CHAPTER 9

338 10 0
                                    

Third Person POV

Nahimatay si Scaley dahil hindi niya nakayanan ang sakit ng kanyang ulo dahil sa tinusok na drugs sa kanya.

"Nakuha mo naba ang info tungkol sa kanya?" Tanong ng matandang lalake sa kanyang tauhan.

"Opo boss. Ang pangalan niya ay Scaley Crystal Alvarez, 18 years old at nung birthday niya ay may umatake sa mansion nila. Mayaman ang pamilya nila at bunso siyang anak. Nabalitaan ko rin na ikakasal na siya sa Lunes, ang mapapangasawa niya ay si Zayden Kingston, isang 4rth year high school at 16 years old" sabi ng tauhan niya.

"So.. arrange marriage?"

"Parang ganun na nga boss. Meron pa pala boss"

"Ano yun?"

"Naaksidente siya dati at 2 years siyang coma kaya 4rth year high school siya ngayon. Ang pamilya nila ang may ari ng AG University, kasama din siya sa isang gang na rank 1 hanggang ngayon sa gangster world. Parehong gangster ang magulang niya"

"Ibalik mo na siya" utos ng matandang lalake.

"B-boss?"

"Sabi ko ibalik mo na siya"

"B-bakit naman boss? Tamang-tama siya para sa trabahong 'to"

"Hindi siya pwede" sabi nang matandang lalake. Hindi na ulit nag salita pa ang tauhan niya.

Pinadala nila sa hospital ang katawan ni Scaley at sinabing hinimatay ito. Pinatawagan na din nila ang mga magulang ni Scaley. Agad umalis ang mga tauhan ng matandang lalake bago makarating ang mga magulang ni Scaley.

Pagkatapos ng ilang minuto ay agad dumating ang ate ni Scaley kasunod sina Yuria at Dustin.

"Nasaan ang kapatid ko? Si Scaley Alvarez" tanong ni Alexa sa nurse.

"Room 206 po" sagot ng nurse at agad namang tumakbo si Alexa papunta sa kwarto ni Scaley.

Pagkapasok ni Alexa sa kwarto ni Scaley ay agad niya itong niyakap.

"Naku! Pagkagising mo talaga ay pipingutin kita" sabi ni Alexa.

"Ang brutal mo naman Alexa, halika na dito" sabi ni Yuria at sumunod naman si Alexa.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor.

"Kayo po ba ang pamilya nang pasyente?" Tanong ng doctor.

"Kami nga po" sagot ni Dustin.

"Didiretsuhin ko na po kayo. Nung chineck po namin ang katawan niya ay may nakita po kaming drugs" sabi ng doctor na ikinagulat nila.

"D-drugs? H-hindi. Hindi gumagamit ang kapatid ko ng drugs" sabi ni Alexa.

"Pero ang pinagtataka namin ay nung pangalawang beses na chineck namin ulit ang katawan niya ay wala kaming nakita" dugtong ng doctor.

"Baka naman po nagkamali lang kayo nung una" sabi ni Dustin.

"Pagkagising niya ay iche-check ko ulit ang katawan niya, mauna na 'ko" paalam ng doctor.

"Salamat po doc" sabi ni Alexa.

Pagkalabas ng doctor ay agad tinanong ni Yuria si Alexa.

"Alexa umamin ka nga, gumagamit ba ang kapatid mo?" Serysosong tanong nito.

"Ma naman, syempre hindi!" Sagot ni Alexa.

"Dapat lang. Malaman ko lang na gumagamit yang kapatid mo ay humanda sakin yan" nag babantang sabi ni Yuria.

Maya-maya pa ay nagising na si Scaley.

"Ma pa, she's awake!" sabi ni Alexa at lumabas naman si Dustin para ipaalam sa doctor na gising na ang pasyente.

Agad niyakap ni Alexa si Scaley pero tulala lamang ito.

"Scaley ayos ka lang ba?" Tanong ni Alexa pero nanatili pa rin itong nakatulala.

Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor. Agad nitong nilapitan si Scaley para check-up-in.

"Doc bakit ganyan ang anak namin? Nakatulala lang siya" nag aalalang tanong ni Yuria.

"Kailangan lang muna niya mag pahinga" sabi ng doctor saka nag paalam.

"Ano bang nangyare sayo Scaley? Ba't nag kakaganyan ka?" Nag aalalang tanong ni Alexa.

Zayden's POV

"Ikakasal kana pre, congrats!" Bati sakin ni Michael kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tss.

"Paano na si Lara?" Biglang tanong ni Ivan.

"Oo nga Zayden. Malaking gulo pag dumating yun at nalamang ikakasal kana pala" sabi naman ni Shio. 

"Kelan nga pala balik ni Lara?" tanong ni Michael. 

"Next month" sagot ko. 

"Dapat kasi pre sinabi muna sa parents mo nung una pa lang na may girlfriend kana" sabi ni Michael kaya napabuntong hininga na lang ako. 

Alexa's POV 

Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin si Scaley kaya mas lalong nadagdagan pa yung pag-aalala ko. 9:00 pm na at ako na lang ang nandito para bantayan si Scaley, umuwi muna sila mama para mag pahinga dahil may pasok sila bukas. 

Bigla kong naalala yung kasal ni Scaley, sa lunes na pala yun. Sabado na bukas, may isang araw na lang siya para mag prefer. Nakakalungkot isipin na mauunahan niya pa ako. 

©

New HER (CAD BOOK 3)Where stories live. Discover now