CHAPTER FOUR.

47 3 0
                                    

STACEY'S POV

Biglang nagpatawag si Mommy at Tito Argon ng meeting daw naming 'pamilya' and we'll be having daw our first family picture. As if! They're planning to use it sa announcement ng engagement nila.

This isn't my picture of a "HAPPY" family. Feeling ko tuloy nagpapaka-selfish si Mommy eh.

Gusto na ibulgar ni Jared ang fake relationship namin sa parents namin today pero pinigilan ko sya. Not now siguro? Ewan. Parang hindi pa din ako prepared magsinungaling. Lol!

I wore a simple elephant pants and a sleeveless top with a blazer above it.  I arrived at 10am kahit na 8am ang usapan. Pinilit ko lang talaga ang sarili ko. Lol! You know me, hindi talaga ako umaalis sa umaga. At syempre, magkausap na kami ni Jared about this.

Ang alam ko, dapat sya ang mauuna pero hanggang ngayon eh wala pa sya. I'm getting worried. Kanina pa nagre-ready ang crew para sa photoshoot kuno namin.

"Asan na ba yung batang yun?! Even Janine is not answering!" Inis na inis na ang Daddy nya. 

"Parating na din po siguro yun, Tito" sabi ko pa. Halatang balisa si Tito Argon. Ang alam ko hindi din pupunta si Ate Janine, Jared's older sister. She's also against this set-up but I haven't really met her. Sabi lang sa akin ni Jared.

After an hour dumating si Jared. Halatang hingal pa at mukhang.. Ewan. Hindi sya bihis. I mean, he's not dressed for the said photoshoot and this is not what we talked about! He was just wearing a plain white v-neck shirt and denim pants. Still damn hot! 

Kahit kelan talaga, ang hirap mong mabasa, Jared.

"Magbihis ka na, Jared!" Sabi ni Tito Argon. Sinenyasan nya ang mga crew na magsstart na kami.

"Ayoko" Napatingin ako sa kanya sa sinabi nya. We did not expect that. Napatingin ako sa kanya. Ano bang iniisip mong mokong ka? Ang usapan namin we will pretend and get along.

"Ano na naman ba?!" Napasigaw na talaga ng tuluyan ang Daddy nya kaya naman pati ang mga crew ay napatingin na sa kanya.

You're making a scene, Jared. Kinakabahan ako sa ginagawa mo.

Tiningnan ko syang mabuti. Lahat kami sa studio ay nakatingin sa kanya at parang wala lang sa kanya yon.

"Sabi ko, ayoko" Pagmamatigas pa nya but he said it in a calm way. How can he do all this?

Bigla nya akong nilapitan at kinagulat ko yun. What the hell is he thinking?! Medyo napa-atras ako habang tinitingnan pa din sya. 

Ikinabigla ko ang paghalik nya sa akin sa harap ng mga magulang namin at sa harap ng mga crew na nandito. Ngayon hindi lang nasa kanya ang atensyon ng lahat ng tao na andito. Sa aming dalawa na. Fuck you, Jared! Wala sa usapan natin 'to!

He pulled me closer and kissed me a lil bit longer. Hindi na ako nakapalag dahil sa gulat ko. My eyes got wider. Walanghiyang kissing monster talaga sya!!

Since we're already doing it, why not play along, Stacey? I responded to his kiss. 

Naghiwalay din kami after ng ilang seconds. Hindi ko matingnan ang mga tao dito sa loob ng studio, lalo na ang nanay ko. I am a party girl but I don't really do this kind of stuff and my Mom knows that.

"A-anong ibig sabihin nito?!" This time, it was my Mom who reacted. His Dad was speechless, maybe.

"We're together. I love Stacy. We've been together for almost a year already. And I wanted you to know that. I can't keep it a secret anymore!" Sige Jared, galitin pa natin ang ating mga magulang.

"Stacy, is this true?!" My my. Galit na din ang Mom ko. Napapikit ako at tiningnan ko lang sya. Hindi ko magawang magsalita. Sorry, Mom! I feel guilty somehow. 

"Paanong... Sht" I even heard my Mom curse habang napahilamos sa mukha si Tito Argon.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi? She's your girlfriend? Are you serious with her?" Sabi ni Tito Argon na ngayon ay hindi malaman ang irereact.

"You never told me, Stacy. Kaya ba ayaw na sineset up kita? Bakit hindi mo pa sabihin na lang?" Sabi din naman ng Mom ko na mukhang  humupa na ang galit but I know she's disappointed.

Wala pa din akong masabi. Hindi ko alam kung ayoko lang talaga o ayoko magsinungaling sa kanila o kahit ako sa sarili ko eh naguguluhan ako.

Hinawakan ni Jared ang kamay ko at hinila ako palabas ng venue. Are we such a great actors now? Pwede na ba kami for theater? Haha.

"You're such a great actor, Jared!" Sabi ko habang hinihila pa din nya ako. "Bitawan mo na nga ako" Pero hindi nya ako binitawan. Mas hinigpitan pa nya ang hawak sa kamay ko.

"Shut up! Mag-isip ka nga, Stacy. Galing tayo sa mayayamang pamilya. Which means they can hire even the highest paid investigator or spy. Alam mo na, just to find out if our relationship was real" Napanga-nga ako sa sinabi nya. Oo nga naman. Matalino din 'tong si Jared ha! So magiging iba na ba talaga kami from now on?

Paano kaya ang magiging setup namin?

We left the venue at pumunta kami sa condo nya. Iniwan ko na muna ang koche ko sa may studio. Sana walang mangyaring masama na naman sa akin dito! Oh, Lord. Please. I'm one hell of a freaking virgin! -_____-

Sa basement siya nagpark at umakyat na kami gamit ang elevator. Nagtaka ako bakit medyo matagal. Yun pala sa penthouse sya ng building na 'to nakatira. So he's really richer than me? They have a chain of hotels, Stacy. What do you expect?

He entered his passcode. It beeped and he opened the door.

Medyo nag-aalinlangan akong pumasok ng condo nya. Is it okay to trust him? One step and I am in. Wala din naman akong choice. Andito na ako so pumasok na din ako.

Nilibot ko yung tingin ko sa buong area. Ang linis. Minimalistic yung theme ng penthouse nya. It is in black, gray, and white theme. Hindi makalat at parang kokonti lang ang gamit. Unlike mine! I also noticed that his condo is much bigger than mine. Kumpleto ito. May living room, kitchen at may mini bar pa. Sa may living room nya kita ang swimming pool nya. Edi sya na! 

Umupo ako sa couch nya at I checked my phone. 54 missed calls from my Mom. Ugh! Pinatay ko na lang yung phone ko. Ano ba 'tong gulong pinasok ko? Napahilot ako sa sintido ko.

Umupo sya sa tapat ko. "So, how was my kiss?" At ngumisi pa ang loko.

"Kissing monster ka talaga! Kainis ka!!" Sabay bato nung unan na nahagip ko. Nakakahiya yun talaga! Maybe it's the most embarassing moment in my life?!

"You should've seen your reaction, babe! Hahahaha! It was epic!" Ngumuso ako at tumayo. Aalis na lang ako kung aasarin lang din ako ng mokong na 'to!

"Huy, wag naman pikon" Hila nya ang braso ko. Nagkaharap na naman kami. His face was so close. Umiwas ako ng tingin dahil baka mahalikan na naman ako nito. Nagiging marupok ka pa naman pag dating sa kanya!

"I love how you responded to my kiss" Napalingon ako sa sinabi nya kaya naman he was able to kiss me again. Saglit na katahimikan at bigla kong narinig ang tibok ng puso ko. Mabilis ito at hindi ko ito nagugustuhan.

Ako na ang kumalas sa aming dalawa. Nagpatay malisya na lang ako sa nangyari. I cannot let him think that I am falling in love with him. It's against our rule.

"Ano ba kasing pag-uusapan natin at dinala mo ko dito?" Tanong ko sa kanya para naman may mapag-usapan kami at hindi yung hahalikan na naman nya ako. Baka kung saan kami mapunta! Rumurupok pa naman ako pag dating sa kanya!

"Madami" Sabi nya at umupo ulit sa may tapat ko.

Make You Mine (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon