eight

3 0 0
                                    

Lumabas na ko sa kwartong iyon. Naririnig ko na ang tawanan at chikahan sa event room.

"Juan Karlos is a really good artist, based on what I heard." Narinig kong sabi nung isang sosyalin na babae sa kausap niya.

"Oo nga daw. Yung Cindy din daw. May future." Linagpasan ko na ang dalawang middle-aged na babae na nagchichikahan. 

Nakikita ko na rin na dumadating ang media. Hindi ko na ulit nakita si JK. Chineck ko yung phone ko para malaman ko kung nasan na si Clyde at Elisa. 

Table 5 friendship. Ang convenient naman, malapit tayo sa buffet table hihi. - Liz

Ang takaw talaga ni Elisa. Agad ko namang hinanap yung buffet table. Nang nahagip ko na yung buffet table ay naglakad na agad ako. Mag aalasais na. Madalim na din sa labas at nagsipatayan na ang ilang ilaw sa loob ng event room. Tanaw na tanaw mo yung stage dahil may sariling ilaw na nakatutok dito. 

Binilisan ko ang paglakad ko. Dahil sa bilis nung lakad ko, may nabangga na pala ako. 

"Hala, sorry." Napatingin ako sa kanya. 

"Don't worry about it." Ngumiti siya sakin at mabilis na umalis. Kagwapo naman. Nagpatuloy akong maglakad papuntang table namin at nakita ko na hindi lang si Clyde at Elisa ang tao doon. 

"Actually excited na din ako sa solo performance ni JK at Cindy. Pero yang si Cindy, nako hindi tatagal yan. May attitude yan eh." Sabi nung babaeng nakapink na dress. Buti na lang pala hindi yung kulay pink yung binili ko. 

"Pansin ko nga. Ang scary nga eh." Sabi naman ni Elisa.

"Uhm, hi guys!" Bati ko sa kanilang lahat.

"Oh, Clarie. Andito ka na pala." Natutuwang sabi ni Elisa.

"Hi, I'm Annabeth. Beth na lang for short." Nilahad niya yung kamay niya. 

"Hello, I'm Clarrie." Tinanggap ko yung kamay niya. 

"By the way, this is my boyfriend, Victor." Tumango sakin si Victor. Tumango rin ako pabalik. Umupo na din ako sa tabi ni Elisa. Bali, magkatabi na kami ni Annabeth ngayon. 

"Good evening ladies and gentlemen! Welcome!" Nagsimula na yung emcee. 

"Omg, start na!" Naririnig ko ang excitement sa boses ni Annabeth. 

"Excited na ba kayo for this year's new artists?" Tanong ng emcee. Madaming nagsigawan. Kahit ako sumigaw. I'm really excited for him. Bata pa lang kami, gusto na niyang maging artist. Not for fame, but for his music to reach people. Reach people that once doubted his capability. Reach people who are broken inside. 

"Parang wala pang energy ah? Excited na ba kayo for this year's new artist?" Mas lalo pang nilakasan ng emcee ang boses niya. 

"Woooooohhh!" Nilakasan din namin ang boses namin. 

Ayaw kasi ng nanay niya na maging artist siya. Gusto ng nanay niya na maging engineer si JK. Mabait naman si Tita Faith. Maalahanin. Inaalala niya lang na baka hindi para kay JK ang pagiging artista. Ang tatay niya naman, music lover kaya todo ang suporta niya sa anak niya. Tito Oliver was his only inspiration. Inspirasyon para magpatuloy sa gusto niya, pero umalis si Tito Oliver sa Pinas. The reason? Yun ang hindi ko pa alam.

Siguro isa na yun sa kung bakit biglang umalis si JK. Para sundan yung tatay niya. 11 years old kami nung umalis siya kasama ni Tita Faith. I really don't know what happened then. Ang alam ko lang ay bigla na lang siyang umalis ng walang paalam samin. Which really broke my heart. 

Bigla kong naalala.

"Magiging engineer ba ako katulad ng sabi ni Mama o magiging musikero ako?" Nakahiga kami sa damuhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa'yo (JKLS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon