CHAPTER 6

331 12 0
                                    

*BANG*BANG* 

Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar kaya nag simula ng mag panic ang mga tao.

Sinenyasan ni Mr. Alvarez ang isang lalake na mag patugtog kaya kahit papano ay nawala ang panic ng mga tao.

"I-check niyo ang buong lugar" utos ni Mr. Alvarez sa mga tauhan nila.

SCALEY

Sa narinig kong dalawang putok ng baril ay napag pasyahan kong lumabas dahil sigurado akong sa labas yun nang galing. Medyo naiirita ako dahil sa gown at high heels ko.

Inikot ko ang buong lugar hanggang makarating ako sa garden.

"T-tulong..."

Nagulat ako sa narinig ko, Alam kong boses niya yon! Dali-dali komg hinubad ang high heels ko saka siya pinuntahan.

"Jane!!" Sigaw ko ng makita ko siyang may tama ng baril sa tiyan.

"Omy god Jane!!" Napatingin ako kay Sab na mukang lumabas din dahil sa narinig niya.

*BANG*BANG*

Napatakip si Sab sa kanyang tenga at ako nama'y nagulat, sa loob nanggaling ang putok ng baril.

"Sab dalin mo si Jane sa hospital!" Sabi ko sa kanya. "Kuya, pakitulungan siya!" Sigaw ko sa hardinero namin at agad naman siyang lumapit at binuhat si Jane.

"Sab susunod ako sa hospital" sabi ko sa kanya at tinanguan niya naman ako.

Pag pasok ko sa loob ng mansion namin ay nag kakagulo ang mga tao.

"Mama!!" Sigaw ni ate kaya kinabahan ako bigla. Dali-dali akong nag lakad papunta sa unahan, wala akong pake kung may mabunggo akong ibang tao.

Pagkadating ko sa unahan ay parang gumuho ang puso ko dahil sa nakita ko. Si mama... Nakahandusay siya sa sahig at duguang walang malay.

"Dalin natin siya sa hospital!!" sigaw ni ate at agad namang nag kilusan ang mga tauhan namin.

•Hospital•

Nasa Operating Room si mama. Iyak si ate ng iyak habang ako naman ay nakatulala lang at iniisip kung sino ang gumawa nun hanggang sumagi sa isip ko yung mga narinig ko...

"Ano ng gagawin natin? Siguradong hinahanap na nila tayo ngayon, baka madamay pa sila Scaley"

"Ria kumalma ka, pagkatapos na ng birthday ni Crystal natin 'to pag-usapan"

Naikuyom ko na lang ang kamao ko at bigla na lang nag flashback sa 'kin yung mga ala-ala namin ni mama at medyo natawa pa ako.

Bumalik ako sa reyalidad ng lumabas ang doctor at agad kaming napatayo ni ate, wala si Papa dahil kinakausap niya ang mga bisita.

"Doc okay napo ba siya? Ano pong balita?" Sunod-sunod na tanong ni ate.

"Maayos na ang lagay niya pero madaming nawalang dugo sa kanya kaya sinalinan na namin siya. Nag papahinga pa ang pasyente kaya bukas niyo pa siya pwedeng maka-usap, excuse me" sabi ng doctor saka umalis.

Nakahinga kami ng maluwag ni ate ng malamang maayos na si mama.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang message.

From: Sab

Scaley pumunta ka sa room 108 

"Ate pupuntahan ko muna si Jane" sabi ko sa kanya kaya agad siyang napalingon sa akin.

"H-ha?"

"Nabaril din si Jane" sabi ko na ikinagulat niya.

"Ano?! Kamusta na siya? Ayos lang ba siya? Tara puntahan natin" sunod-sunod na tanong niya.

"Ah ma'am" tawag sa amin ng isang nurse kaya pareho kaming napatingin sa kanya. "Nailipat na po namin ang pasyente sa room 130, pwede niyo na po siyang puntahan pero wag na lang po tayong gagawa ng ingay dahil nag papahinga pa ang pasyente" sabi niya at umalis na. Lumingon ako kay ate.

"Bantayan mo si mama, babalitaan na lang kita tungkol kay Jane" sabi ko sa kanya.

"Sige" sabi niya kaya nag lakad na ako papunta sa room ni Jane.

•Room 108•

Pag pasok ko ay agad kong nadatnan si Sab na umiiyak.

"Okay na ba siya?" Tanong ko sa kanya at tiningnan si Jane na nakahiga sa kama.

"S-she's in coma, n-napansin ng doctor yung ulo niya mukang n-nauntog sa b-bato. A-ang sabi ng doctor ay b-baka abutin ng t-taon ang coma niya dahil m-malala ang pag kakauntog niya sa b-bato" nauutal na sabi niya kaya tinabihan ko siya.

"Wag ka mag-alala hahanapin natin kung sinong gumawa na 'to sa kanya" sabi ko sa kanya.

"Thanks... How's Tita?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

"Okay na siya" sagot ko.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot.

[S-scaley..]

"Oh? Anong problema ate?"

[Si l-lolo..] bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"A-anong meron?"

[P-patay na si lolo..] sabi niya at dinig ko ang pag luha niya. Nabitawan ko ang cellphone ko at nang hihina akong tumayo.

Bakit? Bakit nangyayare samin 'to? 

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare dahil nawalan na ako ng malay...

©

New HER (CAD BOOK 3)Where stories live. Discover now