CHAPTER 11

338 10 0
                                    

Scaley's POV 

Pagkatapos damputin nung guard yung lalake ay bumalik na ako sa kwarto ko pero nagulat ako ng makita kong may tao.

"Tss. Gabing-gabi na kung saan-saan ka pa nag pupupunta" sabi niya. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. 

"Masama bang bisitahin ang fiancee ko?" tanong niya kaya naalala kona naman yung kasal, sa lunes na yun. 

"Ano nga palang nangyare sayo? Ba't nagkaganyan ka?" biglang tanong niya. Pinilit kong alalahanin pero nahihilo ako. 

"Okay ka lang?" tanong niya, hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin. 

Inalalayan niya ako papunta sa kama.

"Kalimutan mo na lang yung tanong ko mukang hindi mo maalala. Matulog kana" sabi niya kaya pinikit kona ang mga mata ko saka natulog. 

Zayden's POV 

Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog, bigla kong naalala yung sinabi ni Michael. 

"Bro ba't di mo siya subukang mahalin? Panget naman tingnan kung mag asawa nga kayo pero hindi niyo naman mahal ang isa't-isa. Kalimutan mo na si Lara balita ko mukang may boyfriend na yun sa States"  

Napabuntong hininga na lang ako saka nag lakad papunta sa sofa at humiga. 

Someone's POV 

"Balita ko may nabiktima na naman siya  pero pinakawalan din niya" sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Naturukan ba siya?" tanong ko. 

"Oo" sagot niya kaya naihagis koan lang yung baso ko. 

"Napakasama niya talaga! Alamin mo kung sino yun at sabihin mo sa akin, delikado kapag kumalat pa lalo yung drugs sa katawan niya" utos ko sa kanya. 

"Ilang days ba bago kumalat yung drugs sa buong katawan niya?"

"5 days"

"Anong mga sintomas nun?" tanong niya kaya bumuntong hininga muna ako bago mag salita.

"First to second day ay wala pa. Sa third day ay mag susuka siya ng dugo.  Sa fourth day ay babangungutin siya at sa pang limang araw--" 

Scaley's POV 

8 am na ng magising ako. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at nakita ko siyang natutulog sa sofa. 

Biglang bumukas yung pinto at napatingin ako kay mama at ate.

"Thanks god, your awake!" masayang sabi ni mama saka lumapit sa akin at niyakap ako. 

"Kelan kapa nagising?" tanong sakin ni ate. 

"Kagabi lang" sagot ko.

"Sorry anak at hindi ka namin nabantayan ng ate mo" sabi ni mama.

"Okay lang po, binantayan naman niya ako eh" sabi ko sabay tingin kay Zayden na natutulog pa rin hanggang ngayon. Pagtingin ko kila mama ay medyo nagulat pa sila nang makita si Zayden at nakita kong napangiti si mama. 

"May sasabihin nga pala ako" sabi ni mama sabay tingin sa akin.

"Hindi na matutuloy ang kasal niyo pero mag fiancee pa rin kayong dalawa. Pag 18 na daw si Zayden saka kayo ikakasal" sabi ni mama. 

"Buti naman" sabi ko sabahy buntong hininga. 

"Pero titira na kayo sa isang bahay" 

"Oka--WHAT??!!" biglang sigaw ko dahil sa gulat. Titira sa isang bahay? Ano kami mag asawa? 

"Wag ka mag-alala hiwalay naman kayo ng kwarto" sabi ni mama kaya napa face palm na lang ako. Ganun pa rin naman yun, ang pinag kaiba lang hiwalay ang kwarto namin. Hindi ako sanay sa ganun.

"Alam kong hindi ka sanay pero masasanay ka rin, lalo pa't pag kinasal na kayong dalawa" sabi ni mama. Sasagot na sana ako ng bigla akong mag suka ng dugo. 

"Omy gosh!" gulat na sigaw ni ate. Napatingin ako kay Zayden na nakatingin sa akin ngayon. 

"Zayden tumawag ka ng doctor!" sigaw ni mama at agad namang lumabas si Zayden para tumawag ng doctor. 

Makalipas ang ilang segundo ay pumasok ang doctor para check-up-in ako.

Pagkalipas ang ilang minuto..

"Hindi ko matukoy kung bakit siya nag susuka. Pakainin niyo nalang muna siya at pagkatapos ay inumin niya yung gamot na ipapadala ko sa isang nurse" sabi ng doctor.

"Sige po" sagot ni mama at lumabas na yung doctor. 

Zayden's POV 

Pagkatapos kumain ni Scaley ay may pumasok na nurse saka binigay yung gamot kay Alexa.

Ringing~

Kinuha ko yung cellphone ko saka sinagot yung tawag.

[Kamusta si Scaley?] tanong ni mama sa kabilang linya.

"Kanina nag suka siya ng dugo pero ngayon ayos na siya" sagot ko.

[Mabuti naman kung ganon. Alam mo naba yung tungkol sa kasal niyo?]

"Opo" 

[Sige, sige. Ibababa kona at may gagawin pa ako] 

End call 

"Zayden ikaw muna mag bantay kay Scaley ah? Uuwi muna kami, may gagawin din 'tong si Alexa kaya hindi niya mababantayan si Scaley" 

"Sige po" sagot ko. 

Tumayo ako at nag lakad palapit kay Scaley, pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog. 

©  

New HER (CAD BOOK 3)Where stories live. Discover now