"Anong sinabi ng lapis sa nanay niya nung ipapakilala na niya ang kanyang kasintahan?" Seryosong tanong ni Clyde samin.
"Ano?" Samantalang kami ni Elisa, kanina pa tawang tawa sa mga jokes niya.
"Nay, eto nga po pala yung bolpen ko." Nagboses babae pa talaga siya. Napalakas ang tawa namin ni Elisa.
Nakain kami ng pizza ngayon dito sa living room ng condo ko. Nang humuna na ang tawanan ay nagkwentuhan na ulit kami.
"I really missed you and your corny jokes, Clyde." Sabi ni Elisa.
"Aw, I missed you too, porky." Sabay kaming tumawa ni Clyde. Chubby kasi si Elisa nung mga bata pa kami. Inirapan lang kami ni Elisa.
"Thanks a lot, four-eyed-alien." Irap niya ulit. Ako na lang ang tumatawa ngayon ng malakas. I missed these two. Bata pa lang kasi kami, may salamin na si Clyde.
"TUTIN!" Sabay pa nilang sigaw sabay tawa nang pagka-lakas. Ututin kasi ako nung bata pa ako. Ako naman ang umirap ngayon. Ang dami naming mga memories nung mga bata kami. Sumabay na din ako sa tawanan nilang dalawa.
"Si Gwapong Kapre na lang ang kulang." Sabi ni Elisa. Onti-onting nawala ang tawa ko. Kumuha ako ng pizza at kumain na lang ng tahimik. Nagkatinginan si Clyde at Elisa.
"Oh? Anong problema?" Tanong ko sa kanila.
"He really came back here, Clare." Ani Clyde.
"Huh? Paano mo naman nalaman?" Curious kong tanong habang may laman ang bibig ko.
"He messaged me." Maikling sagot ni Clyde sabay inom ng iced tea. Tumango tango lang ako habang nginunguya ang pizza.
"Huh? Anong sabi niya?" Sabi ni Elisa.
"Nag-sorry siya sakin. I accepted it. We're guys, walang masyadong drama. Ewan ko lang sa inyong dalawa." Ewan ko. Nasaktan lang talaga ako. Di niya man lang kami naisipang sabihan.
"Hindi niya man lang tayo sinabihan na aalis pala siya." Malungkot kong sabi.
"We don't know, Larie. Maybe he has his reasons." Sabi ni Elisa. Tama nga naman. Pero ewan ko ba kung bakit nagkakaganito ako. Siguro nalungkot lang talaga ako kasi mas masaya kung kumpleto kami. Masaya pa din naman kahit kaming tatlo lang, syempre halos ten years na din naman na kaming tatlo na lang, pero iba pa rin kapag naandito siya.
He's a cool boy. Mabait, may sense of humor, matalino. Kaya siguro crush ko siya nung elementary kami. Ewan ko lang kung ano na siya ngayon but I hope he's doing great.
"You have a point." Malungkot kong sabi at kinuha na ang last slice ng pizza sa ikatlong at huling box ng pizza na binili namin.
"Anyways, naandito tayo para mag-saya." Agad kong sinabi pagkakagat ko sa pizza. Nakita ko namang ngumiti si Clyde at Elisa.
"Cheers sa masayang reunion." Ani Clyde sabay taas ng baso niya na may iced tea.
"Cheers sa pagbabalik ni JK!" Ani ni Elisa at ginawa din kung ano ang ginawa ni Clyde.
"Cheers sa ating apat!" Sabi ko. At sabay sabay kaming nagcheers.
-
Nagising na lang ako sa sinag ng araw na nakatapat sa mata ko. Ngumiti ako. Another day. Bumangon na ako at nagexercise ng onti at nagtoothbrush. Nagpractice pa ako ng ngiti sa salamin. Ngayon kasi ako ipapakilala ni Miss Tina sa bago niyang client.
Chineck ko ang phone ko. Text galing kay Elisa. Text galing kay Clyde. Text galing kay Tito. Text galing kay Miss Tina. Una kong inopen yung kay Miss Tina.
Clarie. 10:30 pm, ha. See you there. - Miss Tina
Pinatay ko na agad ang phone ko.
"Alas otso pa lang naman, mabebreakfast muna ako." Pero wait. Binuksan ko ulit ang phone ko.
"WHAT THE." 11:48 NA??? Pumasok na agad ako ng banyo para maligo.
Dali dali akong sumakay sa elevator pababa ng lobby.
"Late na ko." Bulong ko sa sarili ko. Ngayon kasi ako ipapakilala ni Miss Tina sa bago niyang hinahandle na artista. Hindi niya na ako pinapasok ng umaga. 10:00 am ang tinext sakin ni Miss Tina. 10:01 na currently at nasa 11th floor pa lang ako. Buti na lang at malapit lang yung restaurant na kakainan namin.
Nalate kasi ako ng gising dahil late din akong nakatulog kagabi. Late na din kasing umuwi si Clyde at Elisa.
Tumunog na ang elevator sabay namang nag-ring ang phone ko.
Miss Tina calling...
"Uh-oh." Bulong ko muna bago sagutin ang tawag.
"Where are you?" Mahinahong tanong ni Miss Tina sa kabilang linya.
"Paalis na po ng condo. Sorry po talaga Miss Tina. Naandyan na po ba yung artist?" Tanong ko.
"Oo, actually kanina pa siya dito. Nauna pa siya kesa sakin." Mahinahon pa din ang boses niya.
"On the way na po ako, sorry po talaga." Dali dali akong sumakay sa kotse ko at lumarga na.
Dali dali kong binuksan ang pintuan ng restaurant na kakainan namin. Nakita ko na si Miss Tina na may kaharap na lalaking kulot ang buhok at may katangkaran. Habang papalapit ay inayos ko ang buhok ko at skirt ko.
"Finally." Tumayo si Miss Tina para salubungin ako. Unti-unting tumalikod ang lalaking kaharap ni Miss Tina kanina.
Tumayo siya. Naglahad ng kamay.
"Long time no see, Tutin."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KABANATA 4 NAAA.
The wait is over, andyan na si Gwapong Kapre ;)
Meg

BINABASA MO ANG
Para Sa'yo (JKLS#1)
Fanfiction"Ice ice water change your foot If your foot is dirty Please go home and change it" Saktong napatama yung hintuturo ni Clyde sa paa ko. Dalawang paa na lamang ang makikita dito. Ang akin, at yung kay JK. Ayan na, malalaman na namin kung sino ang ta...