EPISODE 2: Welcome sa LuvU (Lamberto Uy Villarma University)
Sa tambayan ng grupo ni Lexie sa LuvU…
“Guys, I want you to meet my new friend, Shirley. Sa bahay namin siya nakatira ngayon.”
“Hello.” (smiles na medyo naiilang sa kanila)
“Hi ako si Marj! Siya naman si Patty. Welcome to LuvU” (Smiles)
“Okay! Ayan parating nadin ang palaging late at mga pasayaw na “the breakers”. Hoy Benj! Akala ko ba hindi ka na malalate, pasaway ka talaga, hinahawaan mo pa sila Drake at Archie sa pagiging pasaway!”
“Sorry na Lexie. Tinanghali ako ng gising ee. Oh! Parang may bago ata sa grupo aa. Hi Miss o Mister. haha…” (tawa ng tawa)
Shirley POV: Mister pala aa. Naku… kung hindi lang ako nagpipigil nasapak ko na itong Mr. Mayabang na ito. (Nagpepeke ng ngiti kay Benj)
“Ako nga pala si Drake at ito naman si Archie. Pagsensya mo na itong si Benj, may pagkapilyo lang talaga. (Tinanggal ni Drake ang cap ni Shirley at nagkatitigan ang dalawa) ang cute mo pala ee, may pagkachinita…”
“Uyy! Drake, can this be love na ba yan? Haha. Tignan mo sila Benj oh, ang cute nila together.”
“Sakto lang Lexie. Tara cafeteria tayo, libre ko lahat.”
“Yehey! ”(sigaw ng grupo)
~~Sa cafeteria, masarap ang kwentuhan at tawanan ng barkada.
“Guys, wait lang, all ears muna kayo kay Sir Benj, haha. Joke. I just want to propose a toss, para sa new member ng pamilya natin... to Shirley, cheers!!” (sabay taas ng isang coke in can)
“Cheers!!!”
(Sabay akbay si Benj kay Shirley) “Congrats. Alam mo ba na simula ngayon magbabago na ang buhay mo. Isa ka na sa mga sikat dito sa campus kasi kami ang kabarkada mo (sabay kindat kay Shirley) instant celebrity ka na nyan, Headline: isang TBoom, pasok sa grupo nila Benjamin Jalbuena.. Boom! haha” (nagtawanan ang lahat)
(Sabay alis sa kamay ni Benj) “Alam mo kanina pa ako nagpipigil sayo, pero sumusobra ka na! Ganyan ba talaga kayo magsaya mayayaman, kailangan may nilalait, may inaapakan para mapatawa sila. Pwes! Nakakaawa ka Benjamin Jalbuena!! (walk out)
Nalungkot si Benj sa mga sinabi ni Shirley. Ang hindi alam ni Shirley na sinundan pala siya ni Drake.
~~sa may green house/garden ng LuvU
(umiiyak) “Ang yabang yabang niya. Akala mo kung sino, ee kung sa ganito ako manamit, magsalita. Tboom agad? gwapo lang siya, un lang pero walang siyang utak, wala pang puso. (sabay sipa sa mga bato na nakapaligid)
“Hindi lalaban yang mga yan!” (sabay ngiti kay Shirley)
“Drake ikaw pala. (nagmadali si Shirley pupunasan ang mga luha niya pero biglang hinawakan ni Drake ang mga kamay ni Shirley para pigilan siyang punasan ang mga luha nito)
“Ang babaw pala ng luha mo Shirley. Pagpasensya mo talaga si Benj aa, (sabay hawak sa pisngi ni Shirley para punasan ang luha niya) Mabait naman un ee, minsan nga lang… medyo sumusobra na, pero ayos naman siya pag hindi tinopak, pero andito kami para sa kanya.”
Shirley POV: Ang lapit lapit naman ni Drake, hawak pa niya ang mukha ko… Ang gwapo ni Drake, lalo na ganito kalapit. Ang bait pa. Nakakakilig naman ang pagka-gentleman niya. Hindi katulad nung Benj na iyon. Hmmpf!
“Di ba kaibigan ninyo si Benj, diba dapat kayo ang tumutulong sa kanya para hindi siya maging sutil katulad kanina”
“Oo nga. Pero nasa stage padin siya ng pagbabago. Medyo malungkot kasi pinagdaanan nun at ngayon mas kailangan niya ng mga tao na mas iintindi sa ugali niya, ung sasamahan siya palagi. Pramis, pag naging close mu ung si Benj, sobrang bait at maalaga nun (smiles) Tara Shirley. Sabay na tayo pumasok sa klase natin”
“Tara Drake. (smiles)