[1] Ally The Grumpy Guy

7.2K 211 10
                                    

CHAPTER ONE

MAHIRAP ma-in love sa taong may mahal nang iba. Pero mas mahirap ma-in love sa bestfriend mo na may mahal nang iba.

"Ay, ang gulo naman," napalatak na sambit ni Ally at mabilis iyong binura sa MS word.

Hindi naman kasi iyon ang dapat na isulat niya kundi ang magandang feedback ng mga taong nagpunta sa gig ng banda ng bestfriend niyang si Gino—ang Tough Love.

Trabaho niya iyon bilang publicist nito. Nagsimula bilang indie band ang Tough Love at ngayon ay nagsisimula na rin itong mag-penetrate sa mainstream matapos ang collaboration ng Tough Love sa mga kilalang banda sa bansa.

Siya ang number one fan ng banda. At hindi pa man nabubuo ang Tough Love ay fan na siya ni Gino. Bilib na bilib na siya sa talento nito. Magaling na ngang kumanta, halos lahat ng musical instruments ay kaya pa nitong tugtugin. At hindi lang iyon, ubod din ito ng gwapo. Gino is an IT expert by profession pero mas matimbang dito ang passion nito sa musika.

Dear Gino, pagkatapos nito, pangako, hindi na talaga kita mamahalin.

Binura rin niya iyon.

"Kalokohan."

High school pa lang sila ay may nararamdaman na siya rito. Kapitbahay niya ito at schoolmate. Dalawang taon ang tanda sa kanya ni Gino. Bawat hapon, pinapanood niya itong tumugtog ng gitara sa labas ng bahay ng mga ito at siya naman ay pasimpleng nakikinig. Hindi sinasadyang mahuli siya nito. Nilapitan siya ni Gino at tinanong kung interesado ba siyang matuto.

Doon na nagsimula iyon. Pero twelve years na silang magkaibigan, wala namang nangyari. Siya lang naman ang hopelessly in love dito. Papaano, nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya.

Bale twelve years na rin niyang sinasabi sa sarili na titigilan na niya itong mahalin. Ang saya lang, 'di ba?

Ang unfair nga naman kasi ng buhay. Iyong mga nababasa niyang story sa mga libro at online tungkol sa mag-bestfriend na nagka-in love-an, happy ending naman. Bakit hindi na lang din maging sila ni Gino? Para wala na siyang hingin pa sa buhay niya. Hindi nga siya nang-entertain ng mga manliligaw dahil umaasa siyang magbabago rin ang tingin sa kanya ni Gino. Pero mukhang nakatakda yata siyang maging nganga habang-buhay.

Marami ang nagsasabi na maganda siya. Gino finds her beautiful, too. Pero alam niyang walang halong malisya iyon! Matagal na niyang pangarap na tingnan siya nito na may halong paghanga at sige na nga, ng kahit kaunting pagnanasa. Kaso ayon nga, malabo pa sa pagputi ng uwak ang posibilidad na mangyari iyon.

"Nakatadhana yata akong maging nganga habang-buhay," hopeless niyang sabi.

"Miss Ally, may dumating pong delivery para sa inyo," ang assistant niyang si Ninny.

Siya ang nagma-manage ng printing press na pagmamay-ari ng pamilya nila. Dating nagsusulat para sa dyaryo ang tatay niya at nang magretiro ito ay iyon ang itinayo nitong negosyo. Ang nanay naman niya ay isang radio host ng isang sikat na drama anthology. Hindi na nakakapagtakang namana niya ang hilig ng mga ito sa media.

"Ano na naman ba 'yan?" nakangiting tanong niya.

"E di 'yong paborito n'yo na naman po. Galing kay Sir Gino," nakangising sagot naman ni Ninny. Mukhang nauna na nitong tiningnan ang nakasulat sa card.

Kay Gino nga iyon galing dahil nakita niya ang handwriting nito sa maliit na card. Tinotoo nga nito ang pangakong susuhulan siya para sa paggawa niya ng article para rito.

Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon