MU- Magulong Usapan

249 14 1
                                    

~Sa Library ng Luv U

Mag-isang sinusuyod ni Shirley ang mga shelves ng mga libro para sa kanyang pagreresearch, ng biglang dumating si Benj sa kanyang likuran.

“Kambal!” gulat ni Benj sa kaibigan

“Benj, (sabay tapik sa binata) wag mo ako ginugulat dito sa library. Muntik na ako mapasigaw.” sabi ni Shirley

“Sorry kambal

Kambal? Hahaha… alam mo namiss ko yang tinatawag ako n’yan.

Talaga? Ako din ee, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ikaw un Shirley, kaya pala ang gaan- gaan ng pakiramdam ko sa’yo

Ako nga din Benj. Biglang nag flash back tuloy lahat ng mga kalokohan natin dati”

“Ung bibili tayo ng maraming-maraming ChocNut at pastillas, tapos patago natin uubusin iyon” masayang ikinuwento ni Benj.

Haha. Oo nga. Saka yung sasakay tayo ng skateboards magkahawak kamay pa, sabay tuloy tayo nahuhulog sa sahig” dagdag pa ni Shirley

Hahahaha. Oo nga, grabee andami talaga natin katatawanan noon

Pero sobrang yumaman pala talaga kayo”sabi ni Shirley

“Oo nga ee, kaso nung kasabay ng pagyaman, nawala ka naman, naging malungkot ang next chapter ng buhay ko. Naging pasaway ako”

Pero at least, di ba, nag bago kana…” sabi ni Shirley

“Tama. Saka bigla ako may naalala…” nakangiting sabi ni Benj.

“Ano yun?” takang tanong ni Shirley

“Sino ang first love ng Kambal ko?” pang-asar na tanong ni Benj.

Huh?

So hindi mo gusto si Drake dahil gusto mo yung ‘kambal’ mo? di ba??” pang-asar ulit na tanong ni Benj.

“Ikaw ang dami mong alam…” gigil na sagot ni Shirley sabay pisil sa pisngi ni Benj.

Sige na bro… sino nga ulit un? Haha

Aaaah.. Oo nga pala. Mala-late na ako sa pasok ko sa Coffee Shop. Sige dyan ka na Bro, ingats!” nagmamadaling umalis si Shirley upang iwasan ang tanong ni Benj.

Nakangiti lamang na tinignan ni Benj si Shirley na papalayo.

 ~Kinabukasan sa Luv U

Nasa tambayan ng grupo sila Benj, Drake at Archie ng dumating si Patty at Lexie. Tila malalim ang iniisip ni Benj.

Benj POV: Kakausapin ko na lang ng seryoso si Drake, syempre ayoko din magkasamaan kami ng loob ni Drake dahil kay Shirley. Siya din lang kasi yung naging kaibigan ko nung wala akong makausap. Kilalang-kilala naman niya ako, siguro maiintindihan niya ko. Sige…

Hi guys, may special announcement daw si Lexie sa atin” masayang sabi ni Patty na papalapit sa grupo.

Ano yun Lexie naeexcite naman ako!” sabik na sabi ni Archie.

Hi mga loves ko, anong meron?” pagod na sabi ni Shirley na kadadating lang sa tambayan galing sa trabaho.

Benj... Sinasagot na kita. Payag na akong maging girlfriend mo” nakangiting sabi ni Lexie.

Whaaaaaaaat?! Congrats Benj” masayang sabi ni Archie.

Nice one Benj” dagdag pa ni Drake

Ang galing galing naman. Masaya ako para sa inyo Benj Lexie” sabi pa ni Patty.

Walang naisagot si Benj sa lahat. Nakatitig lamang siya kay Lexie na tila hindi naman makatingin sa kanya ng diretso.

Pwede ba kita makausap ng tayo lang?” seryosong sabi ni Benj sabay hawak sa kamay ni Lexie at sabay silang naglakad papalayo.

Weeee… ang sweet naman nila benj at lexie” tuwang tuwa sabi ni Patty.

Okay ka lang Shirley? Parang naiiyak ka” tanong ni Drake sa dalaga.

Ano? Pagod lang siguro saka masakit... yung ngipin ko… Naiiyak ako kasi ansakit na talaga. Haha.. Sige una na ako, iinuman ko lang ito ng gamot para hindi na sumakit” palusot ni Shirley sabay takbo papalayo.

Shirley POV: Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Akala ko pwede maging kami ni Benj.  Pero hindi na talaga pwede. May Lexie na siya, nakalimutan na talaga lahat ng masasayang pinagsamahan namin. Hanggang bestfriend lang ako ng nakaraan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Luv U MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon