Hanggang sa Muli

273 8 0
                                    

**After ng ilang buwan, naging maayos ang stay ni Shirley sa LuvU. Mas lumalim pa ang pagkakaibigan nilang lahat... Ngunit isang araw may natanggap si Shirley na hindi maganda balita**

Sa bahay nila Lexie,

“Shirley, sabay na tayo pumasok?”

“Sige Lexie, una ka na, babasahin ko pa itong sulat sakin ni Mama galing Siquijor, baka importante ee..” 

“Ok, kita kits na lang sa campus”

Dali-daling binuksan ni Shirley ang sulat ng mama niya sa kanya.

“…Anak, pasensya ka na sa masamang balita. Inihinto na ni Congressman yung scholarship mo. Kalakip ng sulat na ito ay pamasahe pauwi dito sa probinsya. Hindi ko na kayang magpadala diyan pantustos sa pag-aaral mo. Pagpasensyahan mo na anak ang mama mo. Iintayin kita dito sa probinsya. Love mama.”

Bigla na lang pumatak ang mga luha sa mata ni Shirley.

Shirley POV: Kung kelan marami na akong kaibigan? Ang unfair naman. Kailangan ko na umuwi ng probinsya. Kalilipat lang ni Marj last month ngayon naman ako … hihinto sa pag-aaral. Anong kasalanan ba nagawa ko para mangyari sa akin ang mga ito? Dahil mahirap ako…   :(

“Tito Jules, basahin ninyo po ito” (iniabot kay tito jules ang sulat)

(pagkatapos basahin ni tito Jules ang sulat) “Naku Shirley, nalulungkot ako sa balita na ito. Kelan ka luluwas niyan?”

“Baka bukas po. (naluluha na si Shirley) Tito Jules ano pong gagawin ko? Ayoko pong umalis…” (niyakap ng mahigpit ang kanyang tito)

“Naku Shirley, hindi ko din alam, pero lahat naman ng bagay nangyayari dahil may dahilan. (pinunasan ang mga luha ni Shirley) Pamangkin, tama na yan. Sige na pumasok ka na.”

“Ayoko na din pong pumasok Tito. Masakit po mag paalam. Aalis na lang po ako agad.”

“Shirley, hindi tama yan. Magsabi ka lalo na sa mga kaibigan mo. Panigurado mamiss ka ng mga un.”

Shirley POV: Panigurado mamimiss ko silang lahat pero may makakamiss kaya sa akin? Ang sakit sakit ng puso ko ngayon, parang sasabog sa sobrang sakit. 

~~sa LuvU

Dumating si Shirley sa tambayan ng grupo.

“Shirley, bakit ngayon ka lang pumasok? Saka parang nagmamaga ang mga mata mo. Umiyak ka ba?”

“Huh. Ano kasi lexie.. Hays. (napabuntong hininga) Guys, ayoko maglihim sa inyo kaya sasabihin ko na... Galing ako kanina kay Principal Spenser at nagpaalam na ko na hihinto na ako sa pag-aaral.”

“Ano????” (sigaw ng buong grupo)

“Bakit Shirley ano ba nanyari?”

“Lexie, mahabang kwento kasi… saka… ano… bukas na yung flight ko…”

“Badtrip!” (padabog na umalis si Drake)

“Ui Drake, saglit lang… Guys wait lang aa, susundan ko lang muna si Drake, nagtatampo ata sakin” (madaling sinundan ni Shirley si Drake)

Umakyat sa rooftop si Shirley at doon niya natagpuan si Drake. 

“Drake naman bakit ka nag walk out. Galit ka ba?”

(Lumingon si Drake kay Shirley na may mga luha pa siya sa kanyang mga mata) “Madhid ka ba talaga Shirley??”

“Bakit ka ba umiiyak Drake, di ba dapat ako yung umiiyak kasi ako yung aalis?”

“Kung kailan nahuhulog na ako sa’yo Shirley… saka… saka mo ako iiwan? Shirley! Gusto kita. Gustung-gusto! Yung ugali mo yan, yan pagiging simple at masayahin mo, lahat yan gusto ko. Bakit hindi mo ba nararamdaman? Shirley please wag mo kaming iwan. Wag mo akong iwan…”

“Pasensya na Drake. Sa umpisa naman kasi talaga hindi ako belong dito sa Ekslusibong Eskwelahan na ito. Magkaiba kasi tayo. Mahirap ipaliwanag. Madami namang maganda dito, marami ka pang pwedeng  magustuhan.”

(Pinunasan ni Drake ang mga luha niya at seryosong hinarap niya si Shirley)

“Iba ka sa kanilang lahat Shirley. Kawawa ka dahil ikaw mismo hindi mo alam kung kagaano ka kaganda sa loob at sa labas…” (iniwan ni Drake si Shirley mag-isa sa rooftop)

Shirley POV: Kung alam mo lang Drake, yung sakit na nararamdaman ko. Ayoko din naman umalis dahil napamahal na kayo sa akin pero ganito nalang siguro para mas madali tayong maka move forward lahat

Binisita ni Shirley ang lahat ng masasayang lugar sa LuvU. Mula sa cafeteria, sa may lobby, sa may locker room at sa huli binisita niya ang green house/garden ng LuvU.

 “Shirley. Pigilan mo. Pigilan mo yang mga luha na yan.” (sabay punas ng mga luha niya)

“Ano ba yan kinakausap ko na naman ang sarili ko. Pramis LuvU, naging bahagi ka ng buhay ko kaya hinding hindi kita makakalimutan”

“Bakit kasi kailangan mo pa umalis, wala na bang ibang paraan?”

“Benj! Nakakagulat ka naman bigla bigla kang sumusulpot. Kabote ka ba? (sabay punas ng mga luha niya)

“Alam mo mamimiss ka ng LuvU. Wala ng babaeng bungisngis ang makikita dito sa LuvU na katulad mo. Panigurado mamimiss…. ka din ni Drake”

 (tumulo na naman ang mga luha ni Shirley)

 “Benj, aaminin ko. Mahirap kami at hindi na ako kayang pag-aralin ng mama ko. Mamimiss ko din naman kayo. Masakit sakin pero kailangan ko umalis. Ganito pala yung feeling na hopeless ka. Andami ko sana gusto gawin kasama ninyo, pero hanggang dito lang pala ako.”

 “Halika ka nga dito…” (nag senyas siya gamit ang darili niya para lumapit si Shirley sa kanya)

 Biglang niyakap ni Benj si Shirley at tinapik tapik ang ulo nito.

 “Ikaw talaga Shirley, umpisa palang alam ko na iyakin ka. Magpakatatag ka Shirley, malay mo, may maganda palang nag-iintay sa’yo kaya pansamantalang lalayo ka muna sa amin.”

“Pansamantala? Hindi Benj. Hindi na ako babalik dito sa Manila.”

 “Sigurado ka? Malay mo naman. Naniniwala ako sa FATE. Malay mo ibalik ka ng tadhana sa amin. Saka hindi naman sana wala yung communication mo sa amin”

 “Salamat Benj. Pinagaan mo yung nararamdaman ko. Hanggang sa muli” (lalong hinigpitan ang pag kakayakap kay Benj)

 “Hanggang sa muli nating pagkikita Shirley…” (Sinandal ang ulo niya sa ulo ni Shirley at hinigpitan din ang pag kakayakap kay Shirley)

Benj POV: Bakit ganito ung nararamdaman ko. Masaya na malungkot. Bakit parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko pag siya ung kasama ko. Hays. Sana nga magkita tayo muli Shirley.

Hindi alam ng dalawa na nakatingin pala sa malayo si Lexie sa kanilang dalawa.

I Luv U MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon