EPISODE 3: I dare you
Sa bahay ni Lexie, pagkatapos ng klase.
“Lexie, sorry talaga sa nangyari kanina sa cafeteria, hindi ko kasi natiis ung pang-aasar ni Benj”
“Ok lang un Shirley, nung umpisa din ganyan din siya sa akin. Palaging nang-aasar. Pero nung sinakyan ko na lang ung mga kakulitan niya ayun, mas naging close kami.. (napapangiti)”
“Gusto mu si Benj noh? Umamin ka na Lexie, huling huli kana CCTV hahaha joke!! Pero halata naman Lexie, may gusto ka kay Benj”
“Ang galing mo naman bebe, sobrang obvious ko ba? Yung mga ngiti kasi niya, nakakakilig saka ung pagiging badboy niya plus factor sa kilig haha”
“Ewan ko ba Lexie, hindi ako kinikilig sa kanya ee, naiirita ako, parang gusto ko siyang...sapakin, ganun.”
“Sobra ka naman Shirley. Lahat nga ng girls sa campus kinikilig at nag aagawan mapalapit lang sa kanya. Dare kita Shirley. Subukan mo titigan si Benj, mata sa mata, titigan mo siya ng 10 seconds, makikita mo, magugustuhan mo siya at masasabi mo “suddenly its magic”... (smiles)
Shirley POV: Titigan si Benj ng 10 seconds.. hmmm (imagine tinititigan si Benj 10..9..8..) Ay. Erase erase yang imagination na yan
“Hindi talaga Lexie. Masasabi ko lang yang .. “Suddenly it magic” feeling kung inlove talaga ako sa taong iyon. Pero mukhang malabo yan kay Benj ee. Itulog na lang natin yan haha. Goodnight Lexie”
“Shirley, wag mo pagsasabi ung sikreto ko aa. Haha Goodnight din”
Shirley POV: Sana sa tamang panahon, maging ok kami ni Benj, ang hirap din kasi ng may di kasundo sa school. Gaya nga ng sabi ni Drake, mabait naman siya, sana makatulong ako para maging mabait siya. Speaking of Drake, ang gwapo niya at ang bait niya pa sa kin, may gusto kaya siya sakin?? Hmmm.. Hala bakit ako kinikilig.. Makatulog na nga.
~~Kinabukasan, sa Green House ng LuvU
(Humihikab si Shirley at kinakausap ang sarili)
“Aaahh.. inaantok pa ko pero kailangan tapusin itong report. Go Shirley! Fighting! Buti nalang may ganitong lugar sa LuvU, parang lihim na hardin. Haha wala masyadong pumunta dito. Malamig at presko ang hangin.”
Nag aayos at naglatag na si Shirley ng sapin sa damuhan nang biglang….
“Aaaaarrraaayy!!”
“hala may naapakan ata ako”
“Ano ba may natutulog dito, ang ingay ingay naman ee”
(nagkatitigan sila Shirley at Benj)
“Benj! Anong ginagawa mo jan?”
“Shirley! Anong ginagawa mo dito?”
“Benj ako po unang nagtanong.”
“Pwesto ko to! Palagi akong nandito. Lugar ko to bakit ba?”
“Binili mo ba ito? Ang yabang talaga. Maka alis na nga.” (hinila ni benj ang braso ni Shirley)
“Sorry. (nahihiya at hindi makatigin ng diretso si benj kay Shirley) Sorry sa mga sinabi ko nung sa cafeteria.”
Biglang umihip ang hangin…
“Hoy Shirley! Ano, wala kang sasabihin? Nag sorry na nga ako.”
“Bakit ka sumisigaw Benj? Naririnig kaya kita.”
“Hays... Ayon sakto, may sapin ka na nilagay kanina pa nga ako nangangati dito sa damuhan ee.” (sabay higa)
“Hoy Benj, wag ka dyan. Pwesto ko yan. May ginagawa akong report ee. ”
Naglagay si Benj ng headset at nagkunwaring tulog.
“Sige na nga, Dyan ka na Benj, basta wag ka manggugulo.. Hoy nakikinig ka ba? Hala hindi na ata ako naririnig…” (sabay upo sa tabi ni Benj at patuloy sa pagsulat)
Sinisilip paminsan minsan ni Shirley ang natutulog na Benj Jalbuena. Ganun din si Benj, paminsan minsan ay tinitignan niya si Shirley na nag susulat sa tabi niya. Maya-maya biglang umihip ulit ang malakas na hangin…
“Aray. Aray…”
“Oh, Benj na ano ka jan?”
“Shirley, tulong na puwing ata ako. Ihipan mo nga dito. Bilis! Aray aray!” (sabay lapit kay Shirley at nilalapit din ang kanyang mukha)
“Saan ba banda?” (Hinawakan ni Shirley ang mukha ni Benj para madali niyang maiihipan ang mata nito.)
“Dito oohh.. lakasan mo pag ihip.”
(Nagkatitigan ang dalawa. Hawak hawak pa ni Benj ang kamay ni Shirley na nakahawak sa kanyang mukha)
Shirley POV: 10...9...8...
“Ok na. Ok na. Salamat. Sige una na ako sa iyo Shirley.” (nagmamadaling inayos ang gamit; sabay alis si Benj)
“Wala nga kaming magic! (biglang parang nalungkot si Shirley ng umalis si Benj).. Ay hala bakit si Benj? Hindi pwede kasi gusto siya ni Lexie kaya hindi talaga pwede. (Pailing-iling) Kasi wala nga kaming magic… hala ano ba yan.. Papasok na nga ako kinakausap ko naman ang sarili ko”