Someone's POV
"Alam kona kung sino yung babae" sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. May inabot siya saking envelop kaya kinuha ko din ito kagad.
Binuksan ko ang envelop at bumungad sa akin ang isang folder, pag kabukas ko nito ay bumungad sa akin ang isang picture ng babae.
"Scaley Crystal Alvarez.."
"Nakauwi na po siya galing sa hospital" sabi niya pa sa akin.
Scaley's POV
11:00 o'clock na ng gabi ng magising ako dahil may narinig ako. Bumangon ako sa kama at bumaba, may nararamdaman akong kakaiba. May narinig akong ingay galing sa kusina kaya dahan-dahan akong nag lakad papunta doon.
May tatlong lalakeng naka-mask.
"Mga assassin.." bulong ko sa sarili ko.
Aalis na sana ako para puntahan sila mama pero may nasagi akong vase kaya nabasag ito. Pagtingin ko sa mga assassin ay nakatingin sila sa akin. Mabilis kumilos yung isa at sasaksakin na sana ako pero nakailag ako dahil natumba ako.
Mabilis akong tumayo at sinapak siya sa muka kaya natumba siya. Yung pangalawang lalake naman ay sinikmuraan ko. Yung pangatlong lalake naman ay nadali ako sa sikmura kaya napaatras ako pero agad din akong nakabawi, sinipa ko siya sa 'ano' niya kaya namilipit siya sa sakit. Bigla namang dumadating sila papa..
"Anong nangyayare?" tanong ni papa at nasa likod niya si mama at si ate na kinukusot-kusot pa ang mata.
Nang makita nila yung tatlong lalake ay agad tumawag si papa ng mga pulis.
Kinwento ko sa kanila ang nangyare. Umamin na din yung isang lalake kung sinong nag utos sa kanila, yung kaaway daw ni papa sa negosyo saka yung nag banta sa kanila at yung may pakana ng barilan sa birthday ko.
- - -
Lumipas ang araw at mas madalas kona nakakasama si Zayden, masaya siyang kausap pero may kulang parin.
Magkasama kami ngayon, nag paalam siya saglit sa akin na bibili lang daw muna siya ng makakain kaya pumayag naman ako. Nasa park kami ngayon, nakaupo ako sa bench at dinadama ang sariwang hangin ng biglang may humatak sa braso ko, pag dilat ko may itim na van na nakaparada sa harap ko at may mga lalaking pilit akong pinasok pero nagulat ako ng may babaeng sumipa sa isang lalakeng may hawak sa akin.
"Wag kang makielam dito kung ayaw mong madamay!" sigaw nung isang lalake.
"Isama niyo na din yan, bilisan niyo!" sigaw nung driver kaya pinasok na din nila yung babae. Hindi siya makapalag dahil mas marami sila.
Third Person's POV
Nakita ni Zayden ang pangyayare pero nahuli na siya, nagulat siya ng may motor na pumarada sa harap niya.
"Sakay na!" sigaw ni Kurt, hindi man ito kilala ni Zayden ngunit nakisakay na din siya.
Scaley's POV
Nandito na kami ngayon sa abandonadong building, tinulak ako nung lalake palabas kaya muntikan na akong masubsob sa lupa buti na lang ay nasalo ako nung babae. Nag lakad na kami papasok sa loob at bumungad sa amin ang isang matandang lalak.
"Sino yang babaeng yan?" tanong niya sa mga tauhan niya, ang tinutukoy niya ay yung babae.
"Boss umepal kanina eh kaya dinala na din namin" sagot nung isa niyang tauhan.
"Hoy! Ano bang kailangan mo sakin ha?!" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at napangisi.
"Kailangan ko? Gagawin lang naman kitang hostage para ibigay sa akin ng papa mo ang kumpanya niya" sabi niya saka tumawa. Nababaliw na siya, tss.
Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan saka lumapit sa akin.
"Dustin, hawak ko ang anak mo eto kauspain mo siya" sabi niya sabay abot sa akin ng cellphone na agad ko namang kinuha.
Walang tali ang kamay ko, ang bobo nila noh?
"Hello pa, okay lang ako wag kayong mag-alala" sabi ko at binaba ang tawag. Pagtingin ko sa matanda ay sasampalin na sana niya ako kaso ay sinapak kona siya kaya naalarma yung mga tauhan niya.
Bente silang lahat.
"Ibaba niyo ang mga armas niyo! Pulis 'to!" sigaw ng isang pulis.
Mabilis naman nilang binaba ang mga armas nila, mga takot naman pala sa pulis.
"Scaley!" napatingin ako sa sumigaw, si Zayden. Pagkalapit niya sa akin ay niyakap niya ako.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.
"Z-zayden?" napatingin kami pareho sa babaeng katabi ko.
"L-lara? ikaw ba yan?"
"Oo" sagot nung babae na parang maluluha.
Third Person's POV
Si Lara ang babaeng mahal ni Zayden. 1 year ago ay akala niya ay pumunta ito sa ibang bansa pero ang totoo ay dinukot ito nang mga tauhan nung lalakeng nag inject kay Scaley ng drugs.
Nakulong na si Mr. Smith dahil sa hostage taking na naganap. Binigay na din ni Lara ang antidote kay Scaley na agad naman niyang ininom. Hindi na din matutuloy ang kasal nila Scaley dahil umamin sila sa mga magulang nila na hindi nila mahal ang isa't-isa at iba ang mahal nila.
Scaley's POV
1 year later..
Nandito ako ngayon sa school namin at nakaupo sa isang bench habang hinihintay si Kurt, naiinis na nga ako eh ang tagal niya kasi.
Nagulat ako ng may mga lumapit sa akin na mga estudiyante at binigyan ako ng bulaklak.
'Ano na naman bang pakulo ito?' tanong ko sa isip ko.
"Ate sumunod po kayo sa akin" sabi ng isang babae kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Dinala niya ako sa court at medyo nagulat ako ng makitang ang daming tao.
Nag lalakad si Kurt papunta sa akin at may hawak siyang bulaklak.
"Scaley Crystal Alvarez, sorry kung naging manhid ako sa nararamdaman mo sa akin dati at alam ko ding nasaktan kita. Saka ko lang naramdaman yung halaga mo nung nawala ka sa akin dati, hinding hindi na ako papayag na mawala ka ulit sa akin. Mahal na mahal kita at.."
Gumilid siya at nakita kong humarap yung mga lalake na may hawak na lobo at nagulat ako sa nabasa ko.
"Will you be my girlfriend?" tanong ni Kurt at nag hiyawan naman ang mga estudiyante. Nakita ko si ate at tinanguan lang niya 'ko.
"Yes!" nakangiting sagot ko at nag hiyawan ulit ang mga estudiyante.
"Thank you" sabi niya at hinalikan ako kaya nag tilian ang mga estudiyante.
"I love you Scaley.."
"I love you too Kurt ng buhay ko.."
END