CHAPTER SIX
"BAKIT parang gulat na gulat ka na makita ako?" untag ni Gael. Bahagyang nakakunot ang noo nito.
"B-bakit?" tanong din niya nang makabawi. "Ini-expect mo bang sasalubungin kita nang open arms at sasabihin kong kanina pa kita hinihintay?" Napabuga siya ng hangin. "My goodness! Pa'no mo nalaman kung nasaan 'tong opisina ko? Alam mo bang malapit na 'kong matakot sa'yo?"
"Hindi ito ang tamang panahon para pagtalunan natin 'yan, Miss Punzalan. Nawawala ang kapatid ko na tinangay ng best friend mo. Sa kanila tayo mas dapat na maging concern."
"Hindi nga tinangay ni Gino si Ghia. Kusang-loob na sumama si Ghia dahil ayaw ng kapatid mo na magkahiwalay sila," depensa naman ni Ally.
"Pinuntahan ko na ang lahat ng pwedeng puntahan ni Ghia pero wala talagang makakapagsabi sa 'kin kung saan siya pwedeng magpunta."
"Gano'n din ang ginawa ko. Hindi ko rin nahanap si Gino," sabi niya at sinadyang iiwas ang tingin. "P-please sit down."
"Thank you," pormal ang tinig na tugon naman ni Gael.
Inokupa nito ang isa sa mga visitors chair sa harap ng mesa niya. He sat with authority. Pakiramdam niya ay ito ang boss at siya itong nakaupo sa visitor's chair.
"Wala ba kayong mga kamag-anak sa probinsiya?" tanong pa niya.
"Nasa Italy ang lahat ng mga kamag-anak namin. Imposibleng lumabas sila ng bansa. Madali 'yong malalaman ng mga magulang ko. 'Yong kaibigan mo ba, merong kamag-anak sa probinsiya?"
Hindi agad nakatugon si Ally. Nasa probinsiya ang mga magulang nina Gino. Pero tama lang bang sabihin niya iyon kay Gael? Hindi pa siya lubusang nagtitiwala rito. Hinding-hindi siya magpapalinlang sa kagwapuhan nito. Mahuhumaling siguro, oo.
"I know you find it hard to trust me," sabi pa ni Gael.
Mind reader?
"Ang gusto ko lang ay ang mahanap si Ghia at siguraduhing okay siya. Wala akong gagawin na ikakasakit ng damdamin niya. Hindi ko magagawa 'yon sa kanya."
Natutukso na ring maniwala si Ally kay Gael sa totoo lang. Mukha naman kasi itong sincere. At hindi niya kaya ang sitwasyong iyon kung siya lang. Kung meron mang makakatulong sa kanya sa mga pagkakataong iyon ay si Gael na nga iyon. Ano ba ang dapat niyang gawin?
"Pwedeng-pwede kang tumawag ng pulis sakaling hindi ako tumupad sa usapan," sabi pa nito.
"As if naman hindi kayang bayaran ng pamilya n'yo ang pulis," hindi napigilang sumimangot na aniya.
"I'm not like my parents."
"Hindi raw," she snorted.
"You don't know me."
"Hindi rin naman ako interesadong makilala ka."
Hala, sinungaling! kontra agad ng utak niya.
"But you have to trust me."
"Diyan talaga tayo magkakaroon ng problema."
"Eh, di tayong dalawa ang maghanap sa kanila. Magtulungan tayong dalawa. In that way, mababantayan mo ang mga kilos ko at mapatunayan ko rin sa 'yo na mapagkakatiwalaan ako."
Pwede na rin ang gusto nitong mangyari. Napahimas sa baba niya si Ally at napaisip nang mabuti. Siyempre, hindi siya papayag na maisahan siya ni Gael. Mas mabuti na iyong mabantayan nila ang galaw ng isa't isa.
"Okay, makikipagtutulungan ako sa'yo." Nakita niya ang pagliwanag ng gwapong mukha ni Gael. "Pero," maagap niyang dugtong at nabitin ang ekspresyon nito. "'Yon ay kapag nakumpirma ko kung alam ng mga magulang nina Gino kung umuwi nga ba siya sa probinsiya nila. Hindi naman siguro tanga ang kaibigan ko para magpahanap sa inyo nang gano'n na lang kadali. Siguradong magtatagong mabuti ang mga 'yon. Kung hindi ba naman kayo isa't kalahating kontrabida."
![](https://img.wattpad.com/cover/86931699-288-k383009.jpg)
BINABASA MO ANG
Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love)
Historia CortaMy Affair With The Grumpy Guy (Some Type Of Love) By Sharmaine Light/ LittleRedYasha All Rights Reserved © 2016 Synopsis: Ally was hopelessly in love with her bestfriend, Gino. Ang cliché, 'no? Ganoon nga yata talaga ang buha...