Chapter Eight

50 9 1
                                    

Gino Serthanian Salvador

"Hoy babae gising na! May pasok ka!!!" Sigaw ko ng pagkalakas-lakas na halos marinig na nang mga kapitbahay namin. Ginabi ng uwi, hinatid ng amo at puyat... Hindi kaya?

O________O

Binuksan ko yung pinto ng kwarto ni ate. Nakahiga parin siya habang nakanganga, nakalaylay na yung kumot at nagkalat ang mga unan sa sahig. Tsk. Parang di babae.

"Hoy babae...may pasok ka gising na!" Pero imbes na sagutin, nagmulat lang siya saka natulog ulit. Aha! May ginawa to! Puyat ang loko.

"Hoy Gian Sera Ramirez Salvador! Anong ginawa mo kagabi ha!? Ba't puyat na puyat ka!? Sabi---"

"Puyat lang. Iba na kapag puyat na puyat" sabi niya habang nakapikit pa rin. Tsk, ang messy ng kwarto. Grabe.

"Bumangon ka na sabe eh! May pasok ka!"

"Wala kaming pasok ulol. Ikaw ang magmadali dahil ikaw ang meron" Sabi niya, habang nakapikit parin.

Wala naman pa lang pasok di pa sinabi sakin kagabi. Tsk, maloko ang babaeng to.

Pero kahit gano kaloko yan, syete mahal ko pa yan sa nililigawan kong baliw na pahard to get. Kailan kaya magkakaboyfriend to? Aish. Pero di naman niya kailangan yon diba? Baka saktan lang siya... Makasapak lang ako niyan.

"Hoy Gino! Ako ba talaga ang puyat o ikaw? Aba! Wake up! Kanina pa kita tinatawag eh..." Sabi niya habang nagkukuyukos ng mata... Mutain, tibay.

"Ikaw. Ano nga palang ginawa mo kagabi at puyat kang babae ka ha?"

"Nasaktan"

"Ha?"

"Nasaktan"

Nasaktan? Saan? Bakit? Ng Ano?

"Nang Ano?"

"Wala. Aba galaw-galaw 30 minutes na lang oh! Malalate ka na!"

O__________O

Oh shoot!

"Ah hehe... Ge ligo na ko te! May sinangag na jan saka itlog at corned beef kain ka na lang!"

"Sige. Oh siya ligo na"

Saka ako nagmadali papuntang C.R syempre di ko nakalimutan ang regalo niya sakin... Gamitin ko daw eh. Hehe.

Bzzz...Bzzz...Bzzz...

Candle Calling...

^________________^

Speaking of...Kay gandang umaga nga naman.

"Hello Candle Good Morning! Napatawag ka? Bakit sasagutin mo na ko?"

Tumawa siya. "Baliw hindi pa. Saan ka na?"

Yiiieee. Hindi PA daw. Tengene nebebekle eke.

"Dito pa sa bahay liligo pa lang hehe naimagine mo no?"

"Tangeks ka Gino! Ang loko mo! By the way, bilisan mo may meeting tayong mga players sabi ni coach pinasasabi eh"

"Ganon ba? Sige Babe!"

"Anong Babe ka jan?" Mejo nahihiya niyang sabi sa kabilang linya.

"Babe...in the future syempre"

"Ikaw ha? Oh sige na, ligo ka na bilisan mo ha? Ingat ka sa daan"

"Oo naman para sa'yo my Candle light! Bye!"

I love you PANGETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon