Pag-ibig na kaya?

206 7 0
                                    

Back to Luv U na ang barkada. Back to Manila na din si Shirley pero mas okay na ngayon dahil inofferan siya ng trabaho ni Benj sa bagong bukas na coffee shop nila.

~Sa Coffee Shop

“Shirley, di ba kaklase mo naman si Sir Benj? Ikaw na magpapirma nito, urgent ito paki sabi”

“Sige po mam, kaso sa Monday pa po kami magkikita sa Luv U ee? Ok lang po medyo mahuhuli itong mga papers?”

“Naku, urgent talaga yan ee, di ba kaibigan mo naman si Sir Benj, kung puntahan mo na lang kaya Shirley sa mansion nila?”

“Hala!! Ako po mam?”

“Oo. Sige kita kits na lang bukas… Sarado mong maigi itong shop pag alis mo. Wag mo kalimutan daanan si Sir Benj. Sige Bye!!”

~Sa bahay nila Benj…

Tok.Tok..

“Sir Benj, andyan po ba kayo sa kwarto ninyo?”

“Ano ba yaya di ba sabi ko ayoko maistorbo ngayon”

“Aa.. ganun po ba, sige papauwiin ko na lang po ung bisita ninyong si Shirley.”

(Dali-daling binuksan ni Benj ang pinto ng kanyang kwarto)

“Sino ang bisita??”

“Shirley daw po, Sir Benj” (biglang napangiti si Benj sa kanyang narinig)

“Sige paki sabi pababa na ako, dalhan mo kami ng mirienda”

Dali-daling isinara ni Benj ang pinto. Nag palit ng damit, nag suklay at nagpabango.

Benj POV: Benj, ano ka ba?? Si Shirley lang yan bakit ka natataranta. Haay... bakit kasi biglaan naman siya pumunta dito. (sabay hawak sa kanyang puso) okay lang yan Benj, wag kang kabahan.. game!! 

~Sa mini library nag intay si Shirley kay Benj. Tinignan muna niya ang buong kwarto. Mga antigong cabinet ang naroon at libo-libong mga libro.

Shirley POV: Wooow!!! Sobrang yaman nila Benj. Ang lalaki ng mga cabinet, mukhang mamahalin ang mga bagay dito.

Benj: “ *cough* Hmm!

“Ay! Andyan ka na pala Sir Benj” sabi ni Shirley

“ Upo ka Shirley. ‘Benj’ na lang ano ka ba parang hindi tayo magkaibigan.”

Inihain na sa kanila ang mirienda.

“Eto kain ka muna cake. Ayaw mo n’yan ito may pastillas dito. Ano gusto mo inumin… may Gatorade dito, softdrinks, ano papakuha ko kay yaya…” balisang sabi ni Benj.

“Easy ka lang Bro. Ok lang ako. Ang totoo nyan Benj, pinapunta ako dito ni Mam para mapirmahan sa’yo itong mga papers, urgent daw kasi ito. Bibigay ko na yan bukas pag pasok ko sa Cofee Shop”

“Ganun ba? Akin na. Naku nag-abala ka pa na pumunta dito. Salamat Shirley”

“Wala un bro!!”

Biglang may narinig ang dalawa na papalapit sa kwarto na iyon na parang familiar na boses.

“Benj!! Andyan ka ba?”

“Hala!!” gulat na sabi ni Benj. “Bakit siya pumunta dito? Tara Shirley!”

Sabay hila sa dalaga ang nagtago sila sa isang malaking antigong cabinet na andun.

“Benj. Ako ito…si Drake.” Sabay bukas ng pinto ngunit wala naman siyang naabutan kundi mga mirienda sa mesa.

“Akala ko ba andito si Benj. Wala naman” takang sabi ni Drake sa katulong.

“Pasensya na Young Master Drake. Kanina andito po sila Sir Benj at ng isang empleyado niya”

Sa maliit na siwang ng cabinet sinisilip ni Benj ang mga kaganapan sa labas. Nakayakap si Benj kay Shirley. Takang-taka naman ang dalaga sa ikinikilos ni Benj.

“Ganun. Hmmm.. Sige yaya aalis na ako. Paki sabi nalang kay Benj na dumaan ako” sabi ni Drake

“Opo Young Master, makakarating po”

Sabay na umalis sila Drake at ang katulong.

Biglang napatingin si Benj kay Shirley. Nagulat siya dahil ganun kalapit ang mga mukha nila sa isa’t-isa.

Nagkatitigan ang dalawa. Biglang naging awkward ang pakiramdam ni Shirley dahil halos mahahalikan na siya ni Benj sa sobrang lapit niya.

Shirley POV: hahalikan ba niya ako? Shocks naman…

Benj POV: hahalikan ko ba? Baka suntukin lang ako at ibalibag ako paglabas namin.

Madaling binuksan ni Shirley ang pinto ng cabinet at madali silang lumabas.

“Hoooy! Benj. Ano ba? Bakit tayo nagtago si Drake naman un ee” takang sabi ni Shirley

“Eee... kasi kinabahan ako baka magalit siya pag nakita niya na andito ka sa bahay” hindi makatingin ng diresto ang binata.

“Un lang? Hindi magagalit un, lam naman niya ung trabaho ko ee”

“Eee… gusto ka ni Drake. Baka magselos siya… pag nakitang… kasama mo ako?” malungkot na sabi ni Benj.

“Hay naku Benj. Hindi magseselos yan si Drake, magkakabarkada naman tayo ee”

“Shirley… gusto mo ba siya? Masaya ka ba pagkasama mo siya?” seryosong tanong ni Benj.

“Hmmmm…ikaw pa lang pinagsasabihan ko ng secret ko na ito, wag kang maingay aa!! Ang totoo n’yan… hindi pa din ako nakakamove-on sa first love ko…” masayang ibinahagi ni Shirley.

“May boyfriend ka na dati?” pasigaw na tanong ni Benj.

“Ito naman si bro, boyfriend agad? Wala syempre”

“Eee.. sino yang first love na sinasabi mo?” tanong ni Benj kay Shirley.

Masayang nag kwentuhan ang dalawa habang nilalantakan ang mga pagkain. Halos hindi nila napapansin ang oras na lumilipas, parang may sariling mundo ang dalawa.

“So, ibig sabihin… di mo makalimutan ung kababata mo noon?” tanong ni Benj kay Shirley.

“Oo. Bago kasi kami maghirap at tumira sa probinsya, buhay pa si Papa noon. Sa isang subdivision sa Cavite kami nakatira, magkalapit lang halos ang bahay namin. Halos sabay kami lumaki. Tinuruan niya ako magbasketball saka mag skateboard” masayang ikinukwento ni Shirley.

“Kaya ka pala ganyan kumilos dahil din sa kanya…”

“Oo nga ee. Tinuruan pa niya ako maglaro ng mga larong panlalaki sa psp. Nagbabaril-barilan din kami, kaso nung lumipat kami sa probinsya. Nakalimutan na niya yata ako” malungkot na sabi ni Shirley.

“Baka hindi naman, hindi lang kasi kayo nagkikita”

“Sa tingin mo Benj, sana nga makita at makamusta ko na si ‘kambal’ sobrang miss ko na un” masayang sabi ni Shirley

“Kambal?”

“Oo. Un ung tawagan naman dati. Ayy.. sobrang gabi na pala Benj, nawili naman tayo masyado magkwentuhan, uuwi na ako…” madaling nagligpit si Shirley at naghanda para umalis.

“Ihahatid na kita.”

“Hindi na Benj, isang bus lang yan tsaka konting lakad, keri ko na un”

“Hindi. Delikado ang panahon ngayon. Ihahatid na kita, wag ka ng tumanggi dahil pag may nangyari sa’yo hindi ko mapapatawad ang sarili ko”

“Wow. Ang importante ko naman masyado” pabirong sabi ni Shirley. “Sige na nga bro! Tara”

“Good girl” masayang sabi ni Benj. 

I Luv U MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon