"Yes, Miss Tina?" Pumasok na ako sa loob ng opisina niya. Minsan tinatawag ko siyang Mrs. Sanchez for formality. Miss Tina na lang daw pag kaming dalawa lang ang mag-kausap. Tina for Cristina.
"Take a seat." Sabi niya nang hindi ako tinitignan.
"Good news or bad news?" Tinignan niya na ako.
"Ah, bad news po muna." Kinakabahan ako.
"Bad news, magiging busy ka sa susunod na mga buwan." Dahil nga wala ng hinahandle na artista si Miss Tina, wala din akong masyadong ginagawa. So isa lang ang ibigsabihin niyan. Hinintay ko pa ang susunod na sasabihin ni Miss Tina.
"Good news, may bago na akong hinahandle." Lumaki ang ngiti niya. Sabi na eh.
"Congratulations, Miss Tina! Pa-burger naman po kayo." Tumawa ako. After three months, may bago na ulit.
"Gaga! Actually, baka. May welcome party tayo for our new clients slash artists sa friday. I'm really hoping na naandun ka. Invite Elisa too." Tumawa siya. Wednesday na ngayon.
"Of course, Miss Tina. Ako pa. By the way po, lalaki po or babae?" Tanong ko. Nakakacurious kasi.
"Lalaki, actually ka-age mo siya. Baka mamaya destiny mo na to, Clarie." Tumawa siya.
"Grabe naman, Miss Tina. Kailan ko pa po kayo naging fairygod mother." Nakitawa din ako. Sa loob ng tatlong buwan, masasabi kong close na kami ni Miss Tina. Komportable ako sa kanya. Masayahin, palabiro, palatawa, mabait, matalino at talented. Medyo may katandaan na din siya.
"Anyways, bukas ko siya ipapakilala sayo. Mag lulunch tayong tatlo, my treat." Ngumiti siya sa akin.
"Sige po. Thank you po. Yun lang po ba?" Baka may iuutos pa siya sakin.
"Coffee." Tumango ako at lumabas na din ng opisina. Pumunta ako sa lounge para magtimpla ng kape. Nadismaya naman ako dahil puro 3-in-1 ang naandon at isang thermos. Kailangan ko pang pumunta sa cateria. Nasira nga pala kasi yung coffee maker kahapon.
Pumunta na agad ako sa cafeteria na nasa first floor pa. Pinindot ko na ang elevator, pagkabukas ay may lumabas na isang matangkad na lalaki na naka-bonnet at nakasuot ng aviators, kasunod nito ang isang babaeng sophisticated ang itsura at naka-aviators din. Karamihan talaga sa mga pumupunta dito ay sophisticated manamit. Pumasok na agad ako sa elevator, sakto, wala ng tao sa loob.
Tumunog na ang elevator, first floor na. Lumabas ako agad at nagtungong cafeteria.
"Isang brewed coffee nga po." Inayos na nung babaeng staff ang order ko at binigay sakin. Pumunta naman ako sa tabi para lagyan ng cream and sugar.
"Perfect." Mula nung nagtrabaho ako para kay Miss Tina, wala siyang ipinaramdam sakin kundi ang malasakit niya sa akin. Tinuring ko siyang second mom at tinuring niya naman akong kaisa-isang anak niyang babae dahil puro lalaki ang mga anak niya.
Umakyat na muli ako para ibigay ang kape kay Miss Tina at bumalik na din kaagad sa trabaho.
"Larie, may chika ako sayo." Sabi ni Elisa. Halatang excited siya sa ikukwento niya.
"Hmmm?" Nag-iintay kami sa elevator. Pauwi na kami, magpapahatid ako.
"Naalala mo pa ba si JK?" Nagbukas ang elevator at nakita ko ulit yung lalaking matangkad at babaeng sophisticated.
"Oo." Medyo pabulong na sabi ko habang papasok sa elevator. Nasa likod namin ang dalawa.
"Nakasagap kasi ako ng balita na umuwi na siya galing US." Tuloy ni Elisa. Hininaan niya din ang boses niya.
"US? Umalis pala siya." Medyo sarkastiko kong sagot.
"Sarcastic ba yan o ano?" Tanong ni Elisa.
"Actually, ang tagal na nga natin siyang hindi nakita." Patuloy ni Elisa. Nanahimik lang ako.
"Oh, bat ang tahimik mo?" Tanong ni Elisa sakin. Napalingon ako sa kanya.
"Baka nga di na tayo kilala nun eh, kasi naman bakit hindi man lang siya nag-paalam satin. Boom. Bigla na lang nawala." Napairap pa ko.
"Oh, bakit ka affected?" Tanong sakin ni Elisa, nang-aasar. Tumunog na ang elevator. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad akong lumabas at naririnig ko naman si Elisa sa likod ko.
"Nako, crush mo pa din no?" Liningon ko siya, nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Di na tayo bata, Elisa. Tsaka gaya nga ng sinabi ko kanina, baka hindi na tayo kilala nun." Ang alam ko na lang ay nasa parking lot na kami.
"Alright, chill." Tumawa siya.
JK is a childhood friend. Kaso bigla na lang siya nawala. Nakakahurt lang ng feelings kasi akala namin ay magkakaibigan kami. Ako, si Elisa, si Clyde at siya. Pero hindi niya man lang kami sinabihan na aalis siya. Nakakalungkot lang. Anyways, ilang taon na ang lumipas, wala pa din kaming balita sa kanya. Pero ngayon, sa balita ni Elisa, mukhang bumalik na nga ulit siya.
Naramdaman kong nagvibrate yung bag ko. May text galing kay Clyde.
Dinner tayo. I know that Elisa is with you right now. Dala ko na din yung kotse mo. Bili tayo ng pizza tapos doon tayo sa condo mo. - Clyde
BINABASA MO ANG
Para Sa'yo (JKLS#1)
Fanfiction"Ice ice water change your foot If your foot is dirty Please go home and change it" Saktong napatama yung hintuturo ni Clyde sa paa ko. Dalawang paa na lamang ang makikita dito. Ang akin, at yung kay JK. Ayan na, malalaman na namin kung sino ang ta...