CHAPTER FOUR
LUMINGON pa sa kaliwa at kanan niya si Ally pero pinigilan siya ni Gael sa balikat at hinuli ang mga mata niya. Lumukso na naman ang puso niya.
"Wala na 'kong ibang nakikita sa harap ko kundi ikaw lang," sabi pa nito.
Nakakakiliti ang simpleng paghawak na iyon ni Gael sa balikat niya. Parang gustong isubsob ni Ally ang sarili sa malapad na dibdib nito para maranasan niya ang makulong sa mga bisig ng lalaki. Paano nga lang siya maniniwala rito? He was too serious. Gaano ba kalaki ang mawawala rito kung ngingiti ito? Like, duh!
"Hindi ka naman mukhang sincere."
"Hindi ko kailangang maging sincere sa mga taong hindi ko naman kaibigan."
"At hindi ko hinahayaang hawakan ako ng hindi ko naman mga kaibigan," Ally said dryly. Pumiksi siya at inalis naman ni Gael ang mga kamay nito sa balikat niya. Sayang. Umasa pa naman siya nang slight na babait din ito sa kanya. "Pwede ka na bang tumabi?"
Tumabi si Gael pero hindi naman siya nito iniwan.
"Ganda talaga, o..."
Akmang hahawakan niya ang litrato nang palisin ni Gael ang kamay niya.
"Ano ba?" hindi napigilang angil niya at nasapo ang isang kamay nang maramdaman ang pagdaloy ng tila maliliit na boltahe ng kuryente doon.
"Plano kong bilhin kay Arnold 'yan. Pwede kang tumingin pero bawal hawakan."
Napamaang si Ally.
"Ano'ng bibilhin? Magkaibigan kami ni Arnold at pumayag siyang ibigay sa 'kin 'to. Mamili ka na nga lang ng iba, huwag lang 'to."
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Gael.
"Ganyan kagandang photograph, hihingin mo lang?"
Natigilan tuloy siya. Arnold's photographs are precious. Pero dahil magkaibigan naman sila, okay lang dito na hingin niya iyon. Nakakainis na lalaking ito, grabe rin mangonsensiya. Natakot na tuloy siyang hawakan iyon.
"Panalo ka na." With one last sad look, tinalikuran niya ang pinakamamahal niyang The Ruins.
NAWALAN na ng gana si Ally na makipaghalubilo sa mga bisita ni Arnold. Sinira ni Gael ang gabi niya. Sasabihin nito sa una na maganda siya tapos susupalpalin din pala. Malaki talaga ang problema ng lalaking iyon.
Lumabas na lang siya ng studio at tumambay sa labas. Sumandal siya sa railings at tiningnan ang kanyang cellphone. Wala siyang natanggap ni isa mang text galing kay Gino. Ano kaya ang ginagawa nito? Kahit naman gaano ito ka-busy sa bar at banda, nakukuha pa rin naman nitong magparamdam sa kanya.
Tumingin na lang siya kalangitan. Wala rin siyang napala dahil wala rin siyang makitang mga bituin.
"I'm sorry."
Nagulat siya nang marinig ang boses ni Gael sa kanyang likuran. Hindi napigilang kumunot ng noo niya. Sinadya ba nitong sundan siya?
"Ano?"
"That was rude of me."
Nagkibit-balikat naman si Ally. "Totoo naman, eh. Inaamin ko naman na abusada akong klase ng kaibigan."
"Hindi kasi ako sanay na nakukuha ang mga bagay na gusto ko nang libre. I believed everything comes with a price."
Napatitig siya sa gwapong mukha ni Gael. Ilang sandali pa ay napailing siya at pumalatak pa.
"Kayong mayayaman talaga. Anyway, tinatanggap ko pa rin ang apology mo. Pwede ka nang bumalik sa loob."
"Gusto kong pag-usapan natin sina Ghia at Gino," sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love)
ContoMy Affair With The Grumpy Guy (Some Type Of Love) By Sharmaine Light/ LittleRedYasha All Rights Reserved © 2016 Synopsis: Ally was hopelessly in love with her bestfriend, Gino. Ang cliché, 'no? Ganoon nga yata talaga ang buha...