Short update, sorry. Nawala kasi yung original na chapter 7.
°°°SCALEY
Pagkagising ko ay muka ni ate Alexa ang bumungad sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa kama.
"Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya.
"Nahimatay ka kanina"
"Alam mo naba ang nangyare kay Jane?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya.
"Gusto kong puntahan si mama" sabi ko kay ate.
"Sige" sagot niya at inalalayan niya akong tumayo at mag lakad.
ZAYDEN
"Dad! Ano 'to?! Ipapakasal niyo ako ng hindi ko alam!" Galit na sigaw ko kay dad.
"Pwede ba Zayden, malaki kana at alam kong maiintindihan mo 'to, na ang lahat ng ginagawa namin ay para sayo" sabi niya pero naiinis pa rin ako.
"Maiintindihan? Ginagago mo ba 'ko?!" Sagot ko habang naka kuyom ang kamao.
"Aba'y hindi ka namin tinuruan ng ganyan!" Galit na sigaw niya sa akin. Mag sasalita na sana ako pero nag salita si mama.
"Tama na! Zayden para sayo ang lahat ng ginagawa naming ito! Gusto naming umasta ka ng normal, ikaw ang susunod na mamamahala sa kompanya natin. Kahit anong gawin mo ay hindi na mag babago ang desisyon namin" sabi ni mama saka lumabas at sumunod naman si dad.
Napaupo na lang ako sa sahig.
SCALEY
"Ma!" Tawag ko sa kanya saka 'ko siya pinuntahan para yakapin.
"Scaley are you okay?" Nag aalalang tanong niya sa akin.
"Yes ma, don't worry about me. How are you?"
"I'm fine sweety" sagot niya at bigla ko namang naalala yung kasal.
"Ma, about the wedding" panimula ko.
"Sorry anak, nakiusap kasi sa akin sila Mr and Mrs Kingston"
"It's okay ma, kelan ba kasal?" Tanong ko.
"Monday"
"Okay... WHAT? MONDAY?! Ma! Libing ata ni Lolo yun tapos--" pinutol na ni mama ang sasabihin ko.
"Anong libing? Buhay pa ang Lolo mo, nasa hospital siya at naka confined" sabi niya kaya kumunot naman ang noo ko.
"What? Ang sabi ni ate Patay na daw si Lolo" mahinang sabi ko.
"Anak wag ka kasing mag papaniwala masyado sa ate mo" sabi niya at sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si ate.
Bigla ko siyang pinakyuhan at natawa pa siya.
©