SCALEY'S POV
12:00 am na at linggo na ngayon. Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga bangungot. Hindi na nga ako nag susuka pero binabangungot naman ako.
Wala ng nag babantay sakin ngayon, umuwi na si Zayden kanina pagkagising ko hindi niya lang napansin na nagising ako.
Nahiga ulit ako at pinilit matulog..
May nakita kong babae. Lumapit ako sa kanya at nagulat ako pag harap niya sa akin dahil kamuka ko siya.
Nginisihan niya ko na naging dahilan para matakot ako lalo na nung umilaw ang mga mata niyang.. kulay pula.
"S-sino ka?" Natatakot na tanong ko.
"Ako ay ikaw. Malapit na tayong maging isa.. Scaley"
Bigla akong napabangon habang hinihingal. Tumingin ako sa bintana, umaga na pala.
*Knock* *Knock* *Knock*
Bumukas ang pinto kaya napatingin ako sa pumasok, si papa.
"Gising kana pala. Kamusta ang lagay mo, anak?" Tanong niya sa akin sabay lapag ng mga prutas sa lamesa.
"Okay lang po" sagot ko.
"Sigurado ka?"
"Opo" nakangiting sagot ko.
"Tungkol nung birthday mo. Pasensya kana anak ah? Alam kong galit ka sa amin dahil sa naging desisyon namin ng mama mo" sabi ni papa.
"Okay lang po pa" nakangiti pa ring sabi ko kaya nagulat si papa.
"Hindi ka galit samin?" Gulat na sabi niya.
"Hindi po" sagot ko at niyakap naman ako ni papa.
*Door opens*
"Mukang may naganap na heart to heart talk dito ah" sabi ni mama kaya kumalas na kami ng pagkakayap ni papa at napatingin sa kanya saka sabay na natawa.
- - -
Naging masaya ang araw na 'to para sa akin dahil pagkalabas ko ng hospital ay nag bonding kaming pamilya pero hindi kasama si ate dahil may tinatapos daw siyang project na bukas na ipapasa.
Si Zayden hindi dumalaw kanina, ewan ko kung bakit. Baka busy.
12:00 o'clock na ng gabi pero gising pa rin ako, hindi ako makatulog. Bumaba muna ako sa kama saka pumuntang banyo para mag hilamos, laking gulat ko na lang pag harap ko sa salamin.. yung mata ko.. kulay pula.
Pumikit ulit ako baka sakaling namamalik-mata lang ako pero hindi, totoo nga. Dahan-dahan akong napaatras hanggang sa tumakbo na ako papunta sa kama ko at nag talukbong, baka nananaginip lang ako.
- - -
Pagkagising ko ay agad akong pumunta sa banyo para tingnan ang sarili ko, natatakot ako.. baka totoo yung nangyare kagabi. Pag harap ko sa salamin ay nakahinga ako ng maluwag.
"Hayst, masamang panaginip lang pala" nasabi ko na lang saka lumabas ng banyo. Kumuha ako ng damit at pumasok ulit sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto saka dumiretso sa terrace at nadatnan ko doon si ate.
"Kamusta ang lagay mo?" Tanong niya.
"Ayos lang. Teka wala ka bang pasok?" Tanong ko sa kanya.
"Meron. Pumunta ako ng school kanina para ipasa yung project saka umuwi narin"
"Bakit di' ka pumasok?" Takang tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Mamaya nga pala may bisita tayo" nakangiting sabi niya kaya nagtaka ako.
"Sino naman?"
"Secret. Mamaya mo malalaman"
Nag kwentuhan lang kami ni ate hanggang sa may nag takip sa mata ko.
"Hulaan mo kung sino 'to" sabi niya, boses lalake saka pamilyar. Napangiti ako ng mapagtanto ko kung sino.
"Clover!" Natatawang tawag ko sa kanya at inalis na niya yung kamay niya.
"Yun oh! Tanda niya yung gwapo kong pangalan" sabi niya.
"Yung pangalan lang gwapo, di yung may ari" natatawa namang sabat ni Ley na nandito din pala.
"Yo guys! Late ako" napatingin kami sa sumigaw, si Haily.
"Haily kamusta yung kasal? Hindi mo man lang kami in-invite" nag tatampong sabi ni ate.
"Sorry na girl. Secret din kasi yung kasal namin eh, si dad kasi"
"Hahaha! Ley mag ingat ka kay Haily, nagiging gorilla yan" asar ni Clover habang natatawa kaya piningot naman siya ni Haily sa tenga.
"Aray!!" Daing niya kaya natawa na lang kami.
"So Clover kamusta kayo ng gf mo?" Tanong ni ate kaya napatingin ako kay Clover.
"May girlfriend kana?" Takang tanong ko sa kanya.
"Girlfriend? Wala noh! single pa ko.. pag nandiyan si Scaley" nakangising sabi niya kaya binatukan ko nga.
"Bakit ba ang amazona ng mga babae?" Tanong niya kaya sinamaan siya ng tingin nila ate at natawa na lang ako.
"Bro, ano nang nangyare sa inyo ni Zea? Buti natitiis yung kamanyakan mo" hirit naman ni Ley.
"Si Zea girlfriend mo?!" Gulat na tanong ko.
"Bakit? Di mo alam?" Tanong ni Haily at umiling lang ako.
Nag kwentuhan lang kami hanggang sa umuwi na rin sila.
"So ate, hindi na ba sila babalik sa AG?"
"Hindi na.. ata"
"Eh paano na yung CLASH?"
"Alam mo Scaley. May kanya-kanya na tayong buhay ngayon, naalala mo dati kung bakit natin ginawa yung CLASH? elementary pa lang tayo nun, mga isip bata hanggang sa naging gangster na tayo. Ginawa natin yung CLASH dahil trip-trip lang" nakangiting sabi niya.
Flashback~
"Ang boring ng buhay" walang ganang sabi ni Clover habang nakahiga kaming lima sa damuhan. Nag cutting classes kami dahil sobrang boring sa klase.
"Pag laki ko gusto ko maging gangster" sabi ko sa kanila.
"What if gumawa tayo ng gang?" Biglang tanong ni Clover kaya napabangon kaming lima.
"Ano namang pangalan?" Tanong ni Ley.
"Ayusin mo Clover baka ka-kornihan na naman yan" nag babantang sabi ni Haily.
"The five Superman!" Sigaw niya kaya napa face palm na lang kami.
"Gangster Kids!" Suhestiyon ni Haily. Isa pa 'to.
"The cool kids!" Sabi naman ni Ley.
"What about the CLASH?" sabay naming tanong ni ate kaya nagkatinginan kaming dalawa.
"CLASH?" tanong nila.
"C for Clover, L for Ley, A for Alexa, S for Scaley, and H for Haily" sabay na naman naming sabi ni ate.
"Cool.."
©