CHAPTER 3

402 16 0
                                    

Kinabukasan....

Pagkapasok na pagkapasok ni Scaley sa AG University ay biglang tumahimik ang mga estudiyante.

"Totoo ngang nag balik na siya"

"Kahit dalawang taon na ang nakalilipas ay kinikilabutan pa rin ako sa presensya niya"

Ilan lang yan sa mga maririnig mong bulungan sa paligid. Nag lakad lang siya ng lakad hanggang marating niya ang classroom ng D4, biglang tumahimik ang mga kaninang nag-iingay.

ZAYDEN

"Ang cool niya pala" manghang sabi ni Shio.

"Sinabi mo pa! Alam mo bang siya ang pinaka nakakatakot sa CLASH" sabi naman ni Ivan.

"Wow! Ang galing! Gusto ko siyang makita!" Excited na sabi ni Shio, kanina pa nila pinag uusapan si Scaley at kanina ko pa rin gusto lagyan ng packing tape ang mga bibig nila kaya binatukan ko sila pareho.

"Ang ingay niyo" sabi ko sa kanila at pumasok sa classroom, himala tahimik. Itatanong ko sana kung bakit sila tahimik ng bigla akong kalabitin ni Michael at may tinuro, yung babae sa likod.

"Si Scaley..." Bulong niya sa akin na mukang narinig nung dalawa sa likod. Nag lakad si Shio sa dulo at tinabihan si Scaley na nakatingin sa bintana. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa hanggang sa kinalabit ni Shio si Scaley at may ilan pang napalunok dahil sa ginawa nito, lumingon si Scaley sa kanya with bored look at maya-maya pa ay...

"Ang cute mo naman, muka kang pusa" sabi niya at pinisil-pisil pa ang pisnge ni Shio kaya napa nganga kaming lahat, parang ang hirap paniwalaan na itong babaeng 'to ang kinakatakutan ng lahat ng estudiyante dito sa school.

"Ikaw din Scaley ang cute mo!" Sabi ni Shio. Umupo na kami sa mga upuan naman, si Ivan naman ay nakisama kila Shio.

"Nakakapanibago si Scaley"

"Paborito niya kasi ang pusa at muka naman talagang pusa si Shio"

Pagkapasok ng prof namin ay nagulat siya nung makita si Scaley.

•~•

Break time na namin ngayon kaya dumiretso na kami sa cafeteria, kasabay ko si Michael habang si Shio at Ivan naman ay kasabay ni Scaley.

SCALEY

"Scaley ilang taon kana?" Tanong ni Ivan sa kaliwa ko.

"17" sagot ko.

"Mas matanda kapa samin" sabi niya.

"Malamang Ivan! Diba 3rd year pa lang siya nung maakasidente tapos 2 years coma" sagot ni Shio na nasa kanan ko.

Inunahan ko na silang mag lakad, habang nag lalakad papunta sa cashier ay may nabunggo akong babae.

"Ouch! Look at my dress, bitch!" Sigaw sa akin ng nabunggo ko. Tiningnan ko ang dress niya at natapunan ito ng coke.

"So?" Tanong ko sa kanya, ngayon ay nasa amin na ang atensyon ng lahat ng tao sa cafeteria.

"Alam mo bang mas mahal pa sa damit mo ang dress ko?!"

"Sa pagkakaalam ko ay sa ukay-ukay mo lang binili ang damit na yan kaya paanong mas mahal pa ang damit ko kesa sa damit ko?" Maangas na tanong ko sa kanya at mukang nainis siya sa sinabi ko. Bigla niya akong sinampal kaya nabigla ako pati na ang mga tao sa paligid maya-maya ay napangisi ako. Tumingin ako sa lahat ng tao dito sa cafeteria.

"Alam niyo na ang gagawin niyo!" Sigaw ko at may ilang napangisi. Um-order na ako at lumabas sa cafeteria pag kalabas ko ay narinig ko ang tili nung babae kanina siguradong binabalibag na siya ng mga pagkain haha.

Mag dusa ka diyan.

ZAYDEN

Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.

"Hanep! Ang cool pala talaga niya" sabi ni Ivan.

"Kahit dalawang taon siyang nawala ay napapasunod pa rin niya ang mga estudiyante dito, astig!" Sabi ni Shio.

"Mukang totoo nga yung sinabi nila dati, siya ang batas" sabi ni Michael.

SCALEY

Sa halip na um-attend ng klase ay tumambay ako dito sa park, naka upo ako dito sa isang bench ng may biglang tumahimik sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Dapat ay nasa klase ka ngayon" napalingon ako sa kanya, siya yung may kasamang apat na lalake kahapon.

"Pake mo ba?" Inis kong sagot saka tumayo, nag lakad ako palayo sa kanya. Panira. Naramdaman kong may humawak sa wrist ko kaya inis ko siyang tiningnan.

"Ano ba?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tanong niya sa akin.

"Hindi nga! Saka sino kaba ha?!"

"Ako si Kurt yung dating gusto mo" sabi niya sa akin at nginisihan ako. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Duh? Ikaw magugustuhan ko? Dream on dude" sabi ko at iniwan ko siya doon. Peste siya.

>>>MANSION<<<

Pagkapasok ko sa loob ng mansion namin ay sinalubong ako ng yakap nila Mama at Papa.

"God! We miss you Crystal" sabi ni Mama

"Buti naman at maayos na ang kalagayan mo" sabi naman ni Papa. Humiwalay na sila sa pag kakayakap sa akin at umupo kami sa sofa.

"Do you remember us Crystal?" Tanong ni Mama at tumango lang ako.

"Sa next day na ang birthday mo" sabi ni Papa kaya nagulat ako.

Next day? Ang bilis naman yata.

"It's your 18 birthday Crystal" nakangiting sabi ni Mama.

Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan.

©

New HER (CAD BOOK 3)Where stories live. Discover now