Meant To Be

203 6 0
                                    

Kinabukasan, wala pasok sa Luv U ngunit si Benj ay hindi mapakali sa kanyang bahay at malalim na pinag-iisipan ang mga nangyari at sinabi ni Shirley kagabi.

Benj POV: Ang lapit ko na kagabi kay Shirley, sana tinuloy ko na lang. Kaso kinakabahan naman ako, baka magalit siya. Tsk! Saka sandali lang…

Mabilis na nagtungo si Benj sa mga nakatago nilang gamit at nag simulang halungkatin ang mga ito na tila may hinahanap siya.

“Aha!! Ito nga yon!!” masayang sabi ng binata hawak hawak ang isang larawan.

~Sa Luv U

Hoy tapos na ba kayo sa assignment?” tanong ni Benj sa barkada na nakaupo sa kanilang tambayan

Oo naman” mabilis na sabi ni Archie sabay akbay kay Benj na nag aayos ng kanyang bag.

Nagsagi ni Archie ang kanyang bag at tuluyang nalaglag at nag kalat ang mga gamit niya.

Naku sorry Benj, akin na tulungan kita” sabi ni Archie

Benj, ito pa ooh..” sabi ni Lexie sabay abot kay Benj ng isang larawan

Teka lang, sino yang nasa picture?” sabi ni Patty sabay agaw nito

Patingin” dagdag ni Drake. “Aaah! Si Benj yan nung bata. Tingnan niyo guys ooh si Benj ito” sabi pa ni Drake.

“Hello mga loves, musta? Anong meron dyan” bati ni Shirley na kadadating lang sa kanilang tambayan.

Hi! Shirley. Ito pinag-kakaguluhan namin itong picture ni Benj nung bata pa siya, tignan mo ooh ang cute cute… Ska ito katabi niya ooh cute cute din… Sino ito Benj?” tanong ni Patty

Patingin naman ako” pangungulit ni Archie at sabay agaw sa picture

Hala Shirley, tignan mo ooh, kamukha mo ung nasa picture, ang cute cute din ng pisngi at mata. Hala pareho din kayo ngumiti” dagdag ni Archie.

Oo nga. Si Shirley ang kamukha ang galing naman” masayang sabi ni Patty

Patingin ako” sabi ni Shirley sabay agaw sa picture. Tinitigan niyang mabuti ang larawan.

“Ikaw?? Ikaw si kambal?” tanong ni Shirley

“Oo bro, ako nga” nakangiting sinagot ni Benj.

Aaaaahh!! Ang galing!!” masayang sabi ni Shirley. “Kambal ko!!” sigaw ni Shirley sabay yakap kay Benj.

Biglang nanlaki ang mata ni Benj ng masayang masaya siyang niyakap ni Shirley. Ngunit pati sila Lexie, Drake, Patty at Archie ay nagulat din sa pangyayari.

Aaah. Hahahahaha! Sorry Benj. Nadala lang ako. Hahaha!” awkward na sabi ni Shirley na tila napahiya sa pagyakap kay Benj.

“So, ibig sabihin dati pa kayo magkakilala??” tanong ni Patty

Oo. Siya ung kambal ko, uhmmm… kababata at kalaro ko dati. Kaso nung yumaman kami ng todo todo nawala na yung komunikasyon ko kay ‘kambal’, lumipat din pala sila sa probinsya” kwento ni Benj sa barkada.

Wow. Meant to be lang ang peg” tukso ni Archie kay Benj.

“Guys, punta lang ako ladies room” sabi ni Lexie

Tara Lexie, samahan kita” dagdag ni Patty.

~Sa Ladies Room..

Naghilamos si Lexie ng mukha.

Girl, ok ka lang?” tanong ni Patty sa kaibigan

Hindi Patty. Hindi ako okay” naiiyak na sabi ni Lexie

Bakit? Ano ba problema mo?”

Unti-unti!! *sighs* paunti-unti nawawala sakin ang mga akin dati” naiiyak na sabi ni Lexie

Hindi ko ma-gets. Pero ang alam ko Lexie, sana makatulong ito sa problema mo. Pag may bagay na sa tingin mo ay sa’yo, ipaglaban mo, wag mong isusuko at bibitawan...” payo ni Patty sa kaibigan.

 “Tama ka Patty ee. (sabay punas ng kanyang luha at tinitigan ang sarili sa salamin) Ang akin ay akin lang! Di ko dapat bibitawan” seryosong sabi ni Lexie.

I Luv U MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon