Prologo

183 6 0
                                    



Sabi nila... nakakaawa raw ang mga taong namamalimos.

Nakakaawa ang mga taong nagkakasakit, mga naghihingalo at namamatay.

Nakakaawa raw ang mga taong nababaon sa utang.

Nakakaawa raw ang mga taong pinagtatabuyan.

Pero, bakit gano'n? Sa lahat ng kaawaan na 'yan, ni hindi ko man lang maramdaman ang isa sa mga iyan.

Imbes na makaramdam ng awa. Nasisiyahan pa ako.

Tao pa kaya ako?

Bakit hindi ko man lang maramdaman ang sakit, saya at lungkot?

Pero, dumating ang araw na nagising na lang akong nagmamakaawa. Nagising akong naghahabol kahit pa na pinagtatabuyan, nagising na lamang akong nakaramdam ng lungkot, sakit at saya.

Noong araw na nakilala ko siya...


BambieWp (J.Grado)

PLEASE! VOTE and COMMENT

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon