CHAPTER FIVE.

40 4 1
                                    

CHAPTER FIVE.

Nag-usap kami ni Jared ng tungkol sa plano namin about sa pamilya namin. Sana magwork nga talaga. Ayoko din naman na makasal si Mommy agad agad. I just love my Dad so much.

Pero hanggang kelan? Hanggang kelan namin sila mapipigilan? I know this has an end. Hiling ko lang eh wag akong mahulog sa patibong ng pag-ibig na 'to!

Gabi na din and I wanna go home. Napagod din ako kakaisip sa gulong pinasok ko. Wala na din akong balak pumunta muna sa Blue Haven. I'm just so stressed af.

Nasa may pinto na ako at magpapaalam na sana kay Jared.

"Dito ka na lang kaya matulog?" Naka-ngisi nyang sabi.

"I'm not buying that, Jared. Uuwi na ako" I held the door knob at inikot ito. Pero hindi ko pa ito nahihila para bukas eh niyakap na nya ako. He hugged me from behind.

Dub dub dub dub dub dub.

Ayan ka na naman heart. Please STOP.

"Please" Narinig kong mahina nyang sabi.

Ramdam ko na sobrang lapit nya sa akin. I can hear his breathing. I can feel his body. Eto namang puso ko, walang tigil sa pagtibok ng pagtibok. Hindi ka kaya mapagod nyan?

Inalis ko yung pagkakayakap nya sa akin at humarap ako sa kanya.

"You know, just to tell them we're real. Kasama 'to sa pagpapanggap" sabi pa nya. I knew it. Kaya wag ka ng mag-assume little heart.

"You can use my clothes. Pwede naman tayong magpabili ng damit mo bukas or manghihiram ako kay Ate Janine" Masyadong mapilit ha.

"Fine" Hindi ko din alam kung paano at bakit nya ako napapayag. Pag sa rupok naman po!

Ako na ang nagluto ng dinner namin. Actually, my Dad taught me how to cook. We were really close back then and sinabi nya din na ako magmamana ng restaurant nya. Currently, La Mia Bella has six branches na. By the way, my Dad died in a car accident. He was just 45 years old.

"Jared, bakit ayaw mo sa marriage ni Mommy at Tito Argon? And where's your Mom?" I couldn't help it. Sobrang curious din ako. Kayo din ba? Haha!

"She left us when I was 10. Sumama sya sa ibang lalaki" Napatigil ako sa pagkain ko. May ganung magulang pala? It must hurt as well.

"Arranged marriage lang kasi sila ni Dad. She didn't love him and asked for a divorce after 15 years nilang nagsama. They were married in US kaya ang bilis napawalang bisa ang kasal nila. My Dad never had a serious relationship after her. He became abusive to her women and even sa amin ni Ate. He changed after nyang magpa-rehab for two years pero ayokong mapasama ang Mommy mo sa mga sinaktan ni Dad. I don't want to see him hurting anyone else again" Patuloy pa din si Jared sa pagkwento habang kumakain na parang wala lang ito sa kanya kahit na mabigat din pala ang pinagdaanan nito.

"I'm sorry, Jared. I shouldn't have asked" Nag-iwas ako ng tingin kasi naguilty ako. So he's from a broken family pala. 

"No, it's okay. It's all in the past" Pero alam ko na nasasaktan pa din sya base sa mga mata nya at tono ng boses nya. He must've endured it all alone. 

///

Andito ako sa CR nya at naglilinis ng katawan. Meron pa naman ako. Buti na lang may dala akong undies sa bag ko at extra pads dahil nga meron ako.

Nag-aayos pa ako ng gamit ko ng kumatok si Jared. Binuksan ko ito at nag-abot sya ng mga damit. "Eto yung damit, try mo na lang at ikaw na ang pumili kung alin ang gusto mo jan"

Tiningnan ko naman ito at medyo malalaki yung shirts. Of course, malalaki 'to dahil panlalaki sya. Tiningnan ko yung mga damit na dala ni Jared. Pagtingin ko pa nung isa eh, nagulat ako dahil hindi sya pjs!! Boxers sya!

Nagshower naman ako pagkapili ko ng damit. Of course, yung pjs yung sinuot ko kahit na di ako comfortable magsoot ng pjs pag tutulog! Mas gusto ko yung shorts pag matutulog.

Paglabas ko ng banyo, nakita ko sya nanunuod ng tv. Nakita kong tumingin sya sa akin at tumawa ng malakas.

"Ayaw mo nung boxers ko?" And there goes his laugh again. Hindi ko alam bakit pag dating sa iba tahimik sya at ice prince. Pero pag ganitong kasama ko siya at kami lang, his smiles and laughs are different. Wag na nga! Baka assuming lang ako!

"Wala akong plano suotin yun. Bastos ka talaga!" Nilagay ko naman yung gamit ko sa may sala ulit. Wala naman siguro syang darating na bisita noh?

Teka, saan ako matutulog dito?! Pumasok ulit ako sa kwarto nya ng nakita kong naghubad sya.

ABS!!! OHLALALALALA ~

Agad akong nagtago ng makita ko iyon. SHT!! Ang macho!!

Napapikit ako. Nagulat na lang ako na pagmulat ko e nasa tabi ko na sya at huling-huli nya akong nagtatago.

"Naninilip ka pa ha!!" Nakangisi na naman ang mokong.

"H-hindi noh! Asa ka naman! Dami ko ng nakitang ganyan noh! Tsaka may itatanong lang sana ako. Kaso nakita kitang naghuhubad. Assuming ka naman"

"Dami mong sinabi! Ano ba yung itatanong mo?" But he's still half naked. 

"M-maya na lang. Magbihis ka na muna" Nauutal na naman ako. Epekto ba 'to ng abs mo, Jared? Haha.

"Ano nga yun?" Pumasok ulit sya sa kwarto nya. 

"Tatanong ko lang sana kung saan ako matutulog?"

"Ahh. Dito sa kama ko" Medyo namula  ako sa sinabi nya. Ano ba 'tong iniisip mo, Stacy!

Bigla nya akong hinila papasok ng kwarto nya. Lumapit sya sa akin at umurong naman ako. Nakailang ganun kami hanggang sa nasa likod ko na pala yung kama.

Nagulat na lang ako ng tinulak nya ako. Napahiga ako dito at nasa ibabaw ko sya. He pinned me on his bed, holding both of my hands down. And he's half NAKED.

Jusko! Mga kapitbahay!! Ito na ba ang araw na isusuko ko ang Bataan? Bakit ba kasi ang rupok mo, Stacey!?

Ang lapit ng mukha nya sa akin. Napatingin ako sa mga mata nya. Wth, Jared. Why are you doing this to me?

Dub dub dub dub dub dub.

Eto ka na naman little heart. Mas mabilis ang tibok ng puso ko ngayon.

"J-jared" Mahina kong sabi.

Agad syang tumayo. "Sorry" Yun lang nasabi nya at lumabas na ng kwarto.

AHA!!! At least, ako ang nag-wagi! Makatulog na nga dito sa kama nya. Pagod din kasi ako. Nagkumot na ako at natulog. 

Kung anu-anong ginagawa mo sa akin, Jared Romualdez! Bahala ka matulog sa salas! Belat!!! :p

Wag naman sana dumating sa punto na mabreak ko yung isang rule na pinakamahalaga. Pigil, Stacy!! :p

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PLEASE VOTE!!! ;)

Make You Mine (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon