~sa bahay ni Archie
“Nasa airport na siguro si Shirley ngayon, nakakalungkot talaga pati siya umalis din”
“Hoy Archie, wag mo na nga ipaalala, nag-mumukmok na nga si Drake dito. Gusto mo buong taon siya ganyan.”
“Kasi naman Benj, pang gastos lang pala niya sa pag aaral ang problema nya kung may isang mayaman na katulad mo Benj ang mag bibigay sa kanya ng isang trabaho, bali “Working Student” siya edi..”
“Saglit lang Archie… bakit ngayon lang kasi gumana yang mataba mong utak!! Tama ka!”
“Huh? Alin dun ang may tama Benj?”
“May bago kasi kaming business na CoffeeCafe, pwede siya dun mag working student edi may panggastos pa siya!! Di ba Drake magandang idea yun?”
“Oo nga Benj! Tama ka! Ang galing mo talaga Archie wooh \m/” (body slam ang the breakers)
“Saglit saglit Benj, Drake. Anong oras na? Nako baka hindi natin maabutan si Shirley nyan!”
“Naku 5:30pm na. Yung flight niya 7 o’clock baka hindi natin maabutan. Tara bilisan natin”
~sa Airport
“Shirley, ok na ba lahat wala ka bang nakalimutan?”
“Ok na Lexie, salamat..”
“Basta magFB at mag tweet ka sa akin a. Update mo ko palagi. I will miss you Shirley”
“Oo naman. (Nagyakapan ang dalawa) Bye ingat kayo palagi LexieJ”
Naglakad na si Shirley papunta sa Departure area ng dumating sila Benj, Drake at Archie sa Airport.
“Guys, san tayo magsisimula para hanapin si Shirley?”
“Ganito na lang Benj, Archie, mag hiwa- hiwalay tayo. Tapos kung sino una makakita sa kanya, tawagan agad ako. Ako magsasabi kay Shirley ng good news natin aa. Game! Sige tara”
Nag hiwa-hiwalay silang tatlo para hanapin si Shirley sa Airport. Nang biglang nagkikita sila Drake, Archie at Lexie.
“Lexie!!! Nasaan na si Shirley?”
“Nako Drake. Huli ka na. Pumasok na siya banda dun ee.”
“Sige. Slamat check ko lang.” (tumakbo si Drake sa direksyon na tinuro ni Lexie)
Bigla naman nagkabungguan sila Shirley at Benj.
“Ooh. Benj! Anong ginagawa mo dito?”
“Shirley, sa wakas! Kasi ano …” (natataranta na ng dial para tawagan si Drake)
“Pasensya ka na Benj, mahuhuli na ako sa flight, wala akong extra para mag pa rebook pag naiwan ako nun! Sige Bye!”
(Hinawakan ni Benj ang braso ni Shirley)
“Saglit lang Shirley, intayin mo darating si Drake.”
(Lumingon- lingon si Shirley sa paligid)
“Mukhang hindi siya darating”
(dahan dahang inalis ni Shirley ang kamay ni Benj)
“GoodBye Benj!”
Dahan dahan ng nawala sa paningin ni Benj si Shirley. Hanggang sa tuluyan ng naglaho si Shirley sa mga mata ni Benj… ng biglang dumating si Drake…
“Shirley! Shirley! Benj, Asan na si Shirley?” (humahangos na sabi ni Drake)
“Na…ka…alis na.” (malungkot na sinabi ni Benj)
“Bakit mo pinabayaan Benj, hindi mo pa ko kinausap, nag miskol ka lang. Ano ba yun? Ang linaw linaw ng usapan natin aa. Bakit mo hinayaan Benj na mawala si Shirley?”
Dumating na din sila Lexie at Archie na humahangos.
“Ano na abutan ninyo?”
“Lexie, naabutan at nakita ni Benj. Pero pinabayaan niya lang na makaalis.”
“Benj” (malungkot na sabi ni Lexie)
“Sorry Drake, umuwi na tayo lahat at magpahinga… (malungkot na sabi ni Benj)
Tahimik ang buong barkada habang nasa sasakyan sila pauwi. Nakatanaw lang sa bintana sila Benj at Drake, hindi nagkikibuan.
Drake POV: Tuluyan ka na talaga nawala sakin Shirley. Umalis ka pa ng hindi tayo nagkakaayos. Ang sakit sakit pala ng ganito.
Lexie POV: Ano bang nangyayari sa iyo Benj? Hindi ka naman ganyan dati… ang mga mata mo sa akin lang nakatingin pero simula ng dumating si Shirley… hindi ko na alam… kahit ngayon na nakaalis na siya, hindi ko pa din sigurado kung sa akin ka padin may pagtingin.
Benj POV: Anong nangyari sa akin kanina? Hawak ko na siya. Hawak-hawak ko na ang kamay ni Shirley, bakit ko nahayaan na makabitaw siya at unti-unting mawala sa mga paningin ko. Ano bang nangyayari sa akin? I really hate goodbyes :(