CHAPTER SIX.

43 4 4
                                    

Dedicated kay @asaranghae itong chapter na 'to. Isa din sya sa dahilan kung bakit inspired ako dito sa Wattpad kahit na hindi ako kasing galing nila. :3 Xoxo, chix. <3

CHAPTER SIX.

Hayyy. Medyo masarap tulog ko ah! Buti na lang dito ako sa kama.

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Napasigaw ako ng napatingin ako sa right side ng kama.

"Ano ba yan, ang ingay mo. Ang aga aga eh!"

Katabi ko si JARED natulog?! THIS CAN'T BE HAPPENING. Pagmulat ko kasi, siya agad nakita ko. Magkalapit ang mukha namin dahil... dahil... magkayakap kami!! Alam mo yun.

Omg. And he's still half naked!

Ohmy pandesal sa umaga. Abs. <3 PWE!

Tinulak ko siya at nalaglag siya sa kama. Pero bumalik din siya at humiga. "Ano ba, Stacy. Just let me sleep" 

"Eh paano ka kasi napunta dito?! Di ba sabi ko sa'yo dun ka sala?!"

"Aba't sa'yo ba 'tong condo?! Maka-utos ka, parang iyo ah!" He's easily irratated. Hahaha! Bingo!

- ding dong. ding dong -

Nagkatinginan kaming dalawa. Who would that be? 7am pa lang may bisita na agad sya.

Agad syang bumangon at sinilip yung butas sa gitna ng pinto kung sino ito.

"Si Dad" Sabi nya at medyo kina-panic ko ito. Kinusot-kusot pa nito ang mata nya pabalik sa akin. He's so... nevermind. Kinuha nya yung gamit ko sa may sala at pinasok sa kwarto nya.

"Maghubad ka" Ano daw?! :O

"Are you out of your mind?"

"Wag assuming. Maghubad ka, tapos magtapis ka o basta lumabas ka na parang may nangyari sa atin, okay? Bilisan mo at bubuksan ko na ang pinto"

Agad ko namang ginawa ang sinabi nya. Buti na lang at pwede gawing strapless ang bra. Mahirap maghubad ng lahat noh. Baka kung ano pa makita at maghello world ang katawan ko. Hahaha!

Narinig kong bumukas ang pinto.

"Aga natin ahh. What brought you here?" Rinig kong bati ni Jared. Lumabas naman ako mula sa kwarto.

"Just checking you out. Madami akong tanong sa'yo. After you and Stacy confessed yesterday" Sa pagkakasabi ni Tito Argon ay mukha namang effective yung kissing scene namin kahapon.

"Istorbo ka, Dad. Mamaya na lang. Pupuntahan kita sa bahay. Stacy's still sleeping" He's still half naked.

"She's here? Jared? Can you explain this to me? Are you serious?" Nagtulog-tulugan na lang ako. Ayoko umarte ng kahit ano. Eto lang makakayanan ko for now. Hindi ko kayang makita ng future-husband ng Mom ko yung ganitong scenario.

Pumunta si Jared pabalik sa kwarto nya at sumunod naman si Tito Argon pero sa may pinto lang. Naramdaman kong umupo si Jared sa tabi ko.

"May relasyon pala talaga kayong dalawa. I never thought na may sumunod na agad kay Loren. Akala ko kasi siya pa din ang mahal mo. You never had serious relationships after her"

Who's Tara?

"Tapos na kami ni Tara. It's all in the past. I love Stacy" Naramdaman kong hinaplos nya ang ulo ko.

"Sige, I guess I'll just have to go. Explain everything to me. Later"

Narinig ko na lang na papunta na sila sa may sala at kinalaunan ay umalis na din si Tito Argon.

Make You Mine (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon