CHAPTER NINE.

23 3 1
                                    

CHAPTER NINE.

Ilang araw na din ang nakalipas nung huling tulog ko na yun sa condo ni Jared. Oo, hindi na naulit yun simula nung nangyaring yon. Hindi naman ako galit sa kanya, hindi ko pa lang siguro talaga kayang makasama sya ulit. Ang arte ko, no?

Pero tuloy pa din naman ang acting namin ni Jared kapag nandyan ang parents namin. Syempre, ngayon pa ba kami magpapabuko eh parang convinced na nga sila!

"Sissy, you know, hayaan mo na yang si Jared. Napa-Maria Clara mo kasi! Just go with the flow no!" Sabi pa ni Amber sa akin. Hello, Amber!? Alam ko namang liberated ka, kaya wag mo kong itulad sa'yo. Laki kasi sya sa America.

"Oo nga dapat Maria Ozawa!" Sibat pa ni Railey. Gago din 'to. Akala ko ba bakla? Bakit kilala si Maria Ozawa? Hahaha! Trip or sadyang idol nya lang si M.O? HAHAHA!

"Shataaaap you guyzzzz! Tigilan niyo nga ako. Ayoko na. Medyo iiwas na ako. I pramishh" At umasta pa akong lasing. Pero hindi ako talaga lasing okay? Hahaha! Daig ko pa broken hearted sa lagay na 'to eh. Andito kami sa Blue Heaven. Our almost daily nightout.

Ano nga bang pinagkaabalahan ko this past few days? Wala naman masyado, tumanggap lang ako ng mga modeling offers. Pero hindi masyadong big deals dahil hindi naman sya major project talaga.

I took a shot of tequilla. Tapos kumuha pa ulit ako ng isa pa.

I want you out of my mind, Jared Romualdez. 'Cause I don't want to fall.

"Woahh! Easy!" Sabi nung lalaking nabunggo ko dito sa bar. Medyo naging tipsy ako pagkatapos kong inumin yun 2 shot ng tequilla. I've been drinking for hours na din e. Galing ako ng CR.

"Shorrrryyy" Sabi ko sa lalaki at hindi ko na sya tiningnan pa. I should get back to our vip table. Baka anong gulo mapasukan ko pa.

"Wait, Stacy?" Naramdaman ko yun paghawak nya sa braso ko. And who could this be?

"Hey, it's me, Kyle. Yung classmate nung HS sa Divine Academy" Nakangiti nyang sabi sa akin.

Wait, sinong Kyle?! I tried to remember who the hell was this guy. And suddenly, may naalala nga akong Kyle. He's Warren Kyle Dizon. Pero teka..

"Wait, you're Kyle? Are you sure you're Warren Kyle Dizon?" Tiningnan kong mabuti yung lalaki. And I admit, he's hot. And he's far from being the Kyle I know. I'm tipsy but I can still recognize people.

"It's good that you still remember me, Sam. And yes, it's me. No other than the great nerd" Natatawa pa nyang sabi.

"W-what happened to you? You used to be..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. 'Cause the last time I saw him was he's still wearing his big eyeglasses and he looks like a geek. Total geek. Kapag naka-polo, lahat ng butones nakasara. If you know what I mean.

"I used to be a geek or nerd, or what ever you call that. Hahaha! But things changed, Stacy. I admit, hindi madali itong pagbabago kong ito but it's worth it" Ngiting ngiti pang sabi nya.

"Yeah, things changed" Mahina kong sabi. Bigla ko namang narinig na tinawag ako ni Rai.

"Ay sige, tinatawag na ako eh" Sabi ko sa kanya. I'm tipsy at wala akong ganang makipag-usap sa kanya for now. Kahit na ang laki ng improvement nya.

"Sige, I hope to see you again, Stacy. It's nice to meet you again" Sabi nya at ngumiti ng pamatay. Bumalik na ako sa table namin.

"Hoy, babae! NagCR ka lang pagbalik mo may kausap ka na agad?" Bungad ni Railey pagka-upo ko. Selosa ang bekibushh?! Hahahaha!

"Sino yun, girl? Ang gwapo ha!!!" Sabi pa ni Beauty. Omg. Tinamaan ata si Beauty. Kapag sinabi kasi ni Beauty na gwapo talaga, gwapo talaga. Mataas ang standards nitong babaeng 'to eh.

"Classmate ko lang nung HS sa DA" Walang gana kong sagot. Nakita kong may mga alak pa sa table kaya naman kumuha na naman ako.

After ng ilang shots pa, alam kong lasing na lasing na talaga ako. Nakasubsob na ako sa table namin at tingin ko'y hindi ko na kayang tumayo pa. Alam ko naman iuuwi ako nina Railey eh. And I don't care what would my Mom say. Hindi talaga ako all out uminom but these days are kinda hard for me.

"Ilang gabi na syang ganyan. Ano na ate ghorl?" Rinig kong sabi ni Amber.

"Damnsht. This girl's in love. Legit" Sabi ni Beauty.

"So in love" Dagdag pa ni Railey.

Kinabukasan, nagising na lang ako na nasa kama. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi pero marahil siguro ay iniuwi ako nina Railey. I love my friends!

Kinusotkusot ko ang mata ko at bumangon. Tumingin-tingin ako sa paligid at saka ko lang napansin na hindi ko ito kwarto for God's sake! It's Jared's room and I am wearing his shirt!

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napatili ako ng malakas.

"Woaaah, chill babe!" Narinig ko ng pumasok si Jared sa kwarto. He's topless! Fck!!! God, forgive me for all the curses.

"A-anong ginagawa ko dito?! Sinong nagpalit ng damit ko?" What do you expect me to say? Bigla kong naisip sina Railey at Beauty. I thought they are my friends pero trinaydor nila ako?! What the HELL?!

"You were so drunk last night. Railey and Beauty had to call me to pick you up. You should at least be thankful" Sabi nya at binaba yung dala nyang... breakfast sa tabi ko.

"Bakit ikaw? Bakit hindi na lang nila ako ihatid sa mismong bahay ko?! And who changed my clothes?" Reklamador ako, oo alam ko naman yon. Hahaha! >.< Langya kayo Rai at Beauty, nilaglag nyo ko!

"Is that how you say thank you? Oh that's so sweet, babe. I changed your clothes" Sarcastic nitong sabi. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Sht! "Just kidding! Si Beauty nagpalit ng damit mo pagpunta nila dito"

Pero gumawa talaga sya ng breakfast? Kaparehas ito nung huling niluto ko for him. Fried rice, eggs and bacon.

"Okay, thank you. Pasensya na din... sa abala" Pahina ng pahina kong sabi. Nakita ko naman syang ngumiti. Damn, I missed that smile. Kaya ayoko pumunta dito eh! Tinatraydor ako ng sarili kong puso.

"Breakfast in bed! Made by yours truly. Hihi" Pa-cute pa nyang sabi.

"Ows? Talaga? Ikaw nagluto nito?" Hindi talaga ako makapaniwala. Halos walang laman ang ref nyan tapos laging nagpapadeliver. Sabi din nya di sya marunong magluto. Sabagay, basic lang naman 'to.

Sinubuan nya ako. Nung una ayoko dahil parang ang awkward pero wala akong nagawa. Para naman akong bata nito! Tinikman ko ito and not bad for a first timer.

"Akala ko di ka marunong magluto?" Sabi ko habang kumakain.

"Youtube and I asked Dad.." Sabi ko na nga ba. Hahaha! Napatawa na lang ako sa sagot nya at sa ngiti nya nung sinabi nya yun. Nakakaloko talaga ang ngiti nya.

Halos tawanan lang namin ang maririnig mo sa kwarto nya. Masaya kami. At hindi kami nag-aaway ngayon.

I wish we could just be like this.

I wish we could just be together like this... forever.

Naging okay na ulit kami ni Jared. Pinagalitan ko sina Beauty at Railey sa pagta-traydor nila sa akin. I hate them for doing this to me!

It's already 9am and I am still here with Jared. He's busy on his laptop. Probably work.

*ding dong *

Nagulat ako sa nagdoorbell. May expected visitor ba si Jared?

Ako na ang nagbukas ng pinto at nagulat ako dahil si Tito Argon at si Mom ang andito.

I'm here at Jared's and I am wearing his shirt. Mom's here! Sht! I'M DEAD!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make You Mine (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon