kanya" pahintulot ng mahal na Reyna Amihan.
"Masusunod Mahal na Reyna"
-
"Aquil, ano ang iyong nais na sabihin sa akin?" Tanong ni Sanggre Danaya.
"Kay tagal kong hinintay na makabalok ka sa ating mundo, Danaya"
"Ako rin naman Aquil, masaya ako na muli akong nagbalik at makasama kayong lahat" Sabi ni Danaya.
"Sanggre, kung inyong mamarapatin--"
"Ano iyon Mashna?"
"Ikaw ay aking inii--"
"Mga hathor!"
Silang dalawa ay nakipaglaban sa mga lapastanggan na mga hathor.
"Mahal na Sanggre! Dumadami pa sila, maghanda ka!"
"Gaya ng dati, lagi akong handa, Aquil" Ginamit ng Mahal na Sanggre ang kanyang brilyante upang paslangin na ang mga hathor.
Nagwagi na muli ang Mashna at Mahal na Sanggre.
"Avisala Eshma, mahal na Sanggre"
"Hindi ko magagawa iyon kung hindi dahil rin sa iyong tulong, Mashna" nginitian ng Sanggre ang Mashna.
"Aquil, ano nga pala ang iyong sasabahin sa akin?"
Nanigas bigla ang buong katawan ni Aquil, "S-sa susunod na lamang nating pribadong paguusap Mahal na Sanggre"
"Tayo ng magbalik sa ating kuta, bago pang may sumalakay na mga hathor sa atin"
BINABASA MO ANG
DanQuil
RomanceHow I'll be writing the stories is they'll be in different situations between Sanggre Danaya and Mashna Aquil. I plan to do this also with Sanya Lopez and Rocco Nacino. I WILL GO DOWN WITH THIS SHIP.