[11] Ally And The Grumpy Guy

4K 178 13
                                    

CHAPTER ELEVEN

"PABABA NA si Ate Ally! Ang ganda-ganda niya!"

Napangiti na lang si Ally nang marinig ang boses ni Aling Marcie sa baba ng bahay. Kinuha na niya ang sapatos sa kinalalagyan niyon at sa sala na lang niya iyon susuotin. Mahirap bumaba sa hagdan nang naka-heels.

Ngayong araw na ang big day at excited siya para kina Gino at Ghia. Pero siyempre, mas excited siyang makita ang magiging ayos ni Gael. Inayos niya ang kanyang puting dress na abot lang hanggang itaas ng kanyang tuhod.

Lumabas na siya ng kwarto at nakita niya ang pamilya nina Aling Marcie na naghihintay sa pagbaba niya. Nakasuot din ng puti ang mag-asawa at ang tatlong anak ng dalawa. Hindi nga lang niya alam kung nasaan si Gael. Napapalakpak agad ang mga ito pagkakita sa kanya.

"Ang ganda niya!" manghang anas ng mga bata.

"Salamat, salamat, pero hindi po ako ang ikakasal. A-attend lang din ako," pabirong sabi niya na ikinatawa ng mga ito.

Simple lang ang make-up niya para magmukha pa ring natural ang ganda niya. Hinayaan lang din niyang nakalugay ang kanyang buhok. Sigurado siyang tapos na ring maghanda sin Tito Gener. Kagabi lang kasi dumating ang mga ito kasama si Justin at ang mga kabanda nito.

"Ang ganda mo talaga, Ally. Sana susunod, ikaw naman ang ikasal," napahagikghik na ani Aling Marcie.

"Boyfriend nga po, wala ako, eh. He-he. Nasa'n nga po pala si Gael? Tapos na po ba siyang magbihis?" Maingat siyang umupo sa hagdan para isuot ang sapatos niya.

"Nandito."

Mabilis na nag-angat ng tingin si Ally nang marinig ang boses ni Gael. Nanggaling ito sa kusina at abala sa pagbubutones ng dulo ng manggas ng puting long-sleeved polo nito. His built was well-defined. He looked so elegant, so dashing, so irresistible, so... Gael. Nakalimutan na niya ang dapat na sasabihin.

Syet, gwapo, o!

"Hi, Ally." Ngayon naman ay nakauklo na si Gael sa harap niya hawak ang isa niyang sapatos. "You look lovely."

"I-ikaw rin." Nakagat niya ang ibabang labi. Sa totoo lang ay natutukso na siyang haplusin ang pisngi nito para malaman kung totoo nga ba ito.

Narinig niyang nagpaalam na sina Aling Marcie na mauuna na sa simbahan pero wala ni isa man sa kanila ni Gael ang tumugon. Nakatitig lang sila sa isa't isa.

"Your shoes."

"A-ah."

Doon lang siya natauhan. Isinuot sa kanya ni Gael ang natitira niyang sapatos. Hindi niya alam kung ano ang tamang ikikilos. Parang gusto na lang niyang bumalik sa kwarto niya at magtititili.

"S-salamat."

Nginitian naman siya ni Gael saka iniabot ang kamay nito para alalayan siyang tumayo. Tinanggap naman niya iyon at nag-iwas ng tingin para tumili nang walang tunog.

"Wait," ani Gael na ikinatigil naman niya. "Mag-picture muna tayo."

Saglit lang siyang nagulat dahil napalitan din iyon ng bungisngis. Ito na ngayon ang nagyayaya ng picture.

SA PINAKAUNAHAN sila naupo ni Gael. Katabi nila ang mga magulang ni Gino habang sa likuran naman nila nakaupo sina Justin at ang mga kabanda nito. Simple lang ang seremonya pero sapat na ang nakikita niyang pagmamahal sa mga mukha nina Gino at Ghia para masabing espesyal ang araw na iyon. Maluha-luha pa ang dalawa habang nagpapalitan ng wedding vows.

Saglit na nawala ang atensiyon ni Ally sa dalawa nang maramdaman niyang mas humigpit ang pagkakahawak ni Gael sa kamay niya. Simula nang dumating sila sa simbahan ay hindi na nito binitiwan ang kanyang kamay. Nang tumingin siya sa mukha ni Gael ay nakita niya ang maluha-luhang mga mata nito.

Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon