CHAPTER SEVEN
MABIGAT ang tiyan ni Ally nang lumabas sila ni Gael ng restaurant na iyon. Naparami kasi ang kain nila at natutuwa talaga siya. Kahit hindi sabihin ni Gael ay kitang-kita naman niya ang maganang pagkain nito kahit nag-alangan ito sa umpisa. Hindi nga lang nito sinubukang magkamay kagaya niya.
Papunta na sila ngayon sa tawiran para bumalik sa coffee shop dahil doon nila iniwan ang kanya-kanyang mga sasakyan.
"Hindi pa 'ko nabubusog nang ganito buong buhay ko. Ang sarap."
Napangiti siya sa sinabing iyon ni Gael. Siniko pa niya ito.
"Ililibre mo na 'ko sa susunod niyan, ha?" biro pa niya.
"Sure. Kaya kailangan nating masolusyunan 'tong problema na 'to sa lalong madaling panahon."
Tumingin sa kaliwa at kanan ng kalsada si Ally para tingnan kung safe nang tumawid. Nagulat siya nang bigla na lang hawakan ni Gael ang kamay niya. Pigil ang paghingang napatingala siya sa mukha nito. Deretso ang tingin ni Gael at nang tumawid ang mga kasabayan nila ay ganoon din ang ginawa nito. Napasunod tuloy siya.
Hindi alam ni Ally kung paano siya magre-react. Wala nang ibang laman ang isip niya kundi ang kamay niyang mahigpit na hinahawakan ni Gael, na para bang takot itong bumitiw siya.
Hinga, Ally, hinga.
At ganoon nga ang ginawa niya. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya kahit hindi naman iyon tuluyang humupa.
Peste talaga.
Ayaw man niyang aminin pero kinikilig siya. Akala niya ay bibitiwan na ni Gael ang kamay niya kapag nakatawid na sila pero hindi. Kahit naglalakad na sila sa sidewalk ay mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Matutunaw na yata siya.
"'O-oy," pabuntong-hiningang untag niya.
"What?" Saglit lang ang tinging ibinigay ni Gael sa kanya.
"Ikaw, ha," she said with a nervous laugh.
"Huh?"
"Kanina pa tayo nakatawid pero hindi mo pa rin binibitiwan ang kamay ko. Ano 'to?"
Napatingin si Gael sa mga kamay nila. Nagulat din ito. Hindi nito tuluyang pinakawalan ang kamay niya pero niluwangan lang nito ang pagkakahawak. Siya na ang nagbawi ng kamay niya at agad pinaghugpong ang kanyang mga palad.
"Sorry about that," hinging-paumanhin naman nito.
"Small things," pabirong sabi naman niya.
"Ha?"
"Maliit na bagay."
He chuckled. Nanlaki ang mga mata ni Ally. Tumawa si Gael! Akala niya ay kailangan pa niyang maghintay ng blue moon para mangyari iyon. Pero sinarili na lang niya ang kilig. Baka matakot si Gael sa kanya at takbuhan siya, mahirap na.
"HINDI BA pwedeng hintayin mo na lang na tawagan ka ni Gino bago kayo pumunta sa mga magulang niya?" tanong ni Nanay Andeng. Tinulungan siya nitong mag-ayos ng mga gamit niya pagkatapos niyang ipaliwanag sa mga ito ang balak nila ni Gael.
"Hindi na yata ako makakapaghintay, 'Nay. Masyadong mainit sa mga magulang ni Ghia si Gino. Paano kung maunahan kami nila na mahanap 'yong dalawa? Eh, di lalo pong lagot ang kaibigan kong 'yon. Hindi pa naman basta-basta ang pamilya nina Ghia."
"Hindi lang pala si Gino ang delikado kundi pati ikaw. Mag-iingat ka do'n, anak, ha? Kakausapin ko sina Gener at Hasmine na tulungan kayo ro'n. Kung ikaw na lang kasi sana ang niligawan ni Gino, eh, di happily ever-after na sana agad, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love)
Short StoryMy Affair With The Grumpy Guy (Some Type Of Love) By Sharmaine Light/ LittleRedYasha All Rights Reserved © 2016 Synopsis: Ally was hopelessly in love with her bestfriend, Gino. Ang cliché, 'no? Ganoon nga yata talaga ang buha...