~Sa bahay ni Shirley sa Siquijor…
“Grabe Shirley, ang sarap ng mga isdang ito, busog na busog ako.”
“Archie, puputok na yang tiyan mo sa sobrang kabusugan…” sabi ni Patty.
“Guys, sigurado ba kayo dito na kayo magpapalipas ng gabi? malamok dito, walang aircon at malambot na higaan” sabi ni Shirley.
“Oo naman Shirley, sasamahan ka naming dito, saka mas okay ang fresh air…” sabi ni Lexie.
“Hmmmm.. Shirley pwede na ba ako matulog dun sa itaas, medyo pagod na kasi ako sa biyahe” pakiusap ni Archie.
“Ako din Shirley aa... gusto ko na din magpahinga. Bukas ipasyal mo kami aa. Kaya kailangan ko na magrecharge, tutulog na ko..” dagdag ni Patty.
“Sige tara samahan ko kayo sa kwarto niyo” sabi ni Shirley.
“Sama na ako para makapagpalit ng damit,” sabi ni Lexie.
Naiwan sa may sala sila Benj at Drake.
“Benj, pwede ba kita makausap?” tanong ni Drake
“Oo, sige, may sasabihin din ako. Dun tayo sa may duyan sa labas” sagot ni Benj.
~Sa may hardin nila Shirley sa labas pumunta sila Drake at Benj. Nakaupo sa duyan si Drake na tila malalim ang iniisip. Nakasandal naman si Benj sa puno tila bumubuo ng sasabihin niya sa kaibigan. Matagal hindi nagkikibuan ang dalawa. Tila nag-iintayan kung sino ang unang mag-sasalita…
“Benj, mula maliliit pa lang tayo magkaibigan na tayo… simula ng pumasok tayo sa LuvU hindi ka na nagkukwento masyado sa akin aa… Kamusta panliligaw mo kay Lexie?” tanong ni Drake.
“Ang totoo Drake, ayokong magsinungaling sa’yo. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko…”
“Naguguluhan o natatakot??” tanong ni Drake
“Huh? Hindi ko maintindihan ang tanong mo” sagot ni Benj
“Ang naguguluhan hindi sigurado sa nararamdaman mo, o baka natatakot ka kasi baka may masaktan ka” paliwanag ni Drake
~Sa kabilang dako, sa may kwarto nila Lexie at Shirley, nakatulog na ng mahimbing si Patty.
“Shirley, alam mo sobrang pag-aalala sa’yo ni Drake nung nawala ka, hinabol ka pa nga sa Airport, kaso hindi ka naman naabutan” kwento ni Lexie sa kaibigan habang nag-aayos ng gamit niya.
“Talaga? Nagulat nga ako kanina pagdating ninyo, dire-diretso si Drake at bigla akong niyakap.”
“Weeeeee…” tukso ni Lexie na may kasamang hampas sa kaibigan. “Sige Shirley, baba na muna ako aa, i-check ko lang sila Benj.”
“Aah, sige paki bigay na din itong camera niya, naiwan na niya sakin kanina. Salamat Lexie” pakiusap ni Shirley.
“Okey” sabi ni Lexie sabay kuha sa samera at tuluyan ng bumaba sa may sala.
Lexie POV: Hindi naman siguro magagalit si Benj kung sisilipin ko itong mga pictures na kinuhaan niya.
Pagka-ON niya sa camera laking gulat ni Lexie ng makita niya sila Benj at Shirley sa mga pictures. May kuha na naka-wacky ang dalawa, masayang nagtatampisaw sa tubig, binabaon ni Shirley si Benj sa mga buhangin, mga stolen pictures ni Shirley, pati ang nagbibike si Benj na angkas-angkas si Shirley. Lahat ng pictures nila nakangiti sila at halatang-halatang masaya sila.