Day 152

13K 623 346
                                    

MON AT 12:17 AM

JT : Aling Jia! Happy New Year!

JT : Magulo networks kahapon. Di ako nakabati.

Jia : Okay lang.

Jia : Happy New Year din.

JT : Musta resignation?

Jia : Pano mo nalaman na nag-resign ako?

JT : Nabanggit ni Harry.

Jia : =__=

JT : Di mo kukumustahin?

Jia : Si Harry? Bakit pa?

Jia : Ako nga, hindi kinakamusta. =__=

JT : Hahahahahaha.

Jia : Tawa pa. Papakagat kita kay Pagong. 😑

JT : Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha.

JT : Pakagat mo na ko. Ang dami kong tawa. 😂

Jia : #WalangForever

JT : Hahahahahahaha.

Jia : =__=

JT : Hindi ako dapat makikialam e.

JT : Pero sayang naman kung hindi ko pakikialaman ang tunay na pag-ibig ni Harry babe. Nakialam siya sakin dati. 😂😂😂

JT : Ibabalik ko yung pabor at lubid sa kanya. 😂😂😂

Jia : What do you mean?

JT : Si Harry kasi, hindi talaga makakapunta basta diyan sa ospital na yan.

Jia : Bakit?

JT : Naka-ban siya. 😂😂😂

Jia : Naka-ban?! Bakit?!

JT : Ganito kasi. Nakasunod siya sayo nung naaksidente ka. Siya yung unang doktor na nasa scene.

Jia : WHAT??????

JT : Sandali, babe. Kulang pa yan.

JT : Pagdating ng ambulansiya, si Harry ang nag-first aid sayo.

JT : Dahil baliw na si Ka Harry, pagdating sa ospital, nakialam sa emergency room.

Jia : Panong nakialam?

JT : Nang-agaw ng scrubs, nang-agaw ng ER.

JT : Siya nag-opera sayo.

JT : Pero dahil hindi naman siya under ng ospital na yan at bawal ang ginawa niya, na-ban. Kinausap lang ni Tito Pat yung director niyang ospital para hindi ipa-cancel yung lisensiya ni Ka Harry. Pinalitan din pangalan ng attending physician mo.

JT : Wala. Nabuang si Ka Harry e.

Jia : WHAT????

JT : But he doesn't want to tell you. Iisipin mo pa raw. Magpagaling ka na lang.

Jia : So, mas okay sa kanyang isipin ko na wala siyang pakialam sakin?

JT : Parang ganun.

Jia : Gago ba siya?

JT : Gago yun. Baliw. Maloko.

JT : At hindi nun kayang magbitaw ng salitang hindi niya kayang panindigan.

JT : Kaya walang sasabihin yun sayo na hindi niya kayang panindigan.

Jia : Gago nga.

JT : Kaya wala pa ring sinasabi sayo.

Jia : Gago nga talaga.

Jia : Gago siya.

Jia : Nasan siya?

JT : Nasa bahay niya. Nagpapagaling ng kamay.

Jia : Bakit? Anong nangyari sa kamay niya?

JT : Ah, nakalimutan kong banggitin.

JT : May sugat yung kamao niya at may ilan din sa braso.

JT : Nabaliw nga kasi. Nung hindi mabuksan yung pinto ng kotse mo, para makuha ka niya, sinuntok niya yung bintana mo.

Jia : ANO????

JT : Nakabaligtad kasi yung sasakyan mo. Natakot sa brain at neck injury na pwede mong ikamatay.

Jia : Kahit na! Tanga ba siya? Maraming pwedeng pambasag ng salamin!

JT : Nagmamadali e. Pwede niyang tinadyakan yung salamin pero baka matalsikan ka raw ng bubog.

Jia : What the fck.

JT : Yea.

Jia is typing...

JT : Do you want to catch him red-handed?

Jia : Baliw siya.

Jia : What do you mean?

JT : Dadalaw yun mamaya sayo. Unstoppable ang gago e.

Jia : What?

JT : Maghintay ka lang ng 2 AM. Magkunwari kang tulog. Pupunta yun.

Jia : 2 AM?

JT : Yea. Just make it believable na tulog ka na.

Jia : Shit.

JT : Yea. Shit.

Jia : Totoo?

JT : Pumupunta yun every 2 AM. Nagche-check..

Jia : Shit.

JT : Good luck. 🐢

Jia : Gosh.

JT : Kalma.

Jia : I'll try. Thank you.

JT : Para kay Harry babe to. Pagod na kong ngumangawa siya. Mukhang tanga. Haha.

Jia : Okay.

JT : Keep your sanity. ^_^

Jia : I'll try.

Girl of Never (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon