Island Trip

251 9 2
                                    

Masayang masaya ang buong tropa sa biyahe lalo na ng marating nila ang isla ng Siquijor.

 “Grabe napagod ako sa biyahe, gusto ko na humilata” hingal na hingal na sabi ni Archie

Hoy, archie maya na yang pahinga… di ba main agenda natin dito sa isla ay hanapin si Shirley. So ang plano ko, mag kanya kanya tayo. Tapos kung makita na si Shirley, tatawagan ang buong grupo. Gets?” paliwanag ni Drake.

Gets namin!” masayang sagot ni Patty.

Benj, kuha mo ba? Tawagan ang buong grupo” tanong ni Drake sa kaibigan..

Oo naman. Bilisan natin guys, gusto ko na kasing mamasyal at libutin itong magandang probinsya na ito, first time ko dito kaya naeexcite na ako” mabilis na sagot ni Benj.

Benj, saan ka banda maghahanap?” tanong ni Lexie sa kaibigan.

Aaah, hindi ko pa alam, kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Dala-dala ko na itong DSLR camera ko habang naghahanap, parang namamasyal na din kasi” sagot ni Benj.

 “Eee kasi benj, gusto sana kita kausapin… hmmmm.. sige mamaya na lang siguro” malungkot na sabi ni Lexie

 “Ok. Sige una na kami ni Drake. See you guys later”sabi ni Archie at naglakad na palayo sila Drake at Archie.

“Lexie, ok ka lang ba?” tanong ni patty sa kaibigan.

“Ok lang ako Patty.” malungkot na sagot ni Lexie habang nakatingin kay Benj na naglalakad na din palayo sa kanila.

“Naku, Lexie, kung ang ‘the breakers’ ay naloloko mo, akong kaibigan mo ay hindi, ano ba problema mo kanina ka pa sa biyahe malungkot ee” tanong ni patty sa kaibigan.

“Si Benj… parang may iba sa kanya… at hindi ko alam kung anong meron sa kanya” sagot ni Lexie.

“Hay nako friend, jet lag lang yan, tara magkasama na lang tayo maghanap kay Shirley aa” sabay akbay si Patty sa kaibigan at nagsimula na silang maghanap.

~Makalipas ang isang oras…

Ring.Ring.Ring

“Hello Drake”

“Hello Benj, ano kamusta ka dyan? Nakita mo na ba?”

“Hindi pa Drake, saan ka ba banda? Andito ako ngayon sa hacienda na puro mangga. Ang astig andaming mga puno. Ang lamig ng simoy ng hangin dito dude”

“Benj, focus. Namamasyal ka na ata ee. Dito ako sa may lumang simbahan, Sige check ko naman sila Lexie.. Bye na Dude. Focus Benj aa.. Sige

Benj POV: Mukhang  desididong makita ni Drake si Shirley…

Biglang may napansin si Benj na babae sa ibabaw ng isang puno na tila may inaabot

“Hoy Miss… mag-iingat ka” sigaw ni Benj

“Miss!!! Wag mong gawin yan...” sigaw ulit ni Benj, sabay takbo papalapit sa may puno.

Ngunit sa pagsigaw ni Benj, hindi niya inakala yun ang magiging dahilan upang magulat ang babae at tuluyan ng madulas at malaglag sa puno.

  “Aaaaahhhh…

Sakto at nasalo naman agad ni Benj ang dalaga at napaupo si Benj sa damuhan yakap yakap siya.

I Luv U MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon