After 2 years...
SCALEY
Napabangon ako at saka humikab. Pinag-masdan ko ang paligid at nasa puting kwarto ako, bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Nagulat siya ng makita niya ako at nag madaling lumabas, sumisigaw pa nga siya eh kung hindi ako nag kakamali ay ang sinisigaw niya ay "Doc! Gising na ang pasyente!"
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor saka dalawang nurse. "Call her family" utos ng doctor sa dalawang nurse.
ZYKE
"Are you enjoy it babe?" Tanong ni Megan at hinalikan ako sa labi.
"Yeah, your good huh?" Sagot ko at hinimas ang kanyang hita.
"Of course. I have one question" sabi niya kaya nag taka ako kung ano yun.
"Kung sakaling magising si Scaley anong gagawin mo? Sabi mo sa akin last week ay makikipag hiwalay kana sa kanya" sabi niya kaya bigla kong naalala si Scaley. 2 years na siyang tulog habang ako ay nag papakalasing sa bar tuwing gabi dahil iniisip ko kung paano na ako at ang relasyon namin hanggang sa dumating si Megan at may nangyare sa amin.
Nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.
From: Alexa
She's awake
Napatingin ako kay Megan at nakakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ako.
"She's awake"
KURT
5 months na ang nakalipas ng iwan ako ni Jessica, nalaman kong in-arrange marriage siya ng kanyang mga magulang. Sa pag lipas ng buwan ay unti-unti ko siyang nakakalimutan.
"Kurt!"
Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Jian na tumatakbo papunta sa akin. Nung makalapit siya ay huminga muna siya ng malalim bago mag salita.
"Gising na si Scaley"
SCALEY
"Okay ka lang ba talaga Scaley? Na miss ka namin ng sobra" tanong ni ate Alexa at niyakap ulit ako.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalake at isang babae.
"Scaley your awake" masayang sabi ng lalake kaya nag taka ako.
"Ate Alexa, who is he?" Takang tanong ko at mukang nagulat siya pati yung lalake.
"You don't remember him? He is your boyfriend" sabi ni ate kaya nag taka ako.
What? Boyfriend? I don't remember that I have a boyfriend.
"No, his not. I don't even know him" naiiritang sabi ko, ewan ko ba pero pag pasok palang niya ay nakakaramdam na ako ng inis. Yung feeling na parang may ginawa siyang masama sa akin...
"Or pinag taksilan ka" sabi ng utak ko.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang limang lalake na hindi ko kilala.
"Scaley do you remember them?" Tanong sa akin ni ate Alexa sabay turo doon sa limang lalake, umiling ako.
POV
Gulat na gulat sila ng malamang hindi kilala ni Scaley si Zyke, maging sila Kurt.
Pumasok ang isang doctor kaya napatingin silang lahat dito.
"Lilinawin kona, may ilang memorya ang nabura sa kanyang utak kaya wag na kayong magulat kung hindi niya kilala ang iba sa inyo, excuse me" sabi ng Doctor saka lumabas.
"Ate pwede ba tayong mag usap? Yung tayong dalawa lang?" Tanong ni Scaley kaya sinenyasan ni Alexa na lumabas muna si Zyke.
SCALEY
Pag labas nila ay agad akong humarap kay ate.
"Anong nangyare sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Na aksidente ka 2 years ago" sabi niya kaya hindi na ako nabigla.
"Nasaan sila mama? Pati sila Jane at Sab?" Tanong ko sa kanya.
"Papa-uwi na sila mama at papa, baka bukas ay nandito na sila. Sila Jane naman ay nasa New York at may inaasikaso pero uuwi daw sila dito next week para dalawin ka" sabi niya kaya napatango nalang ako.
"Anong month na ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"July, bakit?" Takang tanong niya.
"Gusto kong pumasok bukas, ano na nga palang nangyare sa AG?"
"Nako! Buhat ng nawala ka ay hindi na namin makontrol ang ilang estudiyante, may isang gang na nag hahari-harian sa University at nakakairita sila. Si Clover nga pala ay nasa ibang bansa at doon na daw siya mag-aaral" sabi niya sa akin. Clover? Alam ko ang pangalan niya pero hindi ko siya matandaan di bale na nga.
"Tutal 3rd year pa lang naman ako nung maakaidente ako ay papasok ako bukas bilang 4rth year high school" nakangiti kong sabi, miss kona talaga ang school.
POV
"Mga tol alam niyo naba yung balita?" Tanong ng lalakeng may hikaw sa kanang tenga na si Ivan.
"Anong chismis na naman ang narinig mo?" Maangas na tanong ng lalakeng naka taas ang buhok na si Zayden.
"Kilala niyo naman siguro yung CLASH diba?" Tanong ulit ni Ivan.
"Syempre! Yung mga nag hahari-harian dito sa school dati" sagot ng lalakeng may singsing na bungo sa kanang kamay na si Michael.
"Alam niyo din naman siguro yung nangyare sa lider nila diba?"
"Puta Ivan! Bakit dimo nalang kaya kami diretsuhin hindi yung puro ka tanong diyan" naiiritang sabi ni Zayden.
"Gising na kasi yung lider nila" sabi niya kaya napatingin si Shio sa kanila, ang isip bata este mukang bata.
"Si Scaley gising na?" Excited na tanong ni Shio kaya napatingin silang tatlo sa kanya.
•~•
Nakalabas na ng hospital si Scaley at pag kauwi sa bahay ay inayos kaagad ni Alexa ang requirements ni Scaley para bukas.
Sa kwarto naman ni Scaley ay nakaupo siya sa kanyang kama at pinalagutok ang kanyang buto sa kamay niya.
"It's been 2 years, parang gusto ko ng suntukan bukas"
©