Kilig or Not Kilig

291 10 0
                                    

Pagkatapos ng klase, inabangan ni Drake si Shirley sa may gate

 “Shirley, uhmm pede ba kita ihatid?”

 “Hindi na Drake, kaya ko naman mag-isa .. saka hindi ba naghihirap kayo, kayang-kaya ko na ito”

 “Last last month pa yun, nakabawi na mga parents ko dahil sa new business nila. Nasa abroad nga silang dalawa ngayon para tutukan ung business.. Sige na Shirley, I insist!”

 “Ang kulit mo naman Drake..” (sabay tawid)

Hindi napasin ni Shirley ang paparating na sasakyan dahil tumawid na siya upang iwasan si Drake. 

“Shirley!!!” (sabay takbo si Drake at mabilis na hinatak si Shirley papalapit sa kanya para makaiwas sa paparating na sasakyan) Muntik ka na Shirley, ok ka lang ba?”

“Drake… (sabay yakap sa kanya) salamat Drake.” (nanginginig at napaiyak si Shirley sa sobrang takot) 

“Ok na Shirley. Wag ka ng umiyak. Andito na ko sa tabi mo.” (Lalo pang hinigpitan ni Drake ang pagkakayakap niya kay Shirley)

Hinatid ni Drake si Shirley sa bahay nila ni Lexie.

“Ooh, ok ka na ba talaga? Wala bang masakit sayo shirley?”

“Ayos na ako Drake. Salamat talaga Drake sa paghatid at pagsagip sa buhay ko”

“Ikaw pa, ee malakas ka sakin, pag may problema ako, tinutulungan mo ko, kaya gusto ko din bumawi sa iyo. Lalo na ngayon na..”

“Na…?

Drake POV: Na gustong gusto kita Shirley.

“Sige na Shirley pumasok ka na. Goodnight na din!”

“Sige ingat Drake. Goodnight din!”

~~Sa loob ng bahay

“Uuuyyy Shirley… nakita ko yun, hinatid ka ni Drake.”

“Naku Lexie kung alam mo lang ano nangyari kanina, nakakatakot talaga”

“Hay Shirley, para ma-goodvibes ka, may ibibigay ako sayo. Ta-nan” (iniabot ni Lexie ang isang Tablet PC kay Shirley) sa iyo na lang ito Shirley. Medyo madami na akong ganito sayang lang kung hindi magagamit. Kaya sa iyo nalang” (smiles)

“Talaga? Ang bait mo naman Lexie. Salamat.. (smiles) sakto ang tagal ko ng hindi nakakapag open ng account ko sa FB. Thank you talaga Lexie aa” (smiles at niyakap ang kaibigan)

“Sige Shirley. Mauna na ako sa iyo matulog aa, inaantok na ako. Goodnight”

“Sige. Slamat ulit Lexie. Goodnight”

Nag madaling nag log-in si Shirley sa FB.

Shirley POV: Wow, i-nadd na pala ako ni Drake. OK accept ko na siya as friend.

Biglang may nag-appear sa Friend request niya.

Shirley POV: Benjamin Jalbuena?? I-naadd ako ni Benj? Hindi nga?? nung una hindi kami magkasundo pero dun sa Green House ok naman kami. Sige na nga Accept ko na.

Nagchat bigla si Benj kay Shirley.

Benj: Thanks sa pag accept bro :)

Shirley: Sana ito na ang simula ng pagkakaibigan natin Benj, Cool ka naman pala. Wag lang topakin!

Benj: Awts! Ako topakin?? Baka na-inluv ka na sakin dahil tinitigan mo ko.

Shirley: Kapal aa!! Sige na goodnight na at baka mag-away pa tayo dito.

Benj: haha. Goodnight Bro :)

Shirley: Wow ah! Bro :) Nyt Nyt!

Shirley POV: Totoo nga ang sabi nila Lexie and Drake, mabait naman si Benj. Kailangan mo talagang kilalanin muna ang isang tao bago mo siya mahusgahan. Thankful ako dahil wala na akong kaaway sa campus, madami akong kaibigan at ngayon may hero pa ko. Nakakakilig!! Ang saya saya talaga sa LuvU… sana hindi na matapos ang mga masasayang happenings ng barkada!!

I Luv U MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon