2 years ago...
[Scaley nasaan kana ba?] tanong ng nasa kabilang linya.
"Wag ka kasing atat ate, nandito pa lang ako sa highway"
[Bilisan mo marami ng bisita dito, kung sino pa yung may birthday siya pa ang wala]
"Oo na"
[Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo, siya ng pala nandito sila Kurt]
"Ha?--"
*BEEP*BEEP*
*BOOGSH*
[Scaley? Hello Sceley? Ano ng nangyare? Okay ka lang ba? Scaley?!]
*
"Alexa okay ka lang?" tanong ni Zyke na nag tataka dahil sa kinikilos ni Alexa.
"Nasa sa hospital si Scaley" sabi ni Alexa, hindi na niya hinintay ang sagot ni Zyke at tumakbo na siya palabas ng bahay saka nag drive papuntang hospital.
*
"Alexa ano ng balita? Lumabas na ba ang doctor?" nag aalalang tanong ni Haily. "Hindi pa" sagot ni Alexa at halata sa kanyang boses ang pagkabahala.
"Tinawagan muna ba sila tita?"
"Oo, maya-maya lang ay nandito na sila"
Sa kabilang upuan ay makikita sila Kurt na nakaupo at halatang hindi mapakali.
"Hey bro easy, magiging ayos din ang lahat. Tinalo mo pa ata si Zyke sa pag-aalala" pabirong sabi ni Dwight.
Bumukas ang pinto at lumabas ang doctor kaya napatingin silang lahat at napatayo.
"Doc ng balita?" tanong ni Alexa at halata sa kanyang muka na kinakabahan siya sa resulta.
"Masyadong malakas ang impact ng pagkakatama sa kanya kaya... sorry"
"Hindi..." mahinang sabi ni Zyke at napa upo sa upuan.
Bumukas ulit ang pintuan at lumabas ang isang babae.
"Doc! Gumalaw ang kamay ng pasyente" sabi ng babae at nagulat silang lahat, nag madaling pumasok sa loob ang doctor.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay lumabas ulit ang doctor.
"Buhay nga siya pero comatose siya. Maswerte kayo at nabuhay ulit siya ipag dasal niyo nalang na sana ay magising siya, excuse me" sabi ng doctor at umalis na.
©