Jonas Mikko Yu
Matapos ng walk-out scene ko sa clinic ay nagderetcho ako sa cafeteria. Di parin maalis sa isip ko kung paanong di manlang niya ako nagawang pasalamatan dun sa ginawa ko...tss Masiyado akong nag-expect sa isang salitang nais ko. Salamat. Mahirap bang sabihin yon? Kung nakita lang niya ang sarili niya kanina masasabi kong nakakaawa talaga siya. Pero di ko magawang kalimutan ang nangyari bago ang pangyayari sa Cafeteria.
Flashback[Paris and Mikko]
"P-Paris"
Hindi ko inaasahan na makikita ko siya matapos ang dalawang taon. Ganon parin siya, halos walang pinagbago sa itsura. Maganda pa rin.
Hinayaan ko ang sarili kong nakatayo at walang kibo, ni hindi ko magawang makalapit sa kanya may kung anong nagsasabi sa utak ko na wag siyang lapitan. Nang mapansin niyang hindi ako kumibot manlang at nanatiling nakatingin sa kanya, siya na ang kusang lumapit sa akin at bigla niya akong sinalubong ng yakap na sa aking isip, nagustuhan ko.
Hindi ko alam na sa kabila ng lahat ng ginawa niya ay nagawa nitong mapalis sa aking sistema ang galit dahil lamang sa isang yakap. Niyakap niya ako na para bang sabik na sabik akong makita dahil sa higpit nito, di ko magawang yapusin siya pabalik dahil nanatiling gulat ang aking isipan dahil sa isang di inaasahang pangyayaring tulad nito.Matapos ang halos tatlong minuto niya akong yakap ay kusa siyang lumayo at binasag ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Mikko *sob* Namiss kita... And I-I still Love You"
O_______O
'Namiss!? Still love Me?Ha! At ngayon niya pa talaga naisip sabihin yan kung kailan nasaktan na niya ako!? What the hell!?'
At dahil sa mga salitang iyon ay bumalik ako sa wisyo na ang katotohana'y Ginamit niya ako. Pinaglaruan ang damdamin ko. At ang katotohanang binabalik niya sa aking isipinan ang nakaraang...tapos NA.
Bumuntong hininga ako matapos niyang sabihin iyon napunong muli ng galit ang aking puso matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.
"Namiss? Still love me? Ha! What the Hell Paris!? Matapos ang lahat-lahat ng ginawa mo sa akin nagkaroon ka pa talaga ng lakas ng loob na sabihin ang lahat ng iyan sa akin!? Ano ang tingin mo sa akin pagkain na kapag ayaw mo na iiwan at pagnagustuhang muli babalikan?"
"NO!!I'm sorry Mikko. Narealize ko kung gaano kalaki ang sinayang ko. Last Year, I almost die nung iwan kita but what really makes me Hurt is when I see you happy without me by your side! Akala mo ba naging madali ang lahat sa akin? You think that I leave you without any reasons? Hindi ako ganon kagaga para iwan ka at saktan ka ng walang kalaban-laban!"
"Then Why!? What are the reasons para saktan ako!? What are the reasons para ipagpalit mo ako kay Nikko!? Ano? Sagutin mo para maliwanagan ako sa lahat ng----"
"Because I have a Cancer! Stage 2 Lukemia! Now tell me Nikko paanong hindi ko iiwan ka kung mamatay na ako!"
O________O
'C-Cancer? Lukemia?'
Hindi ko nagawang sumagot. Parang isang malaking bato ang salitang binitiwan niya, para rin itong kutsilyo na unti-unting inuubos ang dugo sa aking puso, at parang basahang pinipiga hanggang sa mawalan na ito ng saysay. Sandaling tumigil ang mundo at paghinga ko sa mga narinig ko.
"C-Cancer? B-ba't di mo sinabi sa akin?"
"Because I was damn scared na baka masaktan ka! Na baka maiwan kang mag-isa sakaling...sakaling mamatay ako! Dahil sa mga pagkakataong sinasabi ko sa'yo na hindi kita mahal. Triple non ng nararamdamang sakit mo ang naidudulot sa akin! Akala mo ba Mikko naging madali sa akin ang lahat? Noong araw mismo na hinarap kita kasama ang kambal mo, sinabi ko na mahal ko siya na kahit ang totoo ay hindi! dahil ikaw lang mag mula pa noong makita kita!"
BINABASA MO ANG
I love you PANGET
Teen FictionYour Imperfection makes my whole day.... Your Unexplained mind makes me crazy... Your Ugliness makes me fall and fall and fall in love every single day, every hours, every second counts. I am deeply inlove with you, Gian.