Bigla akong kinabahan.
Tumayo siya at naglahad ng kamay.
"Long time no see, Tutin." Ngumiti siya.
Tumingin lang ako sakanya at nakatingin siya sa kamay ko, naghihintay. Hindi ko alam kung paano, kung bakit. Mabilis ang pintig ng puso ko. Bigla siyang tumingin sakin. Napatingin naman ako sa mga mata niya.
That same brown eyes I used to adore. Mas lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko.
"GK." Abot ko sa kamay niya habang hindi nilulubayan ang mga mata niya.
"Good to hear that again from you, Larie." Ngumiti siya. Hindi ako makangiti pabalik. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ganito na pala pag kaharap mo na. Parang kahapon lang nung nalaman ko na naandito na siya ay okay lang ako, pero kapag nakaharap mo na pala talaga siya, ang hirap hirap na.
Dahan dahan akong umupo sa upuan ko. Bali katabi ko si Miss Tina at kaharap ko si JK. Napapansin kong tinitignan niya ako, o nag-aassume lang ako?
"So, hindi ko na siguro kailangang ipakilala si JK sayo, Clarie." Sabi ni Miss Tina.Buti naman at binasag niya ang katahimikan. Sobrang awkward.
"Ah, opo." Sagot ko kay Miss Tina.
"Saan nga ba kayo nagkakilala?" Tanong niya uli saamin.
"Childhood friends, po." Ngayon siya naman ang sumagot.
"Ahhhh. Ilang taon kayo nun?" Muling tanong ni Miss Tina at nahahalata ko sa mukha niya na interisado siya.
"Five years old po. Nasa iisang subdivision po si Clarie, si Clyde, pinsan ni Clarie at si Elisa po." Magalang na sagot ni JK kay Miss Tina. Tahimik akong nakikinig.
"So you know Elisa too? Eh bakit 'Long time no see'? What happened?" Heto na.
"Yes, I know Elisa too, Miss Sanchez." SImula ni JK.
"Oh please. Call me Miss Tina." Ngiti niya kay JK. What?
"Miss Tina, and about sa 'long time no-" Payuloy ni JK ngunit bigla ko siyang pinutol.
"When we were eleven he left us without notice and then we never saw his shadow ever again." Sarkasitiko kong kwento kay Miss Tina. Nakakainis naman kasi. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito.
Dumating na ang pagkain namin. Perfect timing, kanina pa ako gutom. Sinerve ng waiter ang inorder ni Miss Tina. Nahagip kong nakatitig sakin si JK gamit ang seryosong mukha. Sa pitong taon naming naging magkaibigan noong mga bata pa kami ay hindi ko pa nakikita ang seryoso niyang mukha. Palagi itong palatawa at kailan man ay hindi seryoso.
"Is that true, JK?" Tanong ni Miss Tina. Sumubo na ko ng pagkain ko.
"Yes." Maikling sagot ni JK at kumain na.
"Oh, okay." Kumain na din agad si Miss Tina. Bakit hindi niya tinanong kung bakit? Ayoko namang magtanong, baka sabihin ay usisera pa ako. Tahimik kaming kumain.
"I need to go to the wash room, excuse me." Nakangiting paalam ni Miss Tina. Tumayo na siya at agad na umalis. Naiwan kami ni JK sa mesa. Patuloy lang akong kumain. Nakikita ko sa peripheral vision ko na sumuslyap siya sa akin.
"Look, Clarie." Panimula niya.
"Hep hep. Wag muna ngayon, please." What is happening to me? Siguro nag p-PMS na ako. Kanina pa siya tapos kumain kaya nakatingin lang siya sakin habang naghihintay. Tinapos ko na ang pagkain ko kaya wala na akong choice kundi tignan na din siya.
"Look, I'm sorry. Alam kong nasaktan ka sa nangyari. I hope you understand. I have my reasons. I left for a reason that I can't tell you yet and came back for a reason." Paliwanag niya ngunit tinignan ko lang siya, nag-iintay ng susunod niyang sasabihin.
"Namiss kita. Namiss ko kayo." Panglilinlang niya sakin para mapatawad ko na siya. Nako, wag ako JK.
"Ang alam ko kasi uso na dati pa ang Facebook." Inayos ko ang postura ko. Tinignan niya lang ako.
"I will explain my side next time. Gusto ko naandito din si Clyde at Elisa para malaman din nila, okay?" Inirapan ko lang siya at saktong dumating naman si Miss Tina.
"Looks like tapos na kayong kumain. I really hoped you enjoyed this lunch. I'm also hoping na magkasundo na kayo. Co-workers tayo dito hanggang sa matapos ang kontrata ni JK sakin, unless gusto niyang i-renew." Biro ni Miss Tina.
"Thanks po ulit sa lunch, Miss Tina." Ngumiti ako kay Miss Tina.
"It's really nice to see you again too, JK." Ngumiti ako sa kanya ng plastik upang maipakita kay Miss Tina na ayos kami. Imbis na makisakay ay tinitigan lang ako ni JK. Nakakafrustrate siya. Nagbuntong-hininga siya. Mukhang nagets niya na ang gusto kong mangyari.
"Thank you again, Miss Tina. I appreciated it and it's really nice to see you again, Clarie." Ngumiti si JK na siyang nagpalakas ng tibok ng puso ko.
Yung seven years old na puso ko, kinikilig. Nakakainis.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nako JK. Please don't be in love with someone else.
Yung puso ko, teka lang.
Meg

BINABASA MO ANG
Para Sa'yo (JKLS#1)
Fanfiction"Ice ice water change your foot If your foot is dirty Please go home and change it" Saktong napatama yung hintuturo ni Clyde sa paa ko. Dalawang paa na lamang ang makikita dito. Ang akin, at yung kay JK. Ayan na, malalaman na namin kung sino ang ta...