"So, you're saying na si JK yung bagong artistang hinahandle ni Miss Tina." Nakaupo si Elisa sa sofa ko at nanonood ng tv.
"Exactly!" Kanina pa ko pabalikbalik sa harap niya.
"Calm down, Clarie. Kung makapagreact ka diyan eh parang ex mo si JK na biglang magpapakita sayo at sasabihing mahal ka niya ulit. At pwede ba? Umupo ka na nga." Sinamaan ko siya ng tingin. Pero may point din naman siya. Ano nga bang pinuputok ng buchi ko? Umupo na ako sa tabi niya.
"Alam mo? May point ka." Bumuntong hininga ako at nanood na din ng tv.
"Uy, bukas na yung homecoming party ng mga bagong artist diba?" Biglang usisa sakin ni Elisa.
"Huh? Ahh, oo." Hindi ko inalis ang tingin ko sa tv.
"Tara! Shopping tayo para sa susuotin natin bukas!" Sinuggest ni Elisa, malaki ang ngiti niya.
"Ako pa talaga ang niyaya mo nan. Marami naman tayong damit eh, wag na." Di ko pa din inaalis ang tingin ko sa tv.
"Ayaw mo non? Maganda ka sa first party mo with him?" Lumingon na ako sa kanya at sinamaan ng tingin.
"Seryoso ka ba diyan?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" Medyo natatawa pa siya. Pero kung iisipin ko ulit, masaya namang magshopping pag kasama ko si Elisa.
"Fine. Pahatid tayo kay Clyde." Kukunin ko na sana yung phone ko.
"Hep hep. No boys allowed." She smiled sweetly.
"Fine. Magbibihis na ko."
"Yay! Nood muna ako habang naghihintay." Dumiretso na ko sa kwarto ko.
"Ay eto, bagay sayo." Nilahad niya yung isang soft pink na dress. Maganda siya. Kinuha ko. May hawak na siyang dalawang dress na isusukat mamaya. Ako etong pink pa lang yung nakikita kong maganda. Medyo above the knee siya at 3/4 ang sleeves. Naghanap pa kami. Dalawa daw ang isusukat namin para more chances of winning, sabi ni Elisa. Hawak niya yung isang black at red na dress na maganda din ang design. Nag ikot pa kami sa store para maghanap.
May napansin akong matangkad na lalaki na naka-bonnet na naglalakad papunta samin. May kasama siya. Yung babaeng sophisticated manamit. Bumalik ako sa paghahanap ng damit. Alam ko na.
Nakita ko sa peripheral vision ko na parang biglang naexcite si Elisa sa tabi ko.
"Nagshoshopping ka na pala Clarie." Isang palabirong boses ang nagsalita na lang bigla out of nowhere.
Liningon ko sila. Bali si Elisa, si JK at yung babaeng kasama niya. Inirapan ko siya. Nagpatuloy ako sa paghahanap.
"Same as always." Narinig kong bmuntong hininga siya.
"Uy JK! Remember me?" Narinig kong tanong ni Elisa.
"Oo naman Lizzie!" Another nickname for Elisa.
"Ang laki ng tinangkad mo ah!"
"JK, di pa ba tayo aalis?" Finally. Narinig kong reklamo ng babaeng kasama niya. Napalingon ako. Nakita kong sumulyap sakin si JK pero tumingin agad siya dun sa babae. Nakita ko naman yung babae na parang inip na inip na siya. Nako, hindi ata kami magkakasundo.
"Cindy." Sabi ni JK na parang may pagbabanta.
"What?" Inirapan ni Cindy si JK. Bumuntong hininga si JK at lumingon ulit samin na nakangiti.
"Guys, si Cindy. Artist din siya. Halos kasabay ko lang. Cindy, si Clarie at Elisa." Pakilala niya samin sa isa't-isa.
Nilahad ni Elisa yung kamay niya kay Cindy. Tinanggap naman ito ni Cindy pero nag mamake face siya. Tinitigan niya ako. Aba bahala siya. That attitude. Kaya hindi ko nilahad ang kamay ko sa kanya. Bumalik ako sa paghahanap ng pangalawang damit na isusukat ko.
Mabait naman ako. Pero pag may nasesense akong may mali o may something, mas pipiliin ko munang wag lumapit.
"O siya, mauna na kami ni Cindy. Hope to talk to you guys soon. Bye." Rinig kong sabi ni JK.
"Ah sige. Ingat kayo. Hoy, Clarie." Tawag niya sakin.
"Bye. Talk to you too, soon. Ingat." Sabi ko nang hindi lumilingon. Narinig ko ulit ang bugtong hininga ni JK. Lumayo na din ako para maghanap pa ng damit. Narinig ko naman ang yapak ni ni Elisa sa likod ko.
"Friend, what's with the attitude?" Medyo natatawa niyang tanong.
"Jelly ka no?" Tumawa na siya. Siniringan ko siya.
"Just joking. Pero parang may ugali yung Cindy no?" Tanong niya.
"Oo, nasense ko din. Kaya ikaw, huwag kang masyadong friendly ha." Paalala ko sakanya.
"Oo. Yie, concerned siya sakin." Humagikhik pa siya.
"Wag ka ngang humagikhik, mukha kang baboy." Tawa ko.
"Hoy!" Siniringan niya din ako. Then one blue dress caught my attention. Pinuntahan ko agad iyon. Katulad ng pink na dress ay above the knee din ito. Normal ang haba ng sleeves at laced ito. Maganda siya. I like it. Kinuha ko na din ito.
"Good choice, Clarie. Mukhang nahahawa ka na sa sense of fashion ko ha." Tumawa siya. Oo na sige, baduy ako nung high school ako.
"Whatever, Elisa. Isukat na natin." Pumunta na kami sa pinakamalapit na fitting room.
In the end, yung blue na dress yung binili ko. Naka-receive ako ng text. Galing kay Miss Tina.
Bukas ha. 4:30 dapat naandon ka na. See you! - M.T
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello guyyss!! Huhu sorry for the late ud. Pero ayan na. Hehe. Enjooy!
meg

BINABASA MO ANG
Para Sa'yo (JKLS#1)
Fanfiction"Ice ice water change your foot If your foot is dirty Please go home and change it" Saktong napatama yung hintuturo ni Clyde sa paa ko. Dalawang paa na lamang ang makikita dito. Ang akin, at yung kay JK. Ayan na, malalaman na namin kung sino ang ta...