Kinabukasan maaga akong nagising para sa trabaho. Imbis na kumilos agad, nanatili pa kong nakahiga. Naninibago ako sa maroon na ceiling sa nakasanayan kong light blue. Tumingin ko sa kaliwa, yung puting cabinet ay napaltan na ng itim.
Heto na ang bago kong buhay.
Bumangon na ko para mag-ayos at pumasok na sa trabho ko.
"Elisa, sunduin mo naman ako sa condo ko. Mamaya pa kasi dadalhin ni Clyde yung kotse ko eh." Sabi ko sa kabilang linya.
"San ba yan?" Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Elisa kung saan to. Sinabi ko na sakanya ang mga detalye.
"Sige, papunta na ko. Breakfast tayo, maaga pa naman." I need that.
"Sige. Intayin kita. Salamat, Elisa." Pinutol ko na yung linya at naligo na.
Kakatapos ko lang mag-ayos, saktong biglang nagtext na si Elisa na nasa lobby na daw siya. Umalis na din ako agad para makapag-breakfast.
"Pancakes na lang sakin and burger, tapos iced coffee." Ngumiti ako sa kanya. Normally, kapag ngumiti ako ng ganon, maiinis siya sakin, kasi alam niya na nagpapalibre ako. Pero ngayon, simula nung sumakay ako ng sasakyan niya hanggang makapunta kami sa fast food chain na to, hindi siya umiimik. Alam ko kung ano ang nasa isip niya.
"Liz, I'm fine." Sabi ko, nanatili kasi ang mga mata niya sakin habang binabanggit ko kung ano ang gusto ko.
"Oorder lang ako." Umalis na siya sa harap ko. Hindi ako sanay na tahimik siya.
Pinatong ko ang handbag ko sa table at umupo na din. Isang white na polo, long sleeved na tinupi lang, black bandage skirt, and black heels. Chineck ko din ang phone ko.
Baka mamayang gabi na ko makapunta sa condo mo. Sorry. - Clyde
Okay lang. Salamat. - Clarie
Inintay ko na lang si Elisa, wala namang masyadong tao since maaga pa naman. Papunta na siya sa table namin, nilapag ang orders namin.
Tinignan niya lang ako.
"Okay, to be honest, mahirap mag-adjust. Parents ko pa din sila, Liz. Hindi ko kayang magalit sa kanila. I love them. Nakakalungkot kasi sinanay nila akong masaya kami. Sinanay nila akong mag-mahal. Yun pala hindi na nila mahal ang isa't-isa. Wala na kong magagawa dun. I'm just happy for them and I'm trying my best to be positive enough to survive. Andyan kayo para sakin, thank you for that." Mahinahon kong sabi sakanya. Natulala siya ng saglit at biglang ngumiti.
"I know, Larie. Next time, KKB na ha." Tumawa siya nang malakas. Nakitawa din ako sakanya. Alam ko na nag-aalala pa din siya pero dahil sinabi ko nga na gusto kong maging positive, sinabayan niya na ako.
Sabay kaming pumasok sa elevator. Pinindot ko na ang floor namin. Ang dami ko pang tatapusin for my next project. Pareho kami ni Elisa na Business Ad ang tinake na course. Sabay din kami nag-apply for the same company and thankfully, natanggap din naman kami. Kilalang music company ang pinapasukan namin.
Inclined kami ni Elisa sa music, kaya naman napagdesisyunan naming sa isang music company mag-apply. Masaya naman dahil hospitable ang mga tao, hindi strict ang mga boss, maganda ang working environment, mataas ang sweldo at may chance pa na makakilala ng mga artists. May kaya naman kami, may sariling business pero gusto kong maging idependent. Lalo na at may sarili ng mga pamilya ang mga magulang ko. I need to make my own money. Ayokong umasa sa kanila, pinayagan naman nila ako sa gusto ko plus, nag-advise pa si dad sa akin.
Bali ang trabaho ni Elisa dito ay sa recording. Ako naman, personal assistant ng isang artist manager. Kaya medyo pormal ang suot ko sa trabaho pero minsan naman ay pinapayagan ako ni Mrs. Sanchez na hindi mag pormal na suot. Actually may schedule na nga ang suot ko. Lunes hanggang miyerkules ay pormal at huwebes hanggang sabado ay kahit hindi na pormal. Oo, pumapasok minsan ng sabado pero depende naman kay Mrs. Sanchez yun kung kailangan niya ko. Si Elisa naman, kahit anong isuot, pwedeng pwede kasi sa recording lang naman siya.
Isang taon na ko sa kompanya. Nine months utusan ng higher boss, three months utusan ni Mrs. Sanchez. Doon sa three months na iyon, may hawak na artista si Mrs. Sanchez na nagretire na dahil magfofocus na daw siya sa family niya. Actually, last week lang nagretire si Sir Miguel Vicente. Mabait siya at palabiro. Sayang nga lang dahil halos three months ko lang siya nakasama. Ang balita kasi ay buntis na ang kanyang asawa at may business naman ito kaya nagretire na sa pagiging isang music artist. Nilagay ko na ang mga gamit ko cubicle ko.
"Clarie, pinapatawag ka ni Mrs. Sanchez sa office niya." Ani Rosie, katrabaho ko.
"Ah, sige. Salamat, Rosie!" Agad naman akong pumunta sa opisina ni Mrs. Sanchez.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ayan, di na masyadong busy sa school.
Follow me on Twitter: https://twitter.com/lokangfangirl for chapter updates! Thank you!
Meg
BINABASA MO ANG
Para Sa'yo (JKLS#1)
Fanfiction"Ice ice water change your foot If your foot is dirty Please go home and change it" Saktong napatama yung hintuturo ni Clyde sa paa ko. Dalawang paa na lamang ang makikita dito. Ang akin, at yung kay JK. Ayan na, malalaman na namin kung sino ang ta...