CHAPTER 5

380 15 0
                                    

SCALEY

Sobrang sama ng gising ko ngayong umaga, na trauma yata ako kahapon.

Pagkadating ko sa bahay ay dahan-dahan akong nag lalakad para hindi ako mahuli ni ate.

Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ko, nag papasalamat ako dahil hindi niya ako nakita, hinawakan ko ang door knob saka pinihit pero pag pasok ko...

"Hi my dear litter sister! Kung nakatakas ka kanina pwes ngayon hindi na" sabi niya sa akin at doon na nag simula ang kagimbal-gimbal na pangyayare sa buong buhay ko.

Pinapili ako ni ate ng isusuot, ang gusto ko ay yung black dress pero ayaw niya ang gusto niya daw ay yung red gown. Pinapili niya pa ako? =__=

"BIRTHDAY GIRL BUMANGON KANA DIYAN!!" sigaw ni ate mula sa labas, lakas talaga ng boses tsk.

Bumangon na ako sa kama saka lumabas, hindi na ako nag abalang ayusin ang sarili ko dahil wala ako sa mood. Pag baba ko ay naabutan ko sila mama na kumakain sa terrace kaya pumunta ako doon at kumain na din.

"How's your sleep?" Tanong ni Papa sa akin.

"So bad" sagot ko sabay tingin kay ate tapos bumalik ulit ako sa kinakain ko.

"Crystal, we invited the whole University" sabi ni mama kaya bigla akong nasamid.

"What? The whole University?" Tanong ko kay mama ng makabawi ako.

"As I said" sagot ni mama.

Wala ng nag salita sa amin, pagkatapos naming kumain ay palihim akong tumakas sa bahay.

Sa Park ako dumiretso dahil trip ko. Ayoko namang mag punta sa mall dahil maraming tao.

"Scaley!" Napatingin ako sa babaeng tumatakbo palapit sa akin. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang muka niya.

"Do I know you?" Tanong ko sa kanya habang pilit na inaalala kung saan ko siya nakita.

"Tama nga yung balitang nakalimutan mo yung ibang memorya mo at kasama na ako doon. Ako si Zea yung tinulungan mo dati sa Public High dahil binu-bully nila ako" sabi niya pero hindi ko talaga siya maalala kaya tumango na lamang ako.

"Saka pinasok mo din ako sa AG University" dagdag pa niya.

"Okay" sabi ko na lang dahil hindi ko talaga siya maalala.

"Sige mauna na ako" paalam niya at tumango lang ako. "Nga pala, Happy Birthday!" Bati niya sa akin saka tuluyang umalis.

Tatayo na sana ako ng biglang mag ring at cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

[Umuwi kana dito! Aayusan kana] bulyaw sa akin ng kapatid ko.

"Ayoko" tipid na sagot ko. Ang aga-aga aayusan kagad ako.

[Ah ayaw mo? Susunugin ko yung mga poster mo dito sa kwarto] pananakot niya sa akin.

"Edi sunugin mo" hamon ko sa kanya. Kala mo namang magagawa niya yun tsk.

[Ayaw mo pa rin ah. Ipatutuloy kona lang kay mama yung arrange marriage mo] sabi niya sabay end call. Sus kala mo namang totoo, bahala siya dun.

Nag ikot-ikot ako sa park at kumain hanggang lumipas ang oras at hapon na, mamaya na ang party.

Pagkatapos kong mamahinga ay umuwi na ako dahil malapit na mag gabi.

Kakadating ko lang sa tapat ng bahay namin at kita ko mula dito na nakahanda na ang lahat. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng isang maid at sinabing pumunta na ako sa kwarto ko.

New HER (CAD BOOK 3)Where stories live. Discover now