[8] Ally And The Grumpy Guy

3.9K 175 4
                                    

CHAPTER EIGHT

NIYAYA sila ni Gael ng mag-asawa na mamasyal sa palayan pero nagdahilan si Ally na magpapahinga na lang muna. Hindi nila alam kung hanggang kailan sila sa poder nina Tito Gener at kung saan sila susunod na pupunta. Pinili niyang manatili sa bahay para tingnan ang mga lumang gamit ni Gino. Magbabaka-sakali siyang makakahanap doon ng bagay na magbibigay sa kanya ng ideya kung saan pwedeng pumunta si Gino bukod sa mga kaibigan nito.

Pumasok siya sa kwartong malapit sa hagdan. Wala raw gumagamit doon kaya ginawa na lang na bodega. Doon daw nakatago ang mga lumang gamit ng pamilya. Halos lahat ng nakikita niya ay mga gamit sa eskwela at paglalaro ng magkapatid. Gino must have had a wonderful childhood.

Pinahid niya ang isang inaalikabok na tupperware at agad ding napabahing. Nakangiwing itinaas niya ang neckline ng kanyang T-shirt para matakpan ang kanyang ilong.

Napangiti siya nang makitang mga lumang song hits pala iyon ni Gino. Meron doong pick ng gitara at capo. Iniisa-isang tingnan niya ang mga iyon at nalilibang siya.

"Hey."

Napalingon siya nang marinig ang boses ni Gael.

"Hindi mo sinabing dito ka pala pupunta. Hinanap kita sa taas."

"Ito naman, ang bilis akong na-miss," pigil ang ngising sambit niya.

"What?"

"Magtakip ka ng ilong, maalikabok."

"Ano ba'ng ginagawa mo rito?" sa halip ay tanong ni Gael at lumapit sa tabi niya.

"Tinitingnan ko lang ang mga lumang gamit ni Gino noong hindi pa kami magkaibigan," sagot niya at inalis na rin niya ang takip sa kanyang ilong. "Nagbabaka-sakali rin ako na baka makahanap ako ng hint na magtuturo kung saan siya posibleng magpunta."

"Gino is really special to you."

"Of course, best friend ko 'yon, eh," nakangiting sagot niya.

"You're in love with him."

Ikinatigil iyon ni Ally. Nakakahalata na pala si Gael. 'Sabagay, hindi naman mahirap ma-realize ang bagay na iyon. Wala na siyang rason para magkaila pa. Siguro nga ay manhid lang talaga si Gino kaya hindi nito napapansin ang feelings niya.

"Pareho kami ng nakikita ni Ghia sa kanya. Eh kaso, wala, eh. Mas matimbang 'yong kapatid mo kaya siya ang minahal ni Gino. Tanggap ko naman 'yon." Ibinalik niya ang takip ng malaking tupperware at tinalikuran si Gael. Iginala niya ang paningin sa silid at baka may iba pa siyang makitang mahalagang gamit ni Gino.

"Kung gano'n, bakit ayaw mong hadlangan ko silang dalawa? Karibal mo si Ghia kay Gino, 'di ba?"

"This is the real world, Gael. Mahal ko si Gino pero kailangan ko ba talagang pilitin siyang mahalin ako? I can only wish him his happiness. Besides, mahal din naman niya ako. Bilang matalik na kaibigan nga lang pero malaking bagay na iyon. Ibig sabihin, habang-buhay kaming magiging bahagi ng buhay ng isa't isa."

"You don't deserve an unrequited love."

Napangising binalingan niya si Gael.

"Tingin mo? Thank you."

"Bakit hindi mo ibinaling ang pagmamahal mo sa iba?"

"Dahil ayoko. Dahil umasa ako na darating din ang isang araw na magbabago rin ang tingin sa akin ni Gino. Na mapapansin din niya 'ko bilang babaeng girlfriend-material at hindi basta pang-bestfriend lang. At tanggap ko nang hinding-hindi na darating ang araw na 'yon. Well, almost." Sinundan pa niya iyon ng isang buntong-hininga.

Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon