Semi-formal ang dress code ng party kaya tamang tama lang yung nabili kong damit. Sinamahan ko na din ito ng unting accessories, simpleng earings at simpleng necklace, at 2 inches na black heels. Okay na yung simple. Sabi nga ng teacher ko dati na mas sophisticated ang simple.
Mapagisip-isip ko na wala namang rason kung bakit ako nagkakaganito. Honestly, I'm very happy na naandito na siya. At isa pa, homecoming niya. I'll just give him the chance to explain himself. Tama. Finally, Clarie nagmamature ka na.
Kinulot ko ng kaunti sa dulo yung buhok ko para hindi naman siya masyadong plain. Naglagay na din ako ng kaunting make-up. Biglang bumukas yung pintuan.
"Clarie, bilisan mo. Nagpasundo ako kay Clyde. Malapit na daw siya." Tumingin ako sa orasan, halos alas quatro na ng hapon. Pinapapunta kasi kami doon ni Miss Tina ng 4:30 para daw sa preparations. Tumayo na ako at hinarap si Elisa.
"Wow, friendship. Ang bongga mo." Nakita ko ang black na dress na sinuot niya. Hindi katulad sakin, nakatuwid ang buhok ni Elisa at black na black ito. Maganda ito dahil makapal ang buhok ni Elisa. Hindi tulad sakin na may pagka-brown ang buhok at medyo makapal lamang.
"You look pretty too, Liz!" This isn't our first party together. Nagtitigan pa kami at nagngitian hanggang sa narinig na naming may nag buzz sa labas.
"Shall we go?" Tanong niya. Kinuha ko na yung purse ko.
"Of course." Ngiti ko sa kanya. Lumarga na kami palabas at binuksan na namin ang pintuan. Naabutan namin si Clyde na naka polo na white na may coat. Ininvite na namin si Clyde, pumayag naman si Miss Tina kahit hindi siya staff ng company. He looks nice.
"How do we look?" Tanong ni Elisa at sabay pa kaming nag-pose. Tumawa lang si Clyde.
"Mukha na kayong tao." Tumawa pa siya nang mas malakas. Siniringan namin siya ni Elisa.
"Pero seriously speaking, you look amazing guys." Ngumiti siya. Yung tipong ngiti na kinalolokohan ng mga babae. Pero immune na kami ni Elisa eh.
"Aw, thanks. You look nice too." Puri ko naman sa kanya.
"Shall we go?" Tanong ni Elisa.
"Tara." Naunang maglakad si Clyde papuntang elevator.
Kakadating lang namin sa resort kung saan gaganapin ang party. Maganda siya. May disenyo na and everything. Naglakad na kami patungo sa events room. Malamig dito at nakahanda na ang mga pagkain, buffet style. May mga tao na din pero halos staff pa lang din ng company ang naandon. Saktong 4:35 kami nakarating.
"Clarie!" Narinig kong tawag sakin ni Miss Tina. Liningon ko siya at nakita kong naka dress din ito na mahaba.
"Miss Tina! You look awesome!" Nakipagbeso-beso ako sakanya.
"Of course Clarie." Tumawa siya pinasadahan niya ako ng tingin.
"You look beautiful, anak." Ngumiti siya sakin. Namiss ko tuloy si mama. Ngumiti ako pabalik.
"Thank you po." Tinignan niya ang dalawang taong nasa tabi ko.
"Hi Miss Tina!" Bati ni Elisa.
"Hello Liz!" Nakipagbeso-beso din ito sa kanya. At napatingin siya kay Clyde.
"You must be Clyde, nice to meet you." Lahad niya ng kamay kay Clyde.
"Ah, opo. Nice to meet you too, po." Tinanggap ito ni Clyde.
"O siya, maiwan ko muna kayo. Parating na ang mga guests. Ah, Clarie?" Tawag niya sakin.
"Uy una na muna ako ha, text mo na lang ako Elisa." Sabi ko kay Elisa at tumango siya. Sumunod ako kay Miss Tina na nauna nang maglakad.
"Miss Tina?" Tawag ko sa kanya.
"Ah, yes. Clarie, pakicheck naman si JK sa kwarto niya. Diretso ka lang doon at may nakalagay naman na JK doon." WHAT? Tinuro ni Miss Tina sakin kung saan dadaan.
"Ah, sige po. Yun lang po ba?" Maglalakad na sana ako paalis nang tinawag niya ulit ako.
"Clarie!" Tawag niya.
"Yes po?"
"Enjoy the party, dear." Nginitian niya ako at lumingon na ulit para salubungin ang mga guests. Bigla tuloy akong kinabahan. Naglakad na ko papunta sa kwarto ni JK.
Kumatok muna ako.
"Bukas yan." Sabi niya. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.
Pagkapasok ko nakita ko na nakaupo siya sa kama at nasa palad niya ang mukha niya na para bang kinakabahan siya.
"Nervous?" Tumayo ako sa harap niya. Unti-unti niya sinilip kung sino ang nasa loob na para bang nakilala niya ang boses ko. Sinimulan niyang tignan ang paa ko pataas. Nakasoot siya ng pants na may pagkamaroon at polo na black na may disenyo. Nakita ko naman na nakasabit pa sa isang upuan ang coat niya na maroon din.
"Kinakabahan ka no?" Tanong ko ulit. Hindi ako ngumiti. I just asked him. Ngayon nakatingin na siya sa mukha ko. More specifically, sa mga mata ko.
"Ano ba yang boses mo. Mas lalo akong kinakabahan eh." Tumayo na siya. Matangkad siya. Walang nagawa yung 2 inches na dagdag ko sa height ko dahil mas matangkad pa din siya.
"Sige. Dahil homecoming mo naman ngayon, bati muna tayo." Sabi ko. Ang childish ba masyado? Ewan.
"Seryoso ka ba diyan?" Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya. Okay nanaman ako na naandito na siya. No more hard feelings pero I need to know kung bakit siya nawala, umalis. Ako si Elisa at si Clyde, we need to know why.
Siguro, aasarin ko na muna siya na kunyari, nagtatampo pa din ako. Napangiti ako sa naisip ko. Tama.
"I don't like that smile of yours, Clarie." Tinanggap niya ang kamay ko. I missed this guy, for real.
Tumawa na ako. I saw him smirk.
"Does that laugh means na okay na tayo? No hard feelings?" Tanong niya.
"Huh? Sabi ko for this day lang diba?" Nakangiti ako. Nag-iba ang expresyo niya. Tumawa ako.
"I'm just messing with you." Patuloy pa din akong tumawa.
"Pero you owe me an explanation. You owe us an explanation." Patuloy ko.
"I promise." Ngumiti siya. Ngumiti ako pabalik.
"Sorry ha." Pangunguna ko.
"Para saan?" Tanong niya. Umupo siya sa upuan kung saan nakasabit yung coat niya. Umupo naman ako sa kama.
"Kasi ang childish ko nung mga nakaraang araw." Sabi ko. Nakita ko siyang ngumiti.
"Okay lang. Naiintindihan ko naman." Inayos niya ang buhok niyang kulot. Bigla namang nagvibrate yung phone ko.
Clarie, labas na kayo ni JK madami nang guest dito sa labas. - M.T
Napatingin ako sa orasan ko sa phone. Halos mag aalas sinko na.
"Uy, madami na daw guest sa labas. Ilabas na daw kita." Tumayo na ako sa kama. Kinuha ko yung coat niya at tumapat sa salamin. Huminga muna siya ng malalim bago tumayo at pumunta sa harap ko.
"You really don't have to do this." Sabi niya habang sinusuot ko yung coat sa kanya.
"Bakit ba?" Pinagpagan ko yung coat niya. Tinaas naman niya yung sleeve ng polo niya hanggang siko. He looks cool. Humarap na siya sakin, ang gwapo, kitang kita ko ang kaba sa mukha niya.
"Sus. Ngayon ka pa ba kakabahan? Andito ka na. Pangarap mo to diba? Eto yung gusto mo diba?" Tanong ko. Ngumiti siya.
"Di ka talaga nagbago." Tumawa siya at ginulo yung buhok ko.
"HOY!" Sigaw ko sa kanya at dali-dali siyang umalis sa kwarto. Inayos ko muna yung buhok ko bago lumabas.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Yan na, bati na sila!! Sana naenjoy niyo yung chapter. :)
Sinong pupunta sa concert ni JK? Huhu. Buti pa kayo. AHAHAHA char.
meg
BINABASA MO ANG
Para Sa'yo (JKLS#1)
Fiksi Penggemar"Ice ice water change your foot If your foot is dirty Please go home and change it" Saktong napatama yung hintuturo ni Clyde sa paa ko. Dalawang paa na lamang ang makikita dito. Ang akin, at yung kay JK. Ayan na, malalaman na namin kung sino ang ta...