Chapter three

68 12 0
                                    

Gian Sera Salvador

"Kyaaah oh my ghadd sis! Ngayon daw lilipat dito sa school ang kambal ni Mikko my loves"

Simula kanina yan lang ang narinig kong chismis mapababae o lalake man. Excited ang lahat kasi atlas, makikita na nila ang kambal ni kapre. Nalaman ko kasi sa chismisan ng mga kaklase ko na noong bata pa lang sila ay sadyang nakatago na sa dilim si Nikko dahil ayon daw sa patakaran ng mga Yu, bawal ang kambal. Kaya ng imbes na ipaampon o abandonahin ang isa, napagplanuhan daw ng mga Yu na isa lang ang dapat makilala ng publiko at ang isa ay mapapanatiling nakatago sa mga tao. Pero ngayong pumanaw na at pumalit nang tagapamahala at bagong pinuno ng pamilyang Yu ang Ama nila Nikko ay binago na nito ang batas na nagsasaad na maari na ang kambal sa pamilyang Yu. Nang marinig ko yan kanina dito sa room, Di ko alam pero parang ang bigat sa kalooban ng nangyari kay Nikko, despite na ganon pa ang trato sa kanya ng kambal niya, instead na nagtutulungan sila sa lahat ng bagay.

"KYAAAAAAAAAAAAAHHHH"

Biglang paliritan ng mga tao sa labas ng room namin, ghadd, yung puso ko ang bilis ng tibok si Nikko na ata yun! Pero imbes na makijoin ako sa mga tao sa labas andito lang ako sa room nakikoramdam, alam niyo na baka malait lang ako kung makikihalubilo ako sa magaganda at guwapong estudyante dito.

Habang nakaupo sa upuan ko, nakaramdam naman ako na may umupo sa tabi ko. Busy kasi ako sa pagsusulat ng Assignment sa Science nakalimutan ko kagabi dahil jan kay Kapre. Di na ko nagsayang ng oras para tingnan kung sino ang nasa tabi ko kasi obvious naman na si Mikko ito dahil siya lang naman ang katabi ko dito, wala namang nakaupo dito sa may kaliwa ko kaya alam kong si Mikko ito dahil dito sa kanan ko naramdaman ang presensya nung tao.

Dahil nga sa busy ako di ko pinansin ang pagkublit ni Mikko sa akin, kitams na busy dahil 5 minutes na lang ay time na. Kung wala siyang magawa eh wag ako ang pagtripan, tsk utak kapre talaga.

Nang di ko pinansin ang pangungublit ni Mikko, nangublit ulit ng hindi lang isa kundi paulit-ulit at sunod-sunod pa. Arrgh, ano bang gusto nito?

"Ano ba Kapre kitang busy ak---ay ikaw pala yan Nikko! Hehe sorry ha kung nasigawan kita kala ko kasi si Kapre ay este si Mikko. Dito ka rin pala sa star section hehe"

Akala ko naman si Kapre kaya pala lumakas ang paliritan kasi nandito na si Nikko, sorry naman kala ko talaga si Kapre eh. Nakakahiya tuloy nasigawan ko pa siya.

"Haha kapre? Who? Si kuya Mikko ba? La! Dali ka isusumbong kita dun"

Totoo ba ito? Nakikipagkwentuhan sakin si Nikko? Waaaah! Kung panaginip to please hayaan niyo na kong damayan si Sleeping Beauty tapos ako yung Beast.

"Tsk. Alam naman niya na tawag ko sa kanya kapre, paano kasi tawag lagi sakin Panget kala mo nama'y di nakakasakit ng feelings. Siya nga pala asan yung kuya mong kapre?"

"Hahaha Dang! Only you can say that thing to kuya! Haha I can't barely wait see His face when you say that words to Him. Si Kuya? I dunno, nauna siya eh"

Ang cute niya pagtumatawa lumalabas ang dimples niya waaah ang cute. Si Kapre kasi walang dimples di nalahian ng kacute-an yun.

Nauna na daw si Kapre, pero wala pa dito for sure nasa cafeteria yun lumalamon. Kilala ko yun eh, madalas ko yun inaabutan pag-umaga, nadadaanan ko kasi ang cafeteria at lagi kong nakikita si Kapre dun sa may tabi ng glass window na mag-isang lumalamon.

Napansin ko naman na kanina pa tahimik ang atmosphere at kapwa boses lang namin ni Nikko ang maririnig mo. Tumingin ako sa paligid at sa nakita ko parang gusto ko ng lamunin na ako ng lupa dahil lahay ng mata nila ay sa amin ni Nikko nakatutok.

I love you PANGETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon