one

28 0 0
                                    

"Clarie, malapit na tayo sa lilipatan mong condo." Ani Granny Ermie na maghahatid sakin sa bagong condo na lilipatan ko. Katabi niya ang Tito ko na nagdadrive ng kotse. 

Oo. Akin lang yung condo. Ako lang mag-isa. Paano? Bakit? Separated ang parents ko. They're in good terms naman. Wala namang nag-cheat or something. They just don't love each other anymore. At ngayon, may sarili na silang pamilya. Pero they promised na susuportahan pa din nila ako and they told me that they loved me. 

Ako ang kaisa-isang anak ni Clark Anton Monteverde at Marienette Zavalla. Clarie Antonette. Ang looser ng pangalan ko kasi pinagsama lang ng pangalan ng parents ko. Hindi ako galit sa kanila, mga magulang ko sila. I'm just hurt. 

"Clarie, andito na tayo." Ani Tito Mario, kapatid ni Mama. Hinugot ko na ang earphones ko at tumungo kay tito. Bumaba na ko sa kotse niya. Tumambad naman sakin ang isang matayog at kilalang building. Huminga ako nang malalim at kinuha ko na ang mga gamit ko sa likod ng kotse. 

Agad kaming sumakay ng elevator at hinintay mag 15th floor. 

"Hija, wag kang magtatanim ng galit sa mga magulang mo. Wag mong kalimutan na mahal ka nila. Mahal kita. Ikaw ang kaisa-isa kong apong babae." Alam ko po, Granny. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti. 

"Hindi po ako galit sa kanila, Granny. Mahal ko po sila. Mahal ko po kayo at salamat po dahil nandito kayo ngayon." Sabi ko. Nginitian lang ako ni Granny. 

"Clarie, kapag may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako ha. O kaya itext mo si Clyde." Paalala sakin ni Tito Mario. Kambal sila ni Mama. At pinsan ko naman si Clyde na anak ni tito na kasing edad ko din. 

"Sige po, tito. Salamat po sa pag-hahatid." Bigla namang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. 

Binuksan ko ang pintuan ng condo ko. Tamang-tama lang ito para sakin. May katamtamang kusina, may dalawang kwarto na may tig-iisang banyo at isa pang banyo sa living room. May flatscreen na TV, may malaking salas, may mga paintings. Ayos na lahat. Pumasok naman agad ako. 

Binuksan ko ang refrigerator, may laman na din ito. Kahit ang mga kabinet ay may laman na din. Binuksan ko ang lababo. Ginala ko ulit ang mga mata ko sa buong kusina. Kumpletong kumpleto na. 

Sunod ko namang pinunterya ay ang living room. Umupo ako sa sofa at binuksan ko ang TV. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na pinapasok ni tito ang mga gamit ko. Agad akong tumayo para tulungan si tito. Masyado akong naengganyo sa paglilibot sa condo ko.

"Okay lang, Clare. Sige, maglibot ka pa." Clare ang palayaw ko. 

"Hindi, tito. Nakakahiya na po. Kayo na nga po ang naghatid sakin eh." Kinuha ko kaagad ang bagahe sa kamay ni tito. 

"Okay lang, basta ikaw na ang mag-ayos nan sa kwarto mo ha." Palabirong tumawa si tito. 

"Syempre naman, tito. Bente uno na po ako." Nakitawa din ako sakanya. Hinayaan ko na siyang dalhin ang mga gamit ko sa kwarto ko. Sumunod din naman ako sa kanya para makita ang kwarto ko. 

Kulay maroon ang motif ng kwarto ko. Maganda ito. Hindi masakit sa mata at napakaeleganteng tignan. 

"Ah, Clare. Una na kami ni Mama ha, itext mo na lang ako pag may kailangan ka pa." 

"Okay po, tito. Hatid ko na po kayo ni Granny sa baba." 

"Hindi na, you rest. Ako na ang bahala." Ani tito. 

Lumabas na kami ng kwarto. Nakita ko namang may namumuong luha sa mga mata ni Grannie.

"Granny? Bakit po kayo umiiyak?" Alala kong tanong. Agad ko naman siyang tinabihan sa sofa.

"Wala lang hija. Proud lang ako sayo dahil napalaki ka ng mga magulang mo nang maayos at hindi marunong magtanim ng galit. Mag-iingat ka ha. Andito lang lagi si Granny." Pinunasan niya ang luha niya at niyakap ako. Nginitian ko siya.

"Yes naman, Granny! Strong ata to!" Hinampas ko pa ang dibdib ko kung nasan ang puso ko. 

Tumayo na si Granny at tumayo na din ako. Hinatid ko na sila sa pintuan. Kitang kita ko ang alala sa mga mukha nila. 

"Thank you ulit, tito at Granny. Bisita po kayo ha! Alam niyo naman po na mababaliw ako dito pag wala akong kausap." Biro ko para di na sila mag-alala.

"Wag kang mag-alala. Papapuntahin ko minsan si Clyde para may kasama ka. Tsaka katrabaho mo naman si Elisa, diba? Pwede mo siyang iinvite dito sa condo mo. May spare room ka naman." Tawa ni tito. Bestfriend ko si Elisa. 

"Pakamusta na lang po ako kay Mama. Ingat po kayo ni Granny, tito." Niyakap ko sila. Umalis na din sila agad. 

Sinara ko na ang pintuan. Di ko na napigilan. Napasalampak na lang ako sa sahig. The next thing I know is, my eyes are watering. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

First chappie done!! Shout out kay Jan Marie Labajo Bolante for helping me sa plot. I really appreciated it. Sana ay subaybayan niyo ang JKL Series ko! :)

Next update: December 10 or 11 (hindi pa po sure yan hihi)

Medyo busy ngayon sa school pero dahil inspired, kakayanin. 

Sorry kung minsan hindi makakapagupdate. Ibig sabihin non ay sobrang busy na. Your consideration is highly appreciated! 

Meg 

Para Sa'yo (JKLS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon